“Mang Kanor, nakita mo ba si Petra?” pasimple niyang tanong sa matanda habang iginagala ang paningin sa buong paligid ng bahay niya. “Gising na ba siya? Eh, si Yaya nasaan?” “Umalis silang dalawa. Bakit mo naitanong?” “Magre-request lang po ako sa Yaya ko ng menu. Para po kasing gusto kong kumain ng karekare ngayon, eh.” “Ganoon ba? O siya, sasabihan ko agad si Tasing pagdating na pagdating nila.” “Salamat po.” “O, saan ka na pupunta?” “Matutulog po ulit ako dahil inaantok pa po ako,” pagsisinungaling niya pero ang totoo ay sa kuwarto siya nina Yaya Tasing at Petra pupunta. Pagdating niya sa tapat ng kuwarto ng dalawa ay napalunok muna siya sabay buga ng hangin. Pagpasok niya sa loob ay hinanap niya agad ang mga gamit ni Petra. Magbabaka-sakali siya na baka may makuha siyang imp

