"LEIGH.. gising na. Leigh!"
Nagising ako sa marahang pagyugyog ni Tiya Sonia sa balikat ko. Napamulat ako ng mga mata at kinisap-kisap ito gamit ang dalawang kamay. Hirap pa rin akong dumilat dahil sa pamumugto ng mga mata ko, masakit. Magdamag ba naman kasi akong umiyak at halos nakatulugan ko na nga ito. Hindi ko alam kung anong oras na ako nakatulog. Pero, pakiramdam ko ay hindi ako naman natulog.
"Mabuti naman at gising ka na. Halika na at naghihintay na 'yong susundo sa atin."
"Gano'n po ba.." mabilis ko nang inayos ang sarili ko. "Anong lugar po ito, Tiya Sonia?" naitanong ko nang mapatingin ako sa labas ng bintana.
"Nandito tayo sa terminal ng Alabang. Tara na, bumaba na tayo!" yakag niya sa akin at agad nang nagpatiunang tumayo para kunin ang mga bagahe. "Leigh, sumunod ka na agad sa akin, ah?"
"Opo." tugon ko.
Kaya agad-agad na rin akong tumayo para kuhanin din ang mga dala kong bagahe. Bale, dalawang malaking bag ang dala ko at isang maliit na bag. Mabigat ang isa sa mga iyon ngunit kaya ko namang bitbitin. Minabuti ko ng sumunod kay Tiya Sonia at hindi inalis ang tingin sa kanya dahil baka malingat na naman ako, 'tsaka natatakot din akong mawala rito. Bagong salta pa naman ako, mahirap na.
"Humawak ka sa akin, Leigh. Baka mahiwalay ka sa akin, eh. Napakaraming tao rito. Nandoon pa sa parking lot ng mall 'yong sundo natin kaya doon tayo pupunta. Tatawid pa tayo."
"Sige po." tugon ko saka humawak ng mahigpit sa braso ni Tiya Sonia.
Dumaan pa kami sa over pass dahil sa kabilang kalsada pa nga ang parking lot na sinasabi ni Tiya Sonia. Habang binabaybay ang daan ay napapanganga ako sa nakikitang mga gusali na nagtataasan, napakaraming tao kaming nakasalunong at nakasabay, marami ding sasakyan paroo't-parito. Ibang-iba sa kinasanayan kong probinsya. Dito ay halos wala ka ng makitang damo at puno.
Tuluyan na kaming pumasok sa parking ng mall kung saan nakapark ang susundo sa amin. Nakita kong malawak ang ngiti ni Tiya Sonia habang papalapit sa kulay itim na sasakyan. Hindi pa man kami tuluyang nakakalapit ay agad nang bumukas iyon at lumabas ang naka-jacket na lalaki at nakatalukbong ang hood sa ulo nito. Naka-sunglass din ito kaya hindi ko masyado makita ang kabuuan ng mukha nito. Pero.. sa kulay pa lang ng pisngi nito ay mukhang gwapo. May katangkaran din ito at mukhang nasa 6'2 ang taas. Sa tindig pa nga lang ay masasabi mo na ring modelo.
"Leigh, natulala ka na," anang Tiya Sonia kaya natinag ako kakasuri sa lalaking ngayon ay nasa harapan ko na.
"Give me your luggage too. Sa compartment ko na lang ilalagay para maging comfortable ang biyahe mo patungo sa mansyon," anang lalaki na may pagka-husky ang boses.
"O-Opo!" iaabot ko na sana kaso nakita ko ang mga kamay nito na sing-puti ng bulak kaya nahiya akong ipahawak ang mga dala-dala kong bag kaya't bahagya kong nailayo ang mga iyon dito. "A-Ako na po ang maglalagay, nakakahiya po sa inyo, eh. 'Tsaka, medyo may kabigatan din po ito."
"No, it's okay! Give it to me," nakangiti niyang kinuha ang bag na bitbit ko at ang nakasukbit sa likuran ko.
Hindi na ako nakapalag pa. Kaya napapalunok na lang ako habang pinapanood ito sa pagsasalansan ng mga bagahe namin ni Tiya Sonia. Pagkuwa'y agad na nitong isinarado ang compartment at bumalik ang tingin sa akin ng nakangiti pa rin.
