Kanina pa nakamasid si Jordan sa natutulog na babae. Maganda ito, makinis at maamo ang mukha pero sa kabila ng maganda nitong anyo ay nagtatago ang nakakatakot nitong katauhan. Napabuga siya ng hangin. Hindi tuloy siya makapag-focus sa trabaho niya dahil dito. Akala niya sasabihin na nito ang lahat sa kaniya pero hindi pa pala. The only thing he knew about her was her name and her age. Ni Hindi niya alam kung saan ba ito nakatira? Saan ba pamilya nito o kung ano ba talaga ang trabaho nito. Naalis niya lang ang tingin dito nang makarinig siya ng katok sa labas ng pinto ng kuwarto niya. “Jordan, tulog ka pa ba?” Hindi niya alam kung pagbubuksan niya ba si Yaya Tasing niya o hindi na lang papansinin para isipin nito na tulog pa siya. “Karekare ba ang gusto mong ulamin ngayon?” Hindi s

