I-unfriend ko na sana si Harduel ng biglang may nag send ng friend request sakin. Napatayo ako sa kinauupuan ko ng makitang si Lawrence ito. Sa sobrang kilig ko ay napatalon pa ako.
My gosh, inadd nya ako!
Hindi na ako nag dalawang isip pa at inaccept na agad ito. Parang dati lang ay tamang tingin lang ako sa f/b account nya. Pero ngayon nag friend request sya sakin. Gusto ko sana itong ipost sa f/b para ipakita sa mga f/b friends ko na inadd ako ni Lawrence pero wag nalang pala. Mashado pang sariwa sa isip ng mga tao yung pag tag sakin ni Harduel. Baka matuluyan na ako this time pag nalaman nilang si Lawrence naman ngayon.
Habang kinikilig ako, tumunog na naman ang notif ng f/b ko. Napanganga ako ng makitang nasa friend request ang pangalan ni Norphil at Wyatt. Teka lang, hindi pa nga ako nakaka-move on sa pag add sakin ni Lawrence tapos dumagdag pa tong dalawa. Chineck ko ang mga acct nila. Napakagat ako sa lower lips ko, itong si Wyatt kasi naka topless sa profile nya, mukang model sya ng underwear kaya yung sss naman ni Norphil yung chinenck ko.
Juice ko! Bakit ba ang ga-gwapo ng mag pipinsan na ito. Sino ba naman ako para i-ignore nalang ang friend request nila? Shempre inaccept ko na ang mga ito. Maya-maya pa naka recieve ako ng message.
"See you tomorrow, pasensya na sa nangyare kanina. Hindi ako personal na nakapag pakilala sayo. Hindi kita ipi-pressure Sammie, pero sana ako yung mapili mo." Message ni Wyatt sakin. Sineen ko lang ang message nito, hindi ko alam kung anong irereply ko. Hangang ngayon ay shock pa din ako sa sitwasyon naming lima.
Pumanhik na ako sa kwarto ko para mag palit ng damit. Nahiga ako sa kama at doon muling pinag patuloy ang pag f-f*******:. Natigilan ako sa pag scroll ng makita ang post ni Norphil 2minutes ago.
"Be the best man Win mga bro!" Then naka tagged dito si Wyatt, Harduel and Lawrence. Sa isang iglap ay umabot agad ng isang libo ang comments and reactions sa post nito. Ako naman na chismosa sa comment section agad pumunta.
"Let see.." Comment ni Lawrence na umabot agad sa 500+ ang reaction.
"Huwag na kayong umasa, losers!" Comment naman ni Harduel. Hays, napaka yabang talaga. Sya ang huwag umaasa sakin, sa ugali nya palang hindi na kami mag kakasundo!
"Basta walang samaan ng loob" Comment naman ni Wyatt.
Lahat ng comment nila ay hindi nakaligtas sa mga followers nila. Maraming nag tatanong kung ano daw bang meron. Naku, kung alam lang nila tiyak na marami na naman ang magagalit sakin. Nilapag ko sa kama yung cellphone ko dahil na p-pressure ako sa ginagawa ng mag pipinsan.
*Kinabukasan*
Maaga akong nagising ngayon para wala mashadong maka-kita sakin sa pag pasok ko sa school. Sana lang talaga ay wala ng hang-over yung mga fans ni Harduel tungkol sa pag tag nito sakin. Malinaw na sa kanila ang lahat kaya wala na silang dapat ikatakot na aagawin ko sa kanila ang hambog na yun.
Pag dating ko sa classroom, pinag titinginan ako ng ilang mga classmate ko. Pag kaupo ko sa silya, ay agad na lumapit sakin si Kia.
"I'm so worried about you, hindi ka kasi pumasok kahapon. Natakot ako na baka nadumog kana ng mga die hards fans ni Harduel." Pag aalalang saad nito. Si Kiandra ang nag iisang kaibigan ko dito sa Almodians, at isa din syang low class katulad ko.
Sasabihin ko sana sa kanya kung anong nangyare sakin kahapon, pero mas mabuting sarilinin ko nalang ito. Hindi sa wala akong tiwala sa kanya, ayuko lang na mag alala sya sa sitwasyon ko.
"Mabuti nalang at binawi na ni Harduel yung pinost nya. Napaka imposible naman kasi na ikaw ang babaeng tinutukoy nya sa post nya, diba? Ni hindi nyo nga kilala ang isat-isa eh." Pag tatakang wika nito kaya tumango nalang ako bilang sagot. Tama naman kasi sya, napaka imposible na i-tag ako ni Harduel tapos ganun pa yung caption nya.
"Alam mo bang sobrang daming nainggit sayo kahapon. Pero mas marami ang nagagalit, ni hindi ka nga daw nila nakikita bilang fans or supporter ni Harduel tapos bigla ka nyang itatag ng ganun." Muling wika nito.
"Alam mo Kia, hinding hindi ako magiging fan ng Harduel na yun. Ano bang nagustuhan nila sa hambog na yun?" Inis na saad ko na ikinagulat nya.
"Hoy mag dahan dahan ka sa pananalita mo at baka may makarinig sayo." Saway nito sakin at tiningnan ang paligid namin.
Napa buntong hininga nalang ako. Ano bang tingin nila sa Harduel na yun? Kulang nalang ay luhuran at sambahin nila ang lalaking yun. Ano bang nakita nila dun, eh mas hamak na mas gwapo naman si Lawrence sa kanya.
"Oh, nandito na pala si Ms.Colombia." Sarcastic na saad ni Grace. Ang leader ng mga mean girls sa klase namin.