"Come, on," anya at binuksan ang passenger seat. "Hop in."
Namilog ang mga mata ko. Ibig sabihin magkatabi kami? Lihim kong naipilig ang ulo ko at saka nahihiyang tumingin sa lalak. Medyo nagaalangan akong sumunod. "S-Sir, pwede po ba na dito na lang po ako sa tabi ni Tiya Sonia uupo?" sabi ko saka sumilip sa loob ngunit hindi ko makita, napakadilim ng salamin.
Umiling ito. "Sorry, you can't. Dalawa na silang nakaupo sa hulihan, eh. Come on, dito ka na lang," anito. Nakangiti pa rin.
Wala na akong magawa kundi ang sumunod dito. Ngunit ni hindi ko maihakbang ng maayos ang mga paa ko. Nanghihina ako dahil sa kabang nararamdaman ko. Pero, nakakahiya kung pagaantayin ko pa ito kaya nagmadali na rin akong pumasok sa loob ng sasakyan at maingat na umupo. Napapalunok ako habang yakap-yakap ko ang sling bag kung saan naroon ang cellphone at pitaka ko. Gustuhin ko mang lingunin si Tiya Sonia at maging ang katabi nito ay hindi ko magawa dahil pagkasarado ng lalaki sa pinto ay nakita ko na itong nagmamadaling lumigid papunta sa driver seat. Pumasok ito saka agad na binuhay ang engine ng sasakyan. Deretso lang ang tingin ko sa unahan ngunit nakikita ko sa gilid ng mata ko na sumulyap ang lalaki sa akin. Tuloy, hindi ko magawang ikalma ang sarili ko. Mas lalo akong kinabahan.
Pagkaandar ng sasakyan ay nakita kong pinindot ng lalaki ang stereo kaya pumailanlang ang isang awitin.
? ᵃʳᵉ ᵗʰᵒˢᵉ ʸᵒᵘʳ ᵉʸᵉˢ
ⁱˢ ᵗʰᵃᵗ ʸᵒᵘʳ ˢᵐⁱˡᵉ
ⁱ'ᵛᵉ ᵇᵉᵉⁿ ˡᵒᵒᵏⁱⁿᵍ ᵃᵗ ʸᵒᵘ ᶠᵒʳᵉᵛᵉʳ
ᵇᵘᵗ ⁱ ⁿᵉᵛᵉʳ ˢᵃʷ ʸᵒᵘ ᵇᵉᶠᵒʳᵉ ?
Dahil sa lyrics ng kanta ay lihim tuloy akong napatingin sa lalaki. At sa hindi ko inaasahan ay nakatingin din pala ito sa akin. Ngumiti ito ng napakaganda sa akin kaya nahihiya rin tuloy akong huwag itong gantihan ng ngiti. I smiled back at him. Pagkatapos ay muli ko ng itinuon ang sarili sa pakikinig ng tugtog. Hindi ko na nakita kung anong naging reaksyon nito.
? ᶠᵒʳ ᵗʰᵉ ᶠⁱʳˢᵗ ᵗⁱᵐᵉ ⁱ ᵃᵐ ˡᵒᵒᵏⁱⁿᵍ ⁱⁿ ʸᵒᵘʳ ᵉʸᵉˢ
ᶠᵒʳ ᵗʰᵉ ᶠⁱʳˢᵗ ᵗⁱᵐᵉ ⁱ ˢᵉᵉ'ⁱⁿ ʷʰᵒ ʸᵒᵘ ᵃʳᵉ
ⁱ ᶜᵃⁿᵗ ᵇᵉˡⁱᵉᵛᵉ ʰᵒʷ ᵐᵘᶜʰ ⁱ ˢᵉᵉ
ʷʰᵉⁿ ʸᵒᵘ ˡᵒᵒᵏⁱⁿᵍ ᵇᵃᶜᵏ ᵃᵗ ᵐᵉ
ⁿᵒʷ ⁱ ᵘⁿᵈᵉʳˢᵗᵃⁿᵈ ʷʰʸ ˡᵒᵛᵉ ⁱˢ
ˡᵒᵛᵉ ⁱˢ... ᶠᵒʳ ᵗʰᵉ ᶠⁱʳˢᵗ ᵗⁱᵐᵉ ?
