I feel bad dahil sa ginawa ko kay Lawrence. Wala na kasi akong choice kundi mag panggap na hindi kami mag kakilala. Pag dating ng prof namin na si sir Andrew ay natahimik na ang lahat.
"Everyone, I want to introduce to all of you, ang bago nyong magiging classmates." Wika ni Sir at tumingin sa pintong nakasarado. Ilang sandali pa ay bumukas na ito at pumasok na yung tinutukoy nitong bago naming magiging classmates.
"Wahhhhhh!!" Sigawan ng mga ka-klase naming babae dahil sa apat na mag pipinsang pumasok.
Teka, anong ginagawa nilang apat dito sa department namin? Agad na nag tama ang mata namin ni Harduel at nag smirk na naman ang kumag sakin. Tiningnan ko si Lawrence, malungkot ang mga mata nito. Napakagat nalang ako sa lower lips ko. Malungkot ba sya dahil sa ginawa ko kanina? Siguro hindi naman, baka may ibang dahilan. Mashado lang akong assuming.
"Hindi ba sa civil engineering itong si Lawrence, bakit sya nag palipat sa department natin?" Pag tatakang tanong ni Kia sakin. Nag kibit balikat nalang ako dahil wala naman talaga akong idea kung bakit.
"Makiki sit in lamang sila dito sa klase ko." Muling wika ni Sir Andrew.
"Oh my gosh, totoo ba to? Pwede mo ba akong kurutin girl?" Maarting wika ni Grace sa katabi nya.
"Sige na, maupo na kayo." Wika ni Sir Andrew dun sa apat. Nanatiling naka-tayo yung apat habang nag hahanap ng available na mauupuan.
"Harduel dito kana maupo, may bakante pa dito sa tabi ko." Nakangiting wika ni Grace pero tiningnan lang sya ni Harduel.
Nag lakad na yung apat papunta sa direksyon ko. Wala namang vacant sit dito pero bakit dito sila pupunta? Inikot ko ang tingin ko sa mga katabi ko.
"Pwede bang dito nalang kami maki-upo, lipat nalang muna kayo girls." Nakangiting wika ni Wyatt dun sa dalawang babae sa right ko. Hindi na nakapag salita si Megan at Alex, agad na silang lumipat. Jusme nag pupuso-puso yung mata nung dalawang babae dahil sa pag ngiti sa kanila ni Wyatt.
"Kahit anong mangyare huwag kang aalis!" Wika ko kay Kia. Nasa tapat nya na kasi si Harduel, tinaasan sya nito ng isang kilay.
"Kita mo namang wala ng available na upuan dito diba? Dun ka nalang sa kabila." Kalmadong saad ko dito.
"Ah eh, sige na Harduel dito kana maupo, lilipat nalang kami ni Sammie." Wika ni Kia at agad na kinuha ang bag nito. Napabuntong hininga nalang ako at kinuha na rin ang bag ko para umalis pero agad akong pinigilan ni Harduel.
"Dyan ka lang, sya lang ang aalis." Ma autoridad na wika nito. Tiningnan ko sya ng masama, napansin kong nakatingin na samin ang mga classmates ko maging si sir Andrew.
"May problema ba Mr.Miranda?" Tanong ni Sir Andrew dito.
"Wala naman po Sir, dito nalang kami uupo sa linya ni Ms.Lucero." Sagot nito at pwersahan ako nitong pinabalik sa upuan ko.
Napalunok nalang ako ng maging ganito ang set up ng pwesto namin.
Si Norphil, Harduel, ako, Lawrence at pinakang dulo ay si Wyatt. Pinagitnaan nila akong apat, kaya yung mata ng mga classmate kong babae ay nang lilisik sakin lalong lalo na si Grace. Sinilip ko si Kia sa pwesto nya, kinilig pa ang bruha. Kung hindi sana sya na sindak sa tingin ni Harduel, katabi ko pa rin sya hanggang ngayon.