"Mag papa-putol ako ng buhok kung totoo talaga yung pinost ni Harduel. Mabuti nalang talaga at binawi nya na ang tungkol dito." Muling saad nito sa katabi nya ngunit sakin nakatingin.
Hindi ko nalang ito pinansin. Bagay sila ni Harduel, mga tinik sa lalamunan ko. Tiyak na mainit pa rin ang tingin nila sakin, kaya sana huwag muna umeksena yung apat sa pag pasok nila.
"Grace, bilisan nyo!" Sigaw ng kakapasok lang na si Audrey. Hindi na nag tanong pa si Grace at lumabas na ito, sumunod naman ang mga alepores nya dito.
"Oh my gosh, nasa labas daw yung apat na mag pipinsan! Tara dali puntahan natin!" Excited na saad ni Liera. Hindi na mag kaintindihan ang mga classmate kong babae sa pag mamadali makapunta lang sa labas. Maging ang ilan din naming kaklasing lalaki ay sumunod na rin para maki isyoso.
"Bhe tara na, ano pang hinihintay mo dyan. Minsan lang to mangyare sa Almodians kaya wag na tayo mag pahuli!" Excited na wika ni Kia at sapilitan na ako nitong hinila patayo. Kung alam lang sana ni Kia ang about sa pag lipat ng tatlong mag pipinsan sa Almodians, baka hindi na sya mag abala pa dahil araw-araw nya ng makikita ang mag ito.
"Mag dahan dahan nga kayo!" Reklamo ni Kia ng mabangga kami ng isang grupo ng mga babae na nag mamadaling bumaba ng hagdan, ni hindi nga manlang nag sorry ang mga ito.
Ganito ba kalakas ang karisma ng apat na mag pipinsan na yun para mag kaganito ang mga studyante sa Almodians? Sobrang sikat talaga nila, kaya isang dagok sakin ang papasukin sila sa mundo ko. Siguradong gulo ang magiging dala nila sakin.
Naka form ng circle ang mga studyante, mukang nasa gitna yung apat na mag pipinsan. Sobrang ingay ng mga babae at ang lahat ay halatang kinikilig. Hirap na hirap na si Kia sa pwesto nya dahil pilit nitong isinisiksik ang sarili nyang makita yung apat.
"Pwede bang malaman kung bakit nandito kayong tatlo, Harduel, Wyatt and Norphil?" Dinig kong tanong ni Grace. Napa rolleyes nalang ako, bida-bida talaga kahit kelan.
"From now on, dito na kami sa Almodians mag aaral. Masaya akong makasama kayo araw-araw." Boses iyon ni Wyatt. Nag tilian na naman ang mga kababaihan. Mas lalo silang nag diwang dahil sa nalaman nila.
"For what reason?" Muling tanong ni Grace.
"It's none of you business!" Dinig kong sagot ni Harduel.
Buti nga sa kanya, na supalpal tuloy ni Harduel. Yan napapala ng mga bida-bida. Nag simula na ulit mag kagulo, napagtanto ko na nag lalakad na paalis yung apat. Marahil ay pupunta na sila sa mga department nila. Kahit malapit na mag start ang mga klase, todo sunod pa din ang mga fans nila dito.
"Hays, ni hindi ko manlang sila nakita." Panghihinayang na wika ni Kia.
"May ibang araw pa naman, mabuti pang bumalik na tayo sa classroom." Wika ko dito. Napasimangot nalang ito habang bagsak ang dalawang balikat. Yumakap ito sa braso ko, hindi ko alam kung paano ko sya ichecheer up. Mukang nalugi kasi talaga ito dahil sa nangyare.
"Sa apat na mag pipinsan, sino ba ang crush mo sa kanila." Tanong ko dito.
"Silang apat." Mabilis na sagot nito.
"Ano!" Di makapaniwalang sagot ko.
"Loyal ako sa apat na mag pipinsan, wala akong dapat na itapon sa kanila. Pantay-pantay ang pag tingin ko dito." Proud na sagot nito. Mukang isa si Kia sa nagayuma ng apat na mag pipinsan na yun. Basta ako loyal sa isa, si Lawrence lang ang crush ko.
"Eh Ikaw ba Sammie, sino ang nagugustuhan mo sa kanila?" Balik na tanong nito sakin.
"A-ako? Ahmm."
"Sammie!" Tawag sakin ng pamilyar na boses.
"Oh my gosh!" Gulat na wika ni Kia at napatabon pa ito ng bibig.
"Sh*t" Mahinang saad ko ng makita si Lawrence.
Jusme, anong ginagawa nya dito? Agad kong tiningnan ang paligid. Mabuti nalang at hindi pa nakakabalik ang mga studyante sa kani-kanilang room nila.
"Kilala ka nya?" Tanong ni Kia sakin. Dali-dali kong hinila si Kia, hindi ko gustong iwasan si Lawrence pero sigurado akong pa parating na ang mga classmates namin at tiyak na makikita nila kami.
"H-hindi, hindi nya ko kilala." Wika ko kay Kia. Nilampasan namin si Lawrence, nag katinginan kaming dalawa. I see the sadness in his eyes. Dahil ba sa pag deny ko na mag kakilala kaming dalawa? Sh*tness naman, I don't want to hurt him. Ilang sandali pa ay narinig ko na ang boses nila Grace. Nakahinga ako ng maluwag ng makapasok na kami sa classroom.
Sinenyasan ko si Kia na huwag mag salita tungkol sa nangyare . Mas lalong lumakas ang ingay nila, marahil ay nakita nila si Lawrence. Nakahinga ako ng maluwag, hanggat hindi nila alam na wala akong connection sa apat, tiyak na magiging tahimik ang buhay ko.