Sorry sa maling tagged

1576 Words
Tahimik lang kaming nakaupo habang hinihintay ang Lolo na sinasabi nila. May pag kakataon na tinitingnan ko ng masama si Harduel at ganun din ito sakin. Lakas talaga ng tama nya sa utak! Sya na nga itong may atraso sakin, sya pa may ganang makipag tinginan ng masama sakin. "Sorry kung pinag hintay ko kayo ng matagal, nandito na ba si Sammie?" Napatayo silang lahat ng marinig ang boses ng isang matandang lalaki, kaya maging ako ay napatayo na din. Maya-maya pa ay naupo na ito sa solo sofa na nasa gilid namin. Napakunot ang noo ko ng makilala ang matanda. "Lolo Jones!?" Di makapaniwalang tawag ko dito. Sa sobrang tuwa ko ay lumapit ako dito para yakapin ito. "Lolo na miss kita, bakit hindi nyo naman po nabangit sakin na nandito kayo sa Manila. Balak ko pa naman mag bakasyon ng Mindoro para bisitahin kayo ni Lola!" May pag tatampong wika ko dito. "Pasensya na iha, may mga pasaway kasi akong apo na dapat bigyan ng leksyon kaya umuwi muna ako dito ng Manila para asikasuhin sila." Wika nito sabay tingin sa apat na lalaking kasama ko. "A-apo, apo nyo po itong apat na to?" Nauutal pa na tanong ko dito. Si Lolo Jones ang kapit bahay ni Lola Susana ko sa Mindoro. Taon-taon ay bumibisita ako sa Lola ko kapag vacation day. Naging matalik na mag kaibigan na si Lolo Jones at ang Lola ko. Siguro dahil parehas na senior na ang mga ito kaya parehas na parehas ang mga vibes nila. Minsan na nyang nabangit sakin ang tungkol sa apat nyang apo na lalaki. Hindi naman ako interesado sa mga ito, pero once daw na nakauwi na sya ng Manila ay ipapakilala nya ako sa mga ito. Napalunok nalang ako at payukong bumalik sa upuan ko. "Sammie, gusto kong makilala mo ang mga apo ko. Gusto kong isa sa kanila ang mapangasawa mo." "Anu po!" Malakas na sagot ko dito dahil sa pag ka gulat. Narinig ko naman ang mahinang pag tawa nung dalawa maliban kay Harduel ay Lawrence. "Pumayag ang Lola Susana mo sa alok kong ito. Kaya nga pinatawag ko ang mga apo ko para personal mo silang makilala." Nakangiting wika ng matanda. Napakagat ako sa ibabang labi ko dahil sa sitwasyon ko. 20 palang ako pero bakit pag aasawa na ang pinag uusapan namin dito. Isa-isa kong tiningnan ang mga apo ni Lolo Jones. "Ipapakilala ko muna sayo isat-isa ang mga apo ko. This is Norphil Eloi Williams, ito naman si Wyatt Nathan Abuena, anak ng bunsong babae ko. At ito naman si Lawrence Gabriel Mores, alam kong kilala mo na sya dahil sa iisang paaralan lang kayo nag aaral. And the last is itong si Harduel Sique Miranda. Mula ngayon ay lilipat na silang tatlo sa Almodians." Nakangiting wika ni Lolo Jones. Ano daw, mag sa sama-sama sa iisang school ang ang mga apo nya? Kay Lawrence pa nga lang ay nag kakagulo na ang mga schoolmates ko, what more kung dadagdag pa tong tatlo? Jusme mukang mas lalong sasakit ang ulo ko sa problemang kakaharapin ko ngayon. "Lolo Jones, hindi po ba kayo nag bibiro tungkol dito?" Lakas loob na tanong ko dito. "Hindi, nakausap ko na silang apat tungkol dito at lahat naman sila ay pumayag. Kaya iha, galingan mo sa pag pili. Pahirapan mo sila kung gusto mo. Basta siguraduhin mo lang na kapag nakapili kana ng isa sa kanila ay hindi na mag babago ang disisyon mo." Nakangiting wika ni Lolo Jones kaya napalunok ako ng malalim. Apat na tinik sa lalamunan ang meron ako ngayon. Parang humaba ng sobra ang buhok ko dahil sa sitwasyon ko. "Nauunawaan mo na kung bakit ka naka tag sa post ni Harduel?" Nakangiting wika ni Wyatt. Tiningnan ko ng masama si Harduel, naka evil smile lang ito sakin. "Tanggalin mo na yung post mo! Hindi mo ba alam na ginugulo ako ng mga fans mo!" Inis na wika ko dito. "Bakit ko naman gagawin yun?" Nakangising sagot nito. Bwesít talaga, mukang hindi kami mag kakasundo ng Harduel na to. "Oo nga Harduel, napaka unfair mo naman, maging patas ka sa laban!" Inis na wika ni Norphil dito. "Wala naman yun sa rules ni Lolo, diba Lolo?" Nakangising wika ni Harduel kay Lolo Jones. "Kung ito ang paraan nya para mapalapit sa kanya si Sammie, walang problema yun. Kanya-kanyang diskarte nalang kayo kung paano nyo makukuha ang loob nya. So paano iha, ikaw na ang bahala sa mga apo ko." Nakangiting wika ni Lolo Jones at tumayo na ito. "Pero Lolo!" Pahabol na wika ko pero kumaway lang ito sakin at umalis na. Huminga ako ng malalim, nakatingin sakin yung apat na lalaki. Ano bang gagawin ko sa apat na to! "Mukang kailangan natin ng schedule