"Sa ngayon, yan na muna ang seating arrangement nyo. Mamaya after class ko pwede na kayo bumalik sa dati nyong pwesto." Wika ni Sir Andrew at nakangiting tumingin sakin.
Kaya ko naman to, isang oras lang naman ang discussion namin kay sir Andrew. Kaya ko namang tagalan an presensya ng apat na to.
----
Habang nag ka-klase, may inabot na letter si Norphil sakin. Napakunot ang noo ko ng mabasa ang nakasulat dito.
"May schedule kana ba para samin?" Pag kabasa ko nito ay tiningnan ko sya ng nakakunot ang noo.
"Hindi mag tatagal at malalaman din nila ang real purpose namin why we are here." Wika ni Harduel habang na kay Sir pa din ang tingin nito.
"Hinihinge ko ba yung opinion mo?" Inis na tanong ko dito kaya napatingin ito sakin ng masama. Kung ganito naman ka suplado, kasungit at kasama ng ugali ang idi-date ko mas maigi pang wag nalang.
"Huwag nyo mashadong pini-pressure si Sammie. Pwede naman natin itong i-daan sa tamang proseso. Kakikilala palang natin sa kanya kahapon, kaya on processing pa sya sa mga nangyayare." Dinig kong wika ni Lawrence. Hays, hulog talaga ng langit sakin tong si Lawrence.
"Wala na tayong time for that! Isipin nyo ang kinalalagyan ni Lolo!" Inis na wika ni Harduel kaya napatingin samin ang nasa unahan namin. Agad naman na nginitian nila Wyatt yung mga na distract naming classmate.
"Naki sit in ba kayo sa class na to para lang pag diskusyonan natin to?" Mahinang tanong ko sa mga ito. Wala ng umimik sa kanila, natulog nalang si Wyatt, habang si Lawrence naman ay seryosong nakikinig kay sir Andrew. Si Harduel naman nakikinig din, yun nga lang naka busangot na naman ang muka nito. Si Norphil naman nag c-cellphone habang nag ka-klase. Napailing nalang ako sa sitwasyon ko, kung ganito araw araw ang magiging sitwasyon ko, parang ayuko nalang pumasok.
----
Mabilis na natapos ang isang oras kaya nakahinga ako ng maluwag. Tahimik na umalis yung apat, pero hindi ako nakaligtas sa mata at bulungan ng mga classmates ko. Pag ka balik ni Kia sa upuan nya ay agad ako nitong kinurot sa tagiliran.
"Bess ang swerte mo! Akalain mo yun pinagitnaan ka ng apat na mag pipinsan. Jusme, kung ako yun baka hinimatay na ako!" Di mag kaintindihan na saad nito dahil sa sobrang kilitg. Maya-maya pa lumapit si Grace sa upuan namin.
"Hoy Sammie, totoo bang nag kamali lang ng tagged sayo si Harduel?" Naka cross arms na tanong nito sakin habang minamata ako.
"Ano ba sa tingin mo? Kung pinag hihinalaan mo yung post nya bakit hindi sya ang tanungin mo?" Kalmadong tanong ko dito pero mukang hindi nya nagustuhan ang sagot ko.
"Kapag nalaman ko lang talaga na may ginagawa kang kababalaghan sa mag pipinsan, humanda ka sakin!" Pag babanta nito kaya napalunok nalang ako.
"Tigilan mo na nga yan Grace, naiingit ka lang dahil sya ang napiling katabi nila Harduel. Bumalik kana nga sa upuan mo!" Inis na saad ni Kia dito.
"I'm watching you Sammie, subukan mo lang na landiin ang isa sa kanila. Hindi mo magugustuhan ang gagawin namin sayo." Muling pag babanta ni Grace bago ito bumalik sa silya nya.
"Hays, napaka mean talaga ng babaeng yun. Akala mo naman pag mamay-ari nya yung apat para pag salitaan ka nya ng ganun." Inis na saad ni Kia. Bigla tuloy akong nakaramdam ng takot. Alam kong hindi nag bibiro si Grace sa mga binitawan nyang
salita. Pero paano na yung gustong mangyare ni Lolo Jones? Bakit ba naiipit ako sa ganitong sitwasyon?
------
Break time na at nasa canteen na kami ngayon ni Kai. Dumaan pa kasi kami ng Cr kaya naabutan tuloy namin ang mahabang pila.
"Kyah, papunta na sila dito!" Sigaw ng babaeng kapapasok lang ng canteen. Bigla nalang na wala yung mahabang pila dahil lahat sila ay nasa pinto na at mukang may inaabangan nanaman. Tuwang tuwa kaming omorder ng lunch ni Kai dahil hindi na namin kailangan pang pumila.
After namin mag order ay naupo na kami sa palagi naming pinupwestohan. Napabuntong hininga ako ng makitang papasok ng canteen yung apat na mag pipinsan. Nag katinginan naman kami ni Harduel kaya ako na ang umiwas dito. Napapadalas ata ang pag eye to eye namin.
"Sammie!" Tawag sakin ni Wyatt kaya napakagat ako sa lower lips ko. Yumuko nalang ako na para bang hindi sya narinig.
"Bess" Tawag ni Kia sakin at kinalabit pa ako nito ng ilang beses. Pag angat ko ng ulo ko nasa harapan na namin yung apat. Tiningnan ko ang paligid, nakapalibot samin ang lahat ng die hard fans nung apat.
"Hindi mo man lang ba kami yayain kumain?" Sarcastic na tanong ni Harduel sakin.
"Do I have to do that?" Inis na tanong ko dito. Nilabas na naman nito yung mala demonyo nyang ngiti.
"Everyone, I have announcement so makinig kayong mabuti." Wika ni Harduel kaya nanahimik ang lahat. Napalunok ako ng sunod sunod, kinakabahan ako sa announcement ni Harduel.
"This girl, Sammie Lythe Lucero." Wika nito sabay tingin sakin. Namamawis na yung kamay ko, bwesit na Harduel to.
"I officially announce to all of you, na nililigawan namin syang apat." Wika ni Harduel habang nakangiting nakatingin sakin. Napayuko nalang ako dahil sa sinabi nya. Wala na, katapusan ko na talaga. Kahit kelan hindi mapakiusapan tong lalaking to.
"Grace!" Sigaw ng classmate namin. Mukang nahimatay ata si Grace dahil sa narinig nya. Napaka O.A talaga ng babaeng yun. Mas naging maingay sa loob ng canteen, hindi ko alam kung anong muka ang ihaharap ko sa kanilang lahat.
"T-totoo ba yung sinabi ni Harduel, Sammie?" Nauutal na tanong sakin ni Kia. Tiningnan ko ang reaksyon nito. Parang babagsak na ang luha nya. Mukang disappoint sya dahil nilihim ko ito sa kanya.
"Sasabihin ko naman ang lahat sayo Kia, kaso hindi ko alam kung paano." Wika ko dito pero bigla nalang itong umalis. Tiningnan ko ng masama si Harduel.
"Masaya kana?" Inis na tanong ko kay Harduel dahilan ng pag kunot ng noo nya. Paalis na din sana ako ng pigilan ako nito sa kamay.
"Hindi ka pwedeng umalis, mag uusap tayo." Mahinang wika nito.
"Wala tayong dapat pag usapan Harduel, sumusobra kana!" Inis na wika ko dito at pwersahang binawi sa kanya yung yung kamay ko. Ang gusto ko lang ngayong gawin ay ang lumayo sa kanila. Sinubukan kong hanapin si Kia pero hindi ko to makita kaya bumalik na ako ng classroom pero wala din ito dun.
Hindi ko na alam ang gagawin ko, tiyak na marami ngayon ang nagulat dahil sa ginawang announcement ni Harduel. Ngayong alam na nila ang katotohanan, hindi ko na alam kung ano pa ang mangyayare sa buhay ko.