bc

Who Am I?

book_age12+
0
FOLLOW
1K
READ
twisted
bxg
campus
city
school
passionate
stubborn
like
intro-logo
Blurb

My life was perfect, living the life that everyone dreams of having.

Not until some strange feeling started to developed inside me that led me to question my own identity.

And there is one question that I've been aching to ask and an answer I'm thirsting to hear.

"WHO AM I?"

#starywriting #firststory

chap-preview
Free preview
Simula
"And the winner is!!!!" Mahaba at pabiting sabi ng isa sa magaling naming professor dito sa school namin na syang nagho-host ngayon sa pageant na sinalihan ko. "Who's your bet?" Maarteng tanong nya sa audience. Kahit may kaonting kaba sa dibdib ko ay pinanatili ko ang ngiti sa mga labi ko. "Our new Ms. University for this year is.......... Zoey Nicole Bautista!!!" Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos kong marinig ang pangalan ko dahil sa wakas ay nagbunga ang pagtityaga ko at sigurado akong matutuwa si mommy. Lumakad ako papunta sa unahan at tinanggap ang koronang inilipat saakin ng nakaraang Ms University. "Wala paring kupas Zoey, kahit natingga ka ng matagal" may halong pang-iinis na wika ni Tanya Cruz ang dating Ms. University. Hindi ko tuloy alam kong pasasalamatan ko ba sya o ano dahil sa tono nya, sa huli ay mas pinili ko na lang bigyan sya ng ngiti, wala ako sa mood para mag maldita. Kanya-kanyang lapit ang mga professors ko, pati ang dean ng CAS department ay binati ako sa pagkapanalo ko. Sumilay ang ngiti sa mga labi ko ng matanaw ko si Ms. Buenaventura na papalapit sa kinatatayuan ko. "Congratulations Zoey, you deserve to win." Nakangiting bati nya. "Thank you Ms. Buenaventura, syempre po magaling ata yong mentor ko." Nakangiting sabi ko. " Thank Ms. hindi ko to magagawa kung di dahil sa pagtityaga mo saakin, alam kong nahirapan ka dahil medyo natagalan din akong hindi sumasali." "You're just as good as before!" "Thank you Ms. I owe you this one!" "Oh pano mukhang hinihintay ka na ng mommy at mga kaibigan mo, Congrats ulit.!" Ng matapos ang awarding ay bumaba na ako ng stage medyo nahirapan pa ako dahil sa haba at bigat ng gown ko. "May I help you Ms. University" wika ng isang tinig. Napangiti ako ng makita ko syang nakatayo sa harapan ko habang inaalok ang kamay sakin. "Akala ko hindi ka na darating." May bahid ng pagtatampo kong sabi. "I'm sorry babe, kinailangan kasi ng assistance ng doctor na on duty e, hindi agad ako nakaalis kulang kasi kami ngayon dahil absent si Dr. Marasigan." Paliwanag nya. "It's okay" sabi ko na lang habang inaabot ang kamay nya at sabay kaming naglakad. "Sayang nga lang at hindi mo ako napanuod kanina." " babe alam ko namang ginalingan mo kanina e kahit wala ako. Kaya ka nga nanalo diba! I'm so proud of you" malambing nyang papuri na tinugunan ko na lang ng ngiti. Roderick Gonzales is my boyfriend mahigit isang taon na kami. Isa syang medicine student samantalang Mass com ako. Third year na sya kaya naman nag duduty na rin sya sa Ospital bilang pre-training nya na din. Madalas syang busy pero hindi naman ako nagrereklamo tungkol don naiintindihan ko sya dahil pareho ding Doktor ang mga magulang ko. Sinalubong ako ng yakap ni mommy. "You did Great Zoey, sayang nga lang at hindi mo nakuha yong ilang major awards" may halong disappointment na wika nya. Yeah right I can never please and satisfy you mom! Hindi ko na lang pinansin yon at nginitian ko na lang ang ilan pang schoolmates na bumabati sakin. "You were so awesome on stage Zoey, I was like OMG is da my friend?" Maarteng sabi ni Jessica isa sa mga kaibigan ko. "Yes! And I have to admit, mas nalamangan mo ako sa ganda tonight!" Sang-ayon pa ni Lara. "Thank you!" sagot ko na lang, dahil kung kokontra ako ay baka humaba pa ang usapan. "Rod you made it!" Pansin ni mommy kay Roderick na nasa tabi ko padin. "Yes tita, baka kasi umusok ang ilong ng isa dyan kung hindi ko na nga sya napanuod ay hindi pa ako