After kong mag palit ng damit, bumaba na ako para puntahan si Wyatt. Naabutan ko to sa kusina na nag sasalin ng apple juice sa baso.
"Wow, mukang masarap yan." Wika ko ng makita ang sandwich na hinanda nya.
"Shempre masarap talaga yan, dahil ako ang gumawa." Pag yayabang nito. Pag kakatanda ko, culinary ang kinukuhang kurso ni Wyatt, hindi halata sa kanya pero yun ang katotohanan.
"Hilig mo talaga ang pag luluto nuh." Saad ko dito.
"Yeah, sa pag luluto ko kasi nailalabas yung nararamdaman ko. Ibig kong sabihin, masaya ako pag nag luluto ako." Nakangiting saad nito at naupo na kami. Sinimulan ko ng kainin yung sandwich na ginawa nya.
"Grabe, sobrang sarap!" Hanggang saad ko dito.
"Thanks Sammie, mabuti at nagustuhan mo." Nakangiting saad nito. Natigilan naman ako ng bigla syang lumapit.
"Wag kang malikot, may kumalat ng sauce sa gilid ng labi mo." Wika nito at kumuha ito ng tissue para punasan yung sinasabi nyang kalat sa giid ng labi ko. Napalunok tuloy ako dahil sa ginawa nya, nakakailang kasi.
"Ayan wala na, pwede kana ulit kumain." Nakangiting saad nito kaya nakahinga ako ng malalim. Dinahan dahan ko na yung pag kain ko dahil baka maulit na naman yung nangyare.
Babae ako guys, at hindi naman ako robot para hindi kiligin sa presensya ni Wyatt. Hays, naiinis na ako sa puso ko, nagiging malandi na kasi ito. Akala ko pa naman para lang to kay Lawrence, bwesit naman oh. Hindi ko naman pwedeng ipag tulakan si Wyatt, kailangan maging patas ako. Kaya kailangan kong kumalma, tandaan mo Sammie mahusay si Wyatt pag dating sa mga babae, hindi ako dapat ma dala sa mga moves nila. Dapat maging maingat ako lalo na sa damdamin ko.
***Kinabukasan***
Ngayon ang araw ng birthday ng nag iisang bestfriend ko, kaya naman excited talaga ako. Pag dating ko sa bahay nila ay agad ko itong binati.
"Happy birthday Bess!" Masiglang bati ko ditoat agad na inabot ang regalo kong strawberry cake na kaka-bake lang ni Ate Vivian. Nung nalaman nya kasi kaninang umaga na pupunta ako sa birthday ni Kia ay hindi na ito naawat pa sa pag bake ng cake.
"Wahh, thank you Sammie, nag abala ka pa talaga." Tuwang tuwa na saad nito.
Tumuloy na kami sa loob, hindi lang naman ako ang bisita ni Kia. Actually it's her 21st birthday, simply lang yung handaan. Hindi din ganun ka dami yung bisita nila, talagang yung mga malalapit na kamag anak at mga close friends lang ni Kia ang nandito.
"Hi Sammie, long time no see." Nakangiting bati sakin ng kuya ni Kia. Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko ng makita ito. Si Kevin kasi ang 1st crush ko, alam yun ni Kia. Ilang buwan ko na din itong hindi nakikita dahil nag wowork na ito. Mas lalo syang gumwapo ngayon.
"Hello kuya Kevin." Nahihiyang bati ko dito.
"Nabalitaan ko na may nanliligaw na daw sayo at hindi lang Isat kundi apat pa." Pa birong wika nito.
Pinag cross ko ang legs ko, then I flip my hair behind my ears. Gosh, bakit ba sa tuwing nahihiya or kinikilig ako ginagawa ko ang bagay na to. Feeling ko tuloy nag papacute ako sa harapan ng Kuya ni Kia.
Sasagot pa sana ako sa sinabi ni Kuya ng biglang may lumapit sa kanyang magandang babae. Agad itong yumakap sa braso ni Kuya, mukang hindi naman nagulat si Kua Kevin sa ginawa nito.
"By the way Sammie, this is Arah my girlfriend." Nakangiting pag papakilala nito.
"Hi Sammie" Nakangiting bati nito sakin kasunod ang pakikipag kamay. . Wala naman akong dahilan para tanggihan ang pakikipag kamay nito. Mabuti nalang at mababaw lang ang pag ka gusto ko kay kuya Kevin. Kung siguro ay baliw na baliw ako dito, tiyak na masasaktan ako.
"Halikana Sammie, kumain kana muna." Pag anyaya ni Kia at hinila na ako nito kaya kumaway nalang sakin yung mag jowa.
"Hindi mo naman sakin na mention na may jowa na pala si kuya Kevin." Mahinang wika ko dito.
"Hindi naman na importante yun. Isa pa may apat na manliligaw kana ngayon kaya di na ako nag abala pang ichika sayo." Nakangiting wika nito habang nilalagyan nya ng food yung plato ko.
"Inferness din naman sa gf ni kuya Kevin, maganda sya ah." Wika ko at palihim na tiningnan ito.
"Oo, pero alam mo bang against kay kuya ang family ni ate Arah. Pag kakaalam ko kasi, galing sa mayamang pamilya si ate Arah. Ayaw lang talaga nilang pag usapan ni kuya ang problema nila." Mahinang kwento ni Kia sakin.
"Ganun ba, napaka kumplikado talaga ng pag ibig between rich and poor." Malungkot na wika ko dito.
