
⚠️WARNING: EXPLICIT SPG!
Si Jack Cullens, isang billionaire bachelor, ay hindi nabuhay gaya ng karaniwang kabataan.
Sa loob ng halos dalawampung taon, nilunod niya ang sarili sa iba't ibang kurso-Engineer, Doctor, Business, Culinary, Programming, at higit pa-bilang kondisyon ng pamana mula sa kaniyang ama. Sa bawat diploma, tila kapalit ang mga taon ng kalayaan at sariling pagnanasa.
Ngayon, tatlumpu't limang taong gulang na siya. Mayaman, matalino, at kumpleto sa titulo
-ngunit sabik sa karanasan.
Kaya't ipinangako ni Jack na bubuuin niya ang sarili niyang bucket list: mula sa mga bagay na hindi niya naranasan bilang kabataan, hanggang sa mga pantasyang matagal niyang itinago.
Sa bawat hakbang ng kaniyang pagbawi, haharap siya sa tukso, sa pagnanasa.
Hanggang saan ang kaya mong isugal para sa kalayaan at pag-ibig na matagal mo nang ipinagkait sa sarili?