magpapakita sa kanya." Pagpaparinig nya sakin. "Don't mind my daughter Rod! mas importante ang mga pasyenteng umaasa sayo. Hindi nya yon maiintindihan dahil hindi naman sya Doktor" tila may halong magpaparinig na wika ni mommy. "Mom! Where's Daddy?" Tanong ko na lang. "Nasa bahay. Hindi na sya nakaabot because of an emergency, but He promised to treat us dinner when we get home." "So pano Girls, see you tomorrow?" Paalam ko sa dalawa. "Sure bye! Bye Tita Celine, Bye Rod take care!" Paalam nila. "I'll take you home tita!" Pag-aalok ni Rod. "No thank you hijo! Kasama namin yong driver. Kung gusto mo si Zoey na lang ang ihatid mo." "Hindi na, alam kong pagod ka din naman, so magpahinga ka na lang magkikita pa naman tayo bukas e." Tanggi ko. "Are you sure babe?" "Yah I'm sure and besides pagod na rin ako. Mag-iingat ka!" "Okay bye, I love you!" hinalikan nya lang ako sa pisngi. Hinintay ko syang makaalis bago ako sumakay sa sasakyan pagkasarado ko ng pinto ay sinandal ko ang likod ko at ipinikit ang mata ko. Ngayon ko lang lubos na naramdaman ang pagod. Hindi ko maintindihan pero wala naman akong maramdamang kagalakan sa loob loob ko, kundi lang gusto ni mommy ay hindi na ako sasali pa. Tahimik lang kami sa byahe at maya maya pa ay nakarating na kami sa bahay. Sinalubong kami ng isa sa mga maids namin at kinuha ang ibang gamit na ginamit ko sa competition. Naabutan ko si Daddy na nagkakape sa may living room. "You're home, Zee how was the competition?" Pormal na tanong nya. "I won" tipid na sagot ko. "That's good! Congratulations!" "Thanks Dad!" "I made a reservation at your favorite restaurant let's celebrate!" "Thank you Dad, but I'm a bit tired so I just wanna rest." Pagtanggi ko. "If you say so! Where's your mom?" "Outside dad, I'll rest now just tell mom okay?" Hindi ko na sya inantay na sumagot at dumiretso na ako sa taas sa kwarto ko. Hinubad ko ang gown na suot ko at naglinis ng katawan at nagpatianod sa antok. ------------------------------- KINABUKASAN ZOEY Naghahanda na ako sa pagpasok medyo late na ako pero hindi ako nagmadali. Napahinto ako sa pag-aayos ng gamit ko ng may kumatok. "Come in" sigaw ko. "Zoey! Malelate ka na ano bang ginawa mo at ang tagal mo?" Si mommy. "Mom relax! Wala naman akong major subject ngayon e, it won't affect my grades and besides hindi naman to araw-araw na nangyayari." Paliwanag ko. "Kahit na kaya ka natatalo ni Dominguez e dahil pabaya ka at irresponsable, hindi ka naman dating ganyan." Tss Si Carlo Dominguez ay ang palagi kong katunggali sa academics. "Mom Dominguez is just good wala yong kinalaman sakin kaya mas natataasan nya ako." "And please mom stop treating me like a highschool student, college na ako ang mahalaga lang ay maka graduate ako." "What? At ganyan ka na mag-isip ngayon? Kung hindi ka na lang sana nag shift dyan sa walang kwenta mong kurso ay mapapanatag ako." "Mom! not again okay? I told you hindi ako makakasurvive sa medecine, hindi ko nga alam kung bakit naisipan kong mag-enroll don noon e." "Zoey!!" Galit nang sigaw nya. "Mom I'm going, lalo lang akong nalelate e, bye." Hinalikan ko lang sya sa pisngi at lumabas na ng kwarto. Habang nagddrive ay hindi ko maiwasang mapailing sa naging usapan namin mi mommy. Hays kelan kaya sya magsasawa sa kakasermon sakin dahil lang ayaw ko maging doktor. Hindi ko maintindihan porke pa doctor sila ay kailangan ko na din maging doktor hays. Napapailing na lang ako. Si Mommy kasi ay isang doctor Phsychiatrist sya at hindi lang basta basta Phsychiatrist dahil isa syang kilalang doktor. Ang daddy naman ay isang neurosurgeon kaya naman nagtayo sila ng sarili nilang private hospital at sila na rin ang namamahala nito. And that what makes us hella rich. Mayaman kami at hindi basta-basta halos lahat sa pamilya namin ay doctor. My grandparents are doctors too nong nabubuhay pa sila. Kaya maliban sa sariling ospital nina mommy ay pag-aari din nila ang isa sa pinaka malaking Ospital dito