-
"Kita-kits nalang sa school." Nakangiting wika ni Wyatt at sumakay na sila sa kani-kanilang kotse nila. So kami nalang ni Harduel ang naiwan. Nauna na itong sumakay sa kotse nya. Wow, napaka gentleman nya talaga. Yung mga pinsan nya pinag bubuksan pa ako ng pinto pag papasok, samantalang sya walang paki alam. Padabog akong sumakay sa kotse nya.
"Baka gusto mong ako pa ang mag kabit ng seatbelt mo?" Sarcastic na wika nito.
"Hindi na kailangan, kaya ko naman." Wika ko at nginitian ito ng plastic. Ganito nya ba dapat ako i-treat? Ganito ba sya manligaw ng babae? Ekis na agad sakin ang bwesit na to, wala syang aasahan sakin.
Habang nag mamaneho ito, pilit kong pinapalamig yung ulo ko.
"Maayos na ba yung ulo mo?" Tanong nito na ikinagulat ko.
"Oo, malayo naman ito sa bituka." Sagot ko at hindi na ulit ito pinansin.
"Sa susunod, kapag sinama ka ni Hardelien. Alamin mo muna kung San ka nya dadalhin, naiintindihan mo ba?" Wika nito kaya napatingin ako sa kanya. Napaka bossy naman ng lalaking to. Hindi nalang ako umimik, baka kasi mag away na naman kami.
Pag dating namin ng parking, nauna na itong bumaba. Gusto ko sana hintayin na pag buksan nya ako ng pinto pero hindi nalang. Hindi ko na kailangang mag pa bebe sa lalaking to. Kailangan independent ka pag ito ang kasama mo.
Pag baba ko, nakatingin na naman ito ng masama sakin. Hindi ko talaga alam kung anong problema nya sakin. Lumapit ito sakin at bigla nalang akong hinatak papalapit sa kanya. Napalunok ako dahil sobrang lapit namin sa isat-isa. Nakaharap ako sa dibdib nya, may lahi kasing kapre tong mag pipinsan kaya hangang balikat lang nila ako.
"Wag kang malikot, ichecheck ko lang yung sugat mo." Wika nito at napalunok ako ng hawakan nito ang ulo ko.
"Hays, napaka iresponsable mo talaga Sammie!" Inis na wika nito at hinila ang kamay ko.
Napalunok nalang ako ng makitang hawak-hawak nya ang kamay ko. Hindi ko alam kung san nya ako dadalhin.
"Sariwa pa yung sugat mo sa ulo. Paano kung lumala yan! Nagawa mo pang mag party kagabi. Napaka Hina talaga ng kokote mo!" Inis na wika nito habang hila-hila nya ako.
Napansin kong pinag titinginan na kami ng mga nadadaanan namin. Tiyak na kami na naman ang laman ng usapan ngayon sa university.
Napag tanto kong sa clinic ang punta namin. Pag dating namin dun ay agad nitong hinanap si nurse Ella.
"Good morning nurse Ella." Nakangiting bati ko dito.
"Ikaw pala Sammie, may nangyare ba ulit?" Pag aalalang tanong nito.
"Paki lagyan nalang po ng bandage yung sugat nya." Wika ni Harduel dito.
"Sige, saglit lang at kukuha ako ng gamit." Nakangiting wika nito. Pag kabalik ni nurse Ella ay agad na ginamot nito ang ulo ko at nilagyan ng bandage.
"Huwag mong kalilimutan Sammie na lagyan ng cover yung sugat mo. Kahit tahi na yan, mas mabuting mag ingat ka pa rin dahil baka ma infection yan." Wika ni Nurse.
"Sige po, salamat po." Wika ko dito at nag paalam na kami ni Harduel.
"Kung kailangan mo ng tulong sa pag lalagay ng benda. Tawagan mo lang si Vivian, wag kang sunga Sammie." Wika nito na ikinainis ko. Yung feeling ko concern sya sakin, pero sasabihan pa ako ng súnga. Haist, pag di ka naman talaga tinubuan ng puting buhok sa lalaking to.
-
Pag dating namin sa room ay naabutan naming nakikipag kwentuhan si Wyatt at Norphil sa mga classmates namin .
"Ang tagal nyo ata." Pag tataka ni Norphil ng makaupo na kami.
" Ah eh, dumaan pa kasi kami ng clinic." Sagot ko dito. Agad naman silang napatingin sa ulo ko.
"Iniinom mo ba yung gamot na binigay sayo ni Doc?" Tanong ni Lawrence.
"Oo naman, huwag na kayong mag aalala sakin." Wika ko sa kanilang apat. Nakakahiya yung inaasta nilang apat. Pinag bubulungan tuloy kami sa loob ng classroom..
"Pasensya na kayo kay Sammie, medyo may pag ka matigas talaga ang ulo nyan."
Agad akong napalingon sa kadarating lang na si Kia. Ang bruha ngiting ngiti sakin, alam ko ang ngiti nyang yan.
"Your right, napaka hard headed ng babaeng yan." Sagot ni Harduel at ngumiti na naman ito na parang demonyo.
Sungay nalang talaga ang kulang sa kanya para maging ganap na syang kampon ng kadiliman.
Break time
Paalis na kami ng room ni Kia ng biglang dumating si Harduel. Teka ano nanaman kaya ang kailangan ng isang to.
"Tara na, nagugutom na ko." Wika nito at hinila na naman ang kamay ko. Tiningnan ko si Kia na nakangiti habang kumakaway sakin.
Bwesít na yan, hinahayaan nya lang talaga akong hilahin nalang ni Harduel. Talaga bang bestfriend ko sya?
"Hoy teka nga lang, san mo ba ako dadalhin. Hindi dyan ang daan papuntang canteen!" Inis na wika ko dito.
"Manahimik ka na nga lang manang! It's my day today diba? Dahil ito ang unang araw ng date natin sumama ka nalang sakin ng walang reklamo!" Inis na wika nito.
Napalunok ako sa sinabi nya. Date, oo nga pala bakit ko nakalimutan yun. Pero teka lang, seryoso talaga sya na mag d-date kami? Wala naman kasi sa itsura ni Harduel ang mag seseryoso. Hindi ko talaga maunawaan ang ugali nya.
Dinala nya ako sa liblib na bàhagi ng Almodians. Napalunok tuloy ako, paano kung i-salvage nya ako dito.
"Ano ba Sammie, tutunganga ka nalang ba dyan? Bilisan mo na at nagugutom na ko!" Reklamo nito.
Lumapit na ako sa lumang simentong lamesa at bleacher. Hindi ko alam na may nakatago palang ganito dito. Napalunok ako sa mga pag kain na nakalatag sa table.
"Alam ko kasing patay gutom ka kaya omorder ako ng madami. Sige na mag pakabusog ka, para talaga yan sayo." Mayabang na wika nito.
Hindi ko na pinansin yung sinabi nya dahil ang totoo gutom na din pala ako. Hindi ko nalang papansinin yung sinabi nyang patay gutom ako. Baka kasi pati sya ay kainin ko ng buo.
"Mag dahan dahan ka nga!" Saway nito sakin. Hays, pag ganito naman ang kasama mo mawawalanan ka ng gana. Hindi ko nalang ulit ito pinansin at pinag patuloy mo ang pag papak sa buttered chicken wings.
"Grabe ka, naubos mo agad yun." Di makapaniwalang wika nito sakin.
"Diba nga sabi mo patay gutom ako, kumain ka na nga lang dyan, dami mong kuda!" Inis na wika ko at sinalpakan ko ng chicken legs yung bibig nya.
-
After naming kumain, napangiti nalang ako sa sobrang busog.
"Thank you." Wika ko dito. Tulala lang ito sa table namin.
"T-talagang naubos mo yun?" Di makapaniwalang wika nito. Mukang na turn off ata sya sa pagiging patay gutom ko. Bahala sya kung anong isipin nya. Basta ako nag papakatotoo lang ako sa sarili ko.
"Alam mo Harduel, kaming mahihirap, minsan lang kami makakain ng masasarap na pagkain. Kaya sinusulit na namin, kaya thank you talaga." Nakangiting wika ko dito habang himas himas ang tiyan ko.
Hindi na ito nakaimik, nakatulala lang ito sakin. Mukang hindi pa rin sya makapaniwala sa nasaksihan nya. Sorry na kung nagulat ko sya. Malakas kasi talaga akong kumain. Isa pa, sayang naman kung mag titira kami diba?
**
Pa balik na kami ng classroom ko ng makasalubong namin si Lawrence. Napa-tingin ako sa babaeng kasama nya. Kilala ko to, sya ang student councilor president na si Monica Garces. Hindi ko akalain na close pala sila ni Lawrence. Nakaramdam naman ako ng selos, ang ganda kasi nito at bagay sila sa isat-isa.
"Hi Harduel, and sayo din Sammie." Nakangiting bati ni Monica samin.
"H-hello." Nauutal na sagot ko dito at binigyan sya ng malapad na ngiti. Siniko ko ng palihim si Harduel. Ni wala manlang kasi itong react, di marunong bumati sa taong bumati sa kanya.
"Tara na Sammie, baka mahuli ka pa sa klase mo." Wika ni Harduel at hinila na naman ako nito sa kamay.
"Bye sa inyo." Pahabol na wika ko sa dalawa. Kumaway lang si Monica sakin habang si Lawrence ay walang emosyon na nakatingin samin ni Harduel.
Bakit parang may kakaiba ngayon kay Lawrence hindi naman sya ganun eh. Tatanungin ko nalang sya mamaya sa mansion kung may problema sya.
-
Napa- unat ako ng dalawang kamay ng matapos na ang klase namin.
"Si Harduel ang mag susundo sayo ngayon diba?" Kinikilig na tanong ni Kia habang nag liligpit ng mga gamit nya.
"Oo, bakit makikisabay ka ba?" Biro ko dito.
"Hindi na, makakaabala lang ako sa date nyong dalawa. By the way, kita nalang tayo sa bahay bukas." Nakangiting wika nito at kumaway na sakin paalis.
Birthday ni Kai bukas, hindi pwedeng hindi ako pumunta dun. Sya lang ang nag iisang kaibigan ko kaya dapat nandoon ako.
Habang nililigpit ko ang mga gamit ko, naramdaman kong may nakatayo na sa gilid ko. Pag tingala ko, si Harduel lang pala.
"Tara na, sorry sa pag hihintay." Nakangiting wika ko dito. Hindi nito umimik at lumabas na kami ng classroom.
Mukang may problema, bigla nalang kasi itong natahimik. Para bang may bumabagabag sa isip nya. Gusto ko syang tanungin pero baka masamain nya lang kaya mas pinili ko nalang na manahimik.
Pag dating namin ng parking, himala at pinag buksan ako nito ng pinto. Nakakalito talaga ang ugali nya, parang mas gusto ko nalang yung maingay sya na puro reklamo or puro paninirmon kesa yung ganito sya na tahimik tapos biglang magiging gentle man.
Hays, napaka moody ng taong ito. Hirap nyang basahin, at unawain.
- Pag dating namin ng mansion, pinag buksan ako nito ng pinto ng sasakyan. Pag labas ko ng sasakyan nauna na itong pumasok sa loob ng mansion.
Napabuntong hininga nalang ako, ang bigat kasi sa feeling kapag ganun sya umasta.
"May nangyare ba?" Tanong ni Wyatt ng madaanan ko ito sa lobby. Mukang napansin nya din ata ang ibang kinikilos ni Harduel ngayon.
"Hindi ko alam eh, ganyan na sya nung sinundo nya ko sa room." Sagot ko dito.
"Ganun ba, hayaan mo nalang. Nag meryenda kana ba?" Pag iiba nito ng usapan.
"Hindi pa." Sagot ko dito..
"Mag bihis kana muna, igagawa kita ng sandwich." Wika nito at tumayo na sa kinauupuan nya. Pinisil muna nito ang pisnge ko bago sya tumungo ng kusina.
Sweet din itong si Wyatt, kahit papano ay nagiging palagay na ang loob ko sa kanila. Hindi naman kasi sila wild katulad ng ibang lalaki.
Sabagay, hindi naman kasi ako ka-akit akit para maging wild sila. Kung di naman dahil kay Lolo Jones, di ako mapapansin ng mga katulad nilang mahirap abutin.
-