"Jasmin gabi na anong ginagawa mo dito?” Tanong ko sa kanya habang nakaupo ito sa likod ng bahay malapit sa garden. May coffee table ito tsaka pinasadyang upuan kaya madalas dito din sila tumatambay lalo na kapag mainit ang panahon. Bukod sa presko ang hangin ay napakaganda ang view dito. Dito masarap magmuni muni. Hindi ako makatulog kung kaya naglalakad lakad ako para mapagod at magpalipas oras. Nadatnan ko siya sa garden na parang tulala. “Magandang gabi sir! Hirap kasi akong makatulog kaya naglakad lakad muna ako dito sa garden para mapagod at nagbabaka sakaling dalawin na nang antok.” Sagot ni Jasmine. Pareho yata kami ng nararamdaman. “Baka naman kasi iniisip ka ng jowa mo kaya hindi ka makatulog” pabirong sambit ko sa kanya. “Luh! Si Sir! Wala pa akong jowa sir” nakangiting s