saamin. Kung saan madalas din mag duty si Rod. Hindi ko lang talaga kasi gusto ang pag memedisina isipin ko pa lang na may mga dugo akong makikita ay nanghihina na ako. Ipinark ko ang sasakyan ko at pinagmasdan ang kabuoan ng University na pinapasukan ko. St. Benedict University. One of the best and most expensive school dito sa maynila I'm not sure pero minsan na saaking nabanggit ni Daddy na kami ang may ari ng ibang shares ng school na to, hindi naman kasi ako interesado. Mga biniyayaan lang ng yaman ang pwedeng makapasok dito. Pagpasok ko pa lang ay binati na ako ng guard na nakaduty sa unang gate ng school. "Good morning po!" Hindi ko sya pinansin dahil nababadtrip ako. Hindi ko narin pinilit na humabol sa unang subject ko dahil late na din naman, dumiretso na lang ako sa cafeteria dahil hindi ko na nagawang kumain sa bahay. Pizza. Carbonara. at Juice ang binili ko iilan pa lang ang tao sa Cafeteria dahil kadalasan ay on going pa nga ang klase. Pagkatapos kong kumain ay umalis ako at pumunta sa lugar na madalas kong tambayan. May one hour break pa naman kasi bago ang next class apat lang ang subject ko ngayon. Umupo lang ako sa may bench malapit sa fountain at sa ilang malaking puno na nagbibigay lilom sa mga bench na nandon. Nagsuot ako ng headset at nakinig ng kanya habang nakapikit. Maya maya ay may naramdaman akong parang gumagapang sa braso ko kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Pero nagimbal ako ng makita ko kung ano yon. Green. mahaba. may paa. Uod? "AHHHHHHH!!" Malakas na tili ko. "AHHHHHHH!" Sigaw ko at nagtatalon para matanggal yon sa pagkakakapit sakit. "s**t!!!" nagulat ako ng may narinig akong tinig galing sa likod ng puno. Napaatras ako ng makita ko ang isang lalaking masama ang tingin sakin habang hawak nya ang kaliwang braso nya. Bahagya syang natigilan ng makita ako. "B-Bakit ka ba sumisigaw?" Pasinghal na tanong nya. "M-may uod kasing gumapang sakin." Natigilan sya at tila hindi makapaniwala. "Takot ka sa uod?" Tila napapahiya naman akong napatango. "Hindi mo ba alam na dahil dyan sa ka OA-han mo ay nahulog ako galing don" inis na wika nya at tinuro pa ang puno. "You fell from the tree?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "Obviously" iritadong sagot nya. "Teka nga ano bang ginagawa mo sa itaas ng puno? Wag mong sabihing natutulog ka?" Hindi sya nakasagot sa tanong ko. "So natutulog ka nga? Para sabihin ko sayo ha hindi ko kasalanan kong kakaiba yang trip mo sa buhay at nagpapaka unggoy ka dyan kuya.!" "Kuya?!" Parang lalong naiinis na tanong nya. "Why? e sa hindi kita kilala!" Sagot ko. "H-hindi mo ako kilala?" Tila namamanghang tanong nya. "Bakit dapat ba kitang kilalanin?" Sarkastikong tanong ko. Bigla syang nag-iwas ng tingin at parang may kakaibang lungkot na ipinakita ang mga mata nya. "Kung ganun umalis ka sa harapan ko!" "What?" "I SAID GET OUT OF MY SIGHT!!" napapitlag ako sa biglaang pagsigaw at biglaang pagbabago ng mood nya. Binigyan ko lang sya ng masamang tingin at tinalikuran ko sya. Pasalamat ka may klase na ako. Totoo namang hindi ko sya kilala oo madalas ko syang nakikita dito sa bawat sulok ng school pero hindi ko alam ang pangalan nya. Basta ang alam ko ay engineering sya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa mabilis na t***k nito. Kakaiba talaga syang tumingin. Madalas ko syang nakikitang nakatingin sakin pero agad ding nag-iiwas ng tingin kapag nahuhuli ko. Kung assuming lang ako ay baka inisip ko ng may gusto sya sakin. Nagdiretso na lang ako sa paglalakad at nagtungo sa building namIn.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
35.5K
bc

His Unavailable Wife: Sir, You've Lost Me

read
10.3K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
816.7K
bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
611.6K
bc

The Lone Alpha

read
125.4K
bc

Bad Boy Biker

read
8.7K
bc

The CEO'S Plaything

read
19.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook