“Saan ka pupunta?” Hinarangan ni Jaiyana ang daraanan niya. “Hindi ka puwedeng umalis dahil delikado.” “Who are you to stop me?” suplado niyang tanong. "Hindi kita kaano-ano kaya bakit kita susundin?" “Look, I'm sorry. I was just joking back then about your friends,” sabi nito. “Hindi na mauulit. Again, I'm sorry.” Nakita niya ang senseridad sa mga mata nito kaya naman mabilis na nawala ang inis niya rito. "Nagbibiro lang naman ako kanina pero sineryoso mo." “Hindi mo ba talaga sasabihin sa akin kung ano ang mga nangyayari? Sina Mang Kanor at Yaya Tasing, kailangan ko rin silang protektahan. Pero, paano ko magagawa ‘yon kung ako mismo hindi ko alam kung paano sila mapoprotektahan dahil nga wala rin akong alam sa mga nangyayari. So, please. Nakikiusap ako, I want to know everything about