para i-date si Sammie." Nakangiting wika ni Norphil. "Teka, anong date? Nahihibang na ba kayong apat. Bakit ba kayo pumayag sa gusto ni Lolo Jones!" Inis na tanong ko sa kanila. "Simple lang, to fulfill his last request. Lolo is dying, napag alaman namin na may sakit sya at hindi na ito mag tatagal. Bilang mga apo nya, ang duty namin ngayon ay masunod ang gusto nito." Wika ni Wyatt na ikinalungkot ko. "M-may sakit si Lolo, kelan pa?" Nauutal na tanong ko dito. Hindi ko alam na may dinaramdam na pala ito. Wala syang nabangit sakin tungkol dito. 6months na din kasi ang lumipas mula ng bisitahin ko sila ni Lola Susana sa Mindoro. "Last year pa, kaya kung gusto mong maging masaya si Lolo sa huling mga sandali nya dito sa mundo, maki sama ka nalang samin." Seryosong wika ni Harduel kaya tiningnan ko to ng masama. "Makikisama lang ako sayo kapag binura mo na yung naka tag sakin. Linawin mo sa lahat ng followers mo na wala tayong relasyon!" Inis na wika ko dito. "Sige, kung yan ang gusto mo." Wika nito na syang kinagaan ng loob ko. Kinuha nito ang cellphone nya kaya ganun din ang ginawa naming lahat. Napakunot ang noo ko ng biglang maka tanggap ng message kay Harduel. "I'm warning you, don't fall in love with me." Basa ko sa message nito kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis dito. "Na bura ko na, happy kana?" Nakangiting tanong nito at binalik na sa bulsa nya ang phone nya. Tiningnan ko sya ng masama habang naka evil smile ito sakin. "Isa lang ang request ko sa inyong apat. Sana ilihim nyo nalang ang tungkol dito. Papayag akong makipag date sa inyo, pero in private. Gusto ko pang maging normal ang buhay ko, kaya sana maunawaan nyo ako." Sincere na wika ko sa kanila. "Sige, we understand you. Hihintayin nalang namin ang schedule mo para sa pakikipag date samin." Nakangiting wika ni Norphil. Napansin ko naman na tahimik lang si Lawrence. Kung papipiliin ako ngayon sa apat, si Lawrence ang pipiliin ko. Pero alam ko naman kasi na napipilitan lang silang apat na gawin ito. Sino ba naman kasi ako diba? Mas hamak naman na mas maraming magaganda at mayayamang babae dyan na nararapat para sa kanila. Kung hindi lang naman dahil kay Lolo Jones, hindi nila gagawin ang bagay na to. Hays, problema nga talaga ito. Sa Dami daming pwedeng mangyare sakin, bakit ito pa. Lord, okey lang naman sakin na bigyan nyo ako ng isang manliligaw, pero bakit naman po apat pa! Hindi sa nag rereklamo ako, pero parang ganun na nga po. ---- "Huwag kana munang pumasok ngayon. Palamigin muna natin ang sitwasyon dahil sa post ni Harduel." Wika ni Lawrence. Naka sakay na ako ngayon sa kotse nya. Tahimik lang ako habang nakamasid sa labas. Hindi ko alam kung anong magiging takbo ng buhay ko lalo na ngayon at may apat na gwapong nilalang na aaligid sakin. Kung kay Harduel nga ay muntik na akong madumog ng mga baliw nyang fans, what more pa kaya na apat na sila ngayon. Hays, gusto ko nalang isipin na panaginip ang lahat ng ito. Sa dami-daming naman kasing hihilingin ni Lolo, bakit dinamay pa ako. I mean, bakit ito pa? "Nandito na tayo." Wika ni Lawrence na ikinagulat ko. Pag tingin ko sa labas, nasa harap na kami ng bahay ko. Teka, pano nya nalaman ang address ko. Tatanungin ko pa sana ito ng bumaba na sya para pag buksan ako ng pinto. "Salamat." Nakangiting wika ko. "Pasensya na sa nangyare Sammie, pati tuloy ikaw ay naipit sa sitwasyon namin. Hayaan mo, susubukan kong kausapin si Lolo tungkol dito." "Wala yun, salamat sa pag hatid. Ingat ka sa pag uwi." Nakangiting wika ko dito. Sumakay na ito sa sasakyan nya, napakagat labi naman ako ng makalimutang itanong kung bakit alam nya ang address ng bahay ko.Pag pasok ko sa loob ng bahay, pabagsak akong naupo sa sofa. Parehas na nasa work si mama at papa kaya ako lang ang tao ngayon dito. Kinuha ko ang phone ko para bisitahin ang f*******: ko. Nakahinga ako ng maluwag ng medyo tumahimik na ang ang f*******: ko. Nawala na din yung mga friend request sakin. Dinala naman ako ng daliri ko sa account ni Harduel. Nabasa ko ang post nito 5 minutes ago. "Sorry, sa maling Tag." Basa ko sa recent post nito. Napa rolleyes ako ng mabasa ang post nito. Alam ko naman na sinasadya nya yun. Pero mabuti nalang at binura nya na. So malinaw na sa mga fans nya na wala silang dahilan para magalit sakin. Kanilang-kanila na si Harduel, isaksak pa nila sa lungs nila!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD