Regalo? Niloloko ba ako nito? Wala naman siyang hawak na kahit ano? Mukhang nabaliw na yata. Obvious namang sobrang nagseselos eh. Pero bago pa lang ako makareact ay kaagad na may tumama sa may noo ko. Sa sobrang lakas nito ay napahiga ako sa lupa. Nung una, nagtataka ako kung bakit ako napahiga, at kung ano iyong tumama sa noo ko. Nagulat na lang ako nang aking makita ang isang katamtamang laki ng bato na nasa harapan ko. Ang nakaagaw sa attensyon ko ay ang dugo na naroon sa bato. Hanggang maya-maya eh namalayan ko na lang na may mga pulang nagsipatakan sa lupa. Hindi naman umuulan, saka bakit sila kulay pula? Noon din lang aking naramdaman ang sakit na nangagaling sa noo ko. Napahawak ako dito at nagtaka kung bakit may tubig akong nararamdaman. Nung una inakala kong pawis lang iyon,

