"IS SHE my new nanny?"
Nadinig kong tinig ng isang babae kaya't agad na kumalabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Napahawak ako sa dibdib ko at saka huminga ng malalim at pilit kong pinakalma ang sarili. Nakita kong tumayo sina Tiya Sonia at Beverly at maging ang iba pang mga naroon na biglang nagsilapit sa sala. Kaya agad na rin akong tumayo. Nangunot ang noo ko ng magsiyukod ang mga ito ng kani-kanilang ulo pagkalapit sa amin ng—marahil ay ang aming amo. Aligaga akong nakigaya sa mga naroon ngunit may kung anong nagsasabi sa akin na angatin kong muli ang ulo ko upang makita ang mga ito.
Pero... Nanny? Ako ba ang tinutukoy ng babaeng ito na kararating lamang na kahit may kaedaran na ay mababakas pa rin ang taglay nitong kagandahan? Sa ganda ng ngiti nito ay mas lalong gumanda ito sa paningin ko. Nakaalalay naman dito ang may katandaan na rin na lalaki na may makisig pa rin na pangangatawan ngunit nakakatuwang mayroon na itong hawak-hawak na baston sa kabilang kamay.
Nakatitig sila sa akin habang papalapit sa kinaroroonan namin ng malawak ang mga ngiti ngunit bakas ang pagtataka.
"Magandang umaga po, Don Armiendo at Miss Adriana!" sabay-sabay at magalang na bati ng mga naroon.
Syempre, nakisabay din ako ngunit nanatili akong nakatingin sa dalawang matanda kung kaya't nadinig ko ang mahinang bungisngisan ilang saglit lamang. Mahina akong siniko ni Tiya Sonia kaya nang lumingon ako sa kanya ay nakita kong ako pala ang tinatawanan ng mga ito.
"Bakit di ka yumukod kanina bilang pag galang, Leigh?" mariing tanong ni Tiya Sonia na bahagyang namutla ang mukha.
"P-Pasensiya na po." muli kong naiyukod ang ulo ko ng dalawang beses. Nakaramdam tuloy ako ng pagkaasiwa at pagkapahiya. Naramdaman ko naman ang marahang pagdampi ng isang kamay sa balikat ko kaya agad ko itong nilingon. Napalunok ako at saka napatitig sa napakagwapo niyang mukha. "S-Sir Kean..."
"Don't be shy. That's okay." si Sir Kean at saka binigyan ako ng pagkatamis na ngiti kaya nahiya naman akong hindi ito gantihan ng magandang ngiti. "That's it. Your beautiful when you're smiling."
Narinig ko ang mahinang bulungan sa paligid ko. Napayuko ako ng mukha ko para itago ang pamumula ng pisngi ko. Ramdam ko kasi ang pagiinit nito.
"Darling, is she my new nanny?" rinig kong muling tanong ng matandang babae kaya't napaangat akong muli para titigan ito. Napangiti ako habang nakikita itong niyugyog ang braso ng matandang lalaki na hindi naman mapuknat ang ngiti sa mga labi. "Tell me, Darling!"
Sumulyap muna sa akin si Don Armiendo bago muling bumaling sa naglalambing na si Miss Adriana. Hinaplos niya ito sa namumulang pisngi nito. "No, sweetheart. She's our new cleaner. But, she can be your nanny if she wants too. I'll double pay her salary." nakangiting sabi nito at muling tumingin sa akin. "What do you think, lady?"
Kumukurap-kurap pa ang mga mata ko bago ako nakapagsalita. Nabigla ako sa narinig. "O-Opo, Sir.. Wala pong problema sa akin." nakangiti ko ring tugon sa Don na mas lumaki ang ngiti kesa kanina. Gano'n din si Miss Adriana.
Napapalakpak si Miss Adriana. "Yeyy!" tuwang-tuwa sigaw nito habang napapayakap pa sa Don. "I had a new nanny!" rinig pa naming sambit nito.
Napangiwi ako at maging ang ilang mga naririto. Samantalang seryoso lamang si Tiya Sonia at Sir Kean. Nakapagtataka lang ang ikinikilos ni Miss Adriana. Hindi ito tugma sa edad niya. Masama mang isipin na isip-bata ito o may deperensiya sa utak, ngunit hindi ko mapigilang mapansin iyon. Pero, wala namang problema sa akin. Kakayanin ko ang trabahong nakaatang sa akin at kung gano'ng dodoblehin pa ang sahod ko ay mas lalo kong pagbubutihan. Naisip ko rin na mas malaki ang maipapadala kong pera kina tatay pag nagkataon.