"Oo, kaya nga ma swerte ka dahil mismong Lolo na nung mag pipinsan ang gustong ipa-date ka sa mga apo nya." Nakangiting wika nito at naupo na kami. Sinimulan ko na ang pag kain ng biglang may dumating na bisita.
"Teka Sammie, check ko lang kung sino yun." Wika nito at agad na pinuntahan sa pinto yung bagong dating. Sa tindig nya alam kong lalaki ito. Natatabunan kasi ito ng malaking regalo na dala nya kaya hindi ko makita ang muka nito.
Biglang napatingin sakin si Kia na para bang may gusto itong sabihin sakin. Pag abot ng lalaki ng regalo nya kay Kia, muntik na akong mabilaukan.
"Sammie!" Masiglang tawag sakin ni Norphil. Dali-dali akong uminom ng juice dahil sa pag kagulat.
"A-anong ginagawa mo dito?" Pag tatakang tanong ko ng makalapit na sila ni Kia sa pwesto ko.
"I heard to Yaya Vivian na birthday daw ng bestfriend mo. Si Kia lang naman ang kilala kong bestfriend mo so I invited my self." Nakangiting sagot nito, napanganga ako sa sinabi nya.
"P-pero paano mo nalaman ang bahay ni Kia?" Pag tataka ko dito.
"Nung araw na dinala ka sa hospital, ako yung nag hatid sa kanya dahil gabi na kung uuwi syang mag isa." Nakangiting sagot nito. Tiningnan ko si Kia, yung tingin na 'bakit hindi mo sinabi sakin ang tungkol dito.' Ngumiti nalang ng alanganin si Kia sakin at inasikaso na nito si Norphil sa pag kuha ng food.
Sa mag pipinsan, si Norphil yung hindi namimili ng kakaibiganin. Napansin ko kasi na close na agad sila ni Kia. Napangiti tuloy ako ng mapansin na bagay silang dalawa. Sorry nalang Norphil, pero mas gusto kita para sa bestfriend ko. No hard feelings pero kailangan kitang i-basted agad, hahaha.
After ng party ni Kia ay nag paalam na kami ni Norphil na umuwi. Sa kanya nalang daw ako sumabay dahil iisa lang din naman ang uuwian namin.
Habang nasa byahe kami, hindi ko maiwasang hindi mag kwento dito.
"Hindi mo ba napapansin si Harduel mula kagabi? Para bang wala ito sa sarili nya, bigla nalang kasi itongnaging tahimik. Kahapon naman nung mag lunch kami madaldal pa ito." Pag kukwento ko dito.
"Ano ba ang ginawa mo?" Seryosong tanong nito habang nag mamaneho.
"Wala naman, ang natatandaan ko lang nakasalubong namin nun si Lawrence kasama si Monica." Sagot ko dito.
"Ay kaya naman pala, huwag ka ng mag taka kung bakit sya ganun ngayon." Nakangising wika nito.
"B-bakit, ano bang meron sa pagitan nilang tatlo?" Nauutal na tanong ko. Time to be marites na mga bhe, hindi ko dapat palampasin ang bagay na to.
"First girlfriend ni Harduel si Monica nung high school palang kami, almost 3 years din ang naging relasyon nila. Nag break sila bago ang graduation namin. Si Monica at Lawrence naman mag bestfriend lang, pero hindi naniniwala si Harduel na mag bestfriend lang yung dalawa." Pag kukwento ni Norphil. Napalunok ako ng laway ng malaman ang tungkol sa kanila.
"So nag break si Harduel at Monica dahil kay Lawrence?" Muling tanong ko at agad namang umiling si Norphil.
"Si Monica ang nakipag break, mashado pa naman kasi silang bata nung mga panahon na yun. Kilala mo naman ugali ni Harduel diba, para itong bata. Mashadong mainitin ang ulo at hindi yun kayang i-handle ni Monica kaya nakipag hiwalay si Monica. Naging big deal lang talaga kay Harduel yung sitwasyon nila nung nalaman nya na parehas na nag enroll sa iisang University yung dalawa. Parang binigyan nya ng meaning at iniisip nya na may relasyon talaga yung dalawa." Paliwanag nito kaya naunawaan ko na ang lahat.
"Kitid din pala ng utak nitong si Harduel eh. Tama bang pag isipan ng ganun si Lawrence at Monica." Inis na komento ko.
"Hindi mo naman masi-sisi si Harduel. Hindi mo pa siguro naranasan ang mag mahal kaya hindi mo mauunawaan yung nararamdaman ni Harduel."
Natigilan ako sa sinabi ni Norphil. Tama sya, hindi ko pa nararanasan ang bagay na yun. Gaano ba ka kumplikado ang pag-ibig at nababago nya ang isang tao? Parang nakakatakot kasi, sa nakikita ko kay Harduel parang hindi ito maganda para sa kanya.
"Ugali na ni Harduel ang pagiging harsh, pero believe me, sya ang pinakang sweet na taong kilala ko." Nakangiting wika nito at sandaling tumingin sakin.
Si Harduel sweet? Saan kayang part ng katawan? Hindi ko alam kong pinag titripan lang ako nitong si Norphil. Sa nakikita ko kay Harduel wala syang asukal sa katawan kundi puro ampalaya lang.
"May gusto ka bang daanan bago tayo umuwi?" Tanong nito, agad naman akong umiling. Mas gusto kong mag pahinga nalang sa kwarto ko.
"Wala naman." Nakangiting sagot ko dito at nag patuloy ito sa pag mamaneho.