Nakita kong nagsialisan na ang ibang naroon at kaming lima na lamang nag natira sa sala. Si Don Armiendo, Miss Adriana, Tiya Sonia, Ako at si Sir Kean na prenteng nakaupo na sa sofa, nakapandekwatro pa at nakikinig lang.
"Let's have a seat." ani Don Armiendo. Kaya agad na rin kaming tumalima ni Tiya Sonia. "So, what's your name?" tanong ni Don Armiendo sa akin pagkaupong-pagkaupo ko at mataman akong tinitigan.
Kinabahan ako. Ang secretary kasi nito ang inaasahan kong magi-interview sa akin. Hindi ko akalain na ang mismong magiging amo ko ang unang makakaharap ko. Nilakasan ko na lamang ang loob ko. "A-Ako po si Lori Leigh Samañiego, Don Armiendo." iyon lang ang nasabi ko sapagkat hindi ko kayang salubungin ang titig nito na wari'y kinakabisa ako.
"Siya ba 'yong sinasabi mong pamangkin, Sonia?" tanong naman nito kay Tiya Sonia na ngayo'y malapad na rin ang ngiti habang tumatango.
"Opo, Don Armiendo. Siya nga po."
"Hmm.." napahawak sa baba ang Don at saka muling tuningin sa akin. "Alam mo bang kapangalan mo ang nagpaanak kay Adriana sa pangalawa naming anak?" pagkukwento ng Don.
Hindi ako makasagot.
"Really, Tito?" sabat naman ni Sir Kean na nakapangalumbaba na habang nakatingin sa akin.
"Yes." si Don Armiendo habang nakatingin pa rin sa akin. "
"So, where is she now, Tito?" tanong pa ni Sir Kean.
Nakita kong nangunot ang noo ni Don Armiendo. Ngunit ilang saglit lang ay nagkibit-balikat na lamang. "I don't know where is she now. Noong pagkatapos niyang paanakin si Adriana ay agad na ring umalis sa Mental Hospital."
Mental Hospital? Ibig sabihin... Baliw si Miss Adriana? Pero... Baka okay na siya ngayon dahil nakalabas na siya Mental.. Ngunit base sa ikinikilos nito...
Lihim kong naipilig ang ulo ko. Kung anuman ang sakit ni Miss Adriana, kakayanin kong alagaan siya... Alang-alang sa mga magulang ko.
Nakita kong tahimik nang nakatungo si Sir Kean habang isinusuklay ang mga daliri sa magulo nitong buhok na bagay na bagay pa rin sa kanya. Agad akong umiwas ng tingin dahil baka mapansin niya na kinakabisa ko siya.
"But, anyway.. Let's talk about your work here, Miss Lori Leigh." napatungo ako at tumingin ng deretso kay Don Armiendo. "Si Sonia na ang magtuturo sa iyo ng mga parte ng lilinisan mo. Lima kayong tagalinis dito. May kanya-kanya kayong pwesto. At kapag naman may bakante kang oras at tapos na sa trabaho mo, maaari mo ng puntahan sa silid si Adriana upang pagsilbihan siya paguwi namin galing sa opisina. Kakayanin mo ba?"
Magalang akong tumango. "Opo. Kaya ko po." maagap kong tugon sabay ngiti.
"And, if you have more vacant time, I can borrow you as my personal assistant, Miss Leigh."
"Po?" gulat kong tanong kay Sir Kean.
"Kean Xander." saway ni Don Armiendo kay Sir Kean na ngiting-ngiti at pagkuwa'y biglang sumeryoso.
"I'm serious. I'm not joking here guys. I can triple your salary, Miss Leigh." aniya na sa akin pa rin nakatingin.
"8 hours of cleaning her area, 8 hours of taking care of your Tita Adriana. Hindi na niya kakayanin iyon, Kean Xander." ani Don Armiendo na umiiling-iling na. "Spare her."
"What do you think, Miss Leigh?" pangungulit ni Sir Kean, hindi man lang natinag sa pananaway ni Don Armiendo.
"S-Susubukan ko po, Sir. Kapag may bakanteng oras po ay sa inyo po ako magtatrabaho." naiilang ko pa ring tugon. Di ko alam na may kakulitan din pala itong gwapong lalaking ito.
"Alright!" nakabungisngis na sambit ni Sir Kean.
"Don Armiendo, marahil po ay bukas ko na papaumpisahin si Lori Leigh sa trabaho. Sa ngayon po ay ililibot ko po muna siya sa buong mansyon upang huwag siyang maligaw dito at saka ituturo ko na rin po sa kanya ang pwestong paglilinisan niya." sabad naman ni Tiya Sonia.
Seryosong bumaling ang Don kay Tiya Sonia. "O, sige. Pero, sa tingin ko ay hindi mo na rin kakayanin ang libutin ang buong mansyon, Sonia, matanda ka na rin." bahagyang natawa si Don Armiendo saka bumaling sa nakangiting pa ring si Sir Kean. "Kean Xander.. ikaw na lang ang aatasan kong ilibot sa buong mansyon itong si Lori Leigh."
"Yes, Sir!" sumaludo pang sangayon ni Sir Kean.
Isipbata rin... anang isip ko. Lihim akong napangisi.
"Okay. Sige na at magpahinga na muna kayo. Marahil pagod pa rin kayo sa biyahe niyo galing bicol." ani Don Armiendo at nauna ng tumayo at agad na kaming iniwanan.
Kung kaya't naiwan kaming tatlo nina Tiya Sonia at Sir Kean na pawang mga nakatayo na rin.
"Mauuna na po kami, Ser Kean. Magpapahinga lamang muna kami saglit." pagpapaalam ni Tiya Sonia kay Sir Kean na matamang nakatingin sa akin.
"Mauuna na po kami sa inyo, Sir Kean." nangunyapit na ako sa braso ni Tiya.
"Ihatid ko na kayo sa silid niyo." presinta niya.
"Naku, Sir, 'wag na po. Maaabala ka pa po namin. Ihahatid ko na lamang si Leigh sa silid ninyo mamaya po para makapagsimula na kayong libutin ang mansyon." nakangiting saad ni Tiya Sonia.
"Hmm.. Okay, sige. Susunduin ko na lang siya mamaya sa silid niyo." anito ngunit sa akin nakatingin. Naiilang na naman ako.
Tsk! Ano ba 'tong pakiramdam kong 'to! Hindi ko maipaliwanag..
"Kung gano'n, sige ho, Ser. Mauna na po kami." ani Tiya Sonia at hinila na ako papalayo kay Sir Kean.
Marami pang pasikot-sikot kaming dinaanan bago namin narating ang Servant's Quarter o silid ng mga katulong. Pagkapasok namin ay agad kaming sumalampak ng upo ni Tiya Sonia sa malambot na kutson.
Nagkataon naman na walang ibang naririto kaya kaming dalawa lamang ang naririto sa loob ni Tiya.
Nilibot ko ang paningin sa buong quarters. May kalakihan ito at purong puti ang pintura ng silid. May sampong kama at may isang parehabang mesa sa may dulo. Malamig din dahil nakabukas ang aircon. May nakita akong air cooler sa itaas na bahagi ng pintuan. Marahil nakalimutang i-off ng huling lumabas na katulong.
"Napapansin ko ang panaka-nakang tingin ni Ser Kean sa 'yo Leigh." untag ni Tiya Sonia habang nagpapalit na ng damit.
Nangunot ang noo ko. Ngunit maging ako ay napapansin din iyon.
"Mukhang tinamaan ng pana ni kupido ang isang 'yon, Leigh." nangingising kantyaw ni Tiya sa akin.
Agad akong pinamulahan ng mukha. "Hindi naman ho siguro, Tiya. Mayaman po iyon at imposibleng magkagusto sa akin ang katulad niya." napapailing kong tugon at saka naghalungkat na rin ng pamalit sa bagahe ko na nauna nang naipasok rito kanina.
"Hindi imposible iyon, Leigh. Ramdam ko. Simula nong sunduin niya tayo hanggang papunta rito ay napapansin ko ang pasulyap-pasulyap niya ng tingin sa 'yo. Hindi iyan ganyan sa iba, Leigh. Kahit pa doon kay Miss Gale, hindi siya ganyan.. sa 'yo lang." anya habang nakahiga at nakapikit na.
"Trabaho po ang ipinunta ko rito, Tiya Sonia.. hindi po pagbo-boyfriend. Ayaw ko po munang isipin 'yan sa ngayon, Tiya, eh. Sa isip ko ngayon ay kung kamusta na kaya ngayon si tatay at nanay? Kung kumain na ba sila? Kung nakainom na ba ng gamot si nanay? At kung malungkot pa rin ba si tatay? Nalulungkot po ako, Tiya.. Pero, kung si Sir Kean man ang isa sa makapagaalis ng lungkot ko rito... hahayaan ko siyang mapalapit sa akin. Pwede naman kaming maging magkaibigan, eh.." mahaba kong pahayag ngunit nang bumaling ako kay Tiya ay humihilik na ito.
"Magka-ibigan..." napatalon pa ako nang bigla iyong magsalita. Ngunit, muli na namang humilik.
Napangisi na lamang ako habang napapailing at saka tinungo na rin ang bakanteng kama na katabi lamang ng kama ni Tiya Sonia at saka agad na ring humiga. Ilang minuto pa akong binubulabog ng mga isipin bago ako nakatulog ng mahimbing...