Nadadala ako ng kanta. Damang-dama ko ang bawat lyrics nito.. Tugmang-tugma kanina habang pareho kaming nakatingin ng lalaki sa isa't-isa. Kahit pa nga naka-shades ito ay alam kong deretso ang tingin nito sa akin. Hindi ko alam ngunit parang may mahika ang bawat titig nito.. Ibang-iba..
Nagulat ako ng sinabayan nito ang kanta.
"Such a long time ago I had given up on finding this emotion.. ever again.. But you're here with me now, yes I've found you somehow and I've never been so sure..." bigay na bigay ito sa huling lyrics ng kanta saka panaka-nakang napapatingin sa akin.
Naguguluhan naman ako sa ipinapakita nito. Parang tuloy nagra-rambol ang mga lamang loob ko.
"Wow! Napakaganda po pala ng boses mo, Sir Kean! Ngayon ko lang po narinig ang boses niyo!" dinig kong papuri ng boses ng babae na 'yong katabi marahil ni Tiya Sonia.
'Kean pala ang pangalan niya.. at Sir Kean ang tawag dito.. Ibig sabihin.. amo namin siya? Pero, bakit siya ang sumundo sa amin at siyang nagmamaneho ngayon? Napakabait naman niya kung gano'n..'
Lihim akong napangiti at pagkuwa'y lumingon sa likuran. Nakita ko roon si Tiya Sonia na napakalawak din ang ngiti at gano'n din ang katabi ni Tiya na may kaliitang babae ngunit may pagkamestisa rin. Ngumiti ako sa mga ito. Pagkuwa'y ibinalik ko na ang tingin sa harapan ngunit nadaanan ng mga mata ko ang mukha ng lalaki na ngiting-ngiti rin.
"Oo nga po Ser Kean.." ani Tiya Sonia. "Bukod ho sa napaka-gwapo niyo na ay napakaganda din pala ng boses niyo," papuri pa nito.
Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.
"Thank you, Manang Sonia and Beverly," nakangiting pasalamat ni Sir Kean. Saka bahagya itong lumingon sa akin. "How about you, Miss Cutie? What can you say about my voice, hmm?"
Namula ako sa itinawag nito sa akin kaya mas lalo tuloy akong nahiyang tumingin dito. "Uh.. M-Maganda po ang b-boses niyo, S-Sir," sabi ko habang ibinabalik sa pagkakaipit ang lumilis na buhok sa harapan ko.
"Hmm.. Really? Then, now I believe that I have a nice voice.. Sabi mo, eh! Hehehe!"
"Ah.. hehe.. Totoo naman po, eh." di ko mapigilang ngumiti.
"Thanks.." anya.
Mukhang masayahin itong si Sir Kean. Napapa-head bang pa ito habang nakikinig ng panibagong kanta na hindi ko na gaanong maintindihan. Sinasakop na ang utak ko ng samot-saring alalahanin ukol sa umuusbong kong damdamin. Ngunit, isinantabi ko muna iyon. Mabait lang ito, wala itong ibig sabihin. Nagpapasalamat ako dahil ganito kabait ang paglilingkuran ko. Kinakabahan din kasi ako noong una dahil sa isip ko ay baka masasama ang ugali ng mga magiging amo namin.. Sabagay, nasabi na rin naman ni Tiya Sonia na totoong mababait ang mga amo lalo na raw 'yong Don.
"Mukhang masaya po kayo, Sir Kean, ah? Kayo na po ba ni Miss Gale?" dinig kong tanong ng babaeng katabi ni Tiya.
'Kung gano'n.. May girlfriend na pala siya...'
Bakit parang pinitik ang dibdib ko? Bigla akong nalungkot doon. Napatingin tuloy ako kay Sir Kean na agad namang tumigil sa paghi-head bang. Nalukot ang mukha nito at umangat ang labi nito saka tiningnan 'yong babae sa rearview mirror.
"Don't you ever ask me about that girl, Beverly.. She's nothing to me," seryoso nitong tugon sa babae.
"Ay! Sorry po, Sir Kean.. Akala ko po kasi ay kayo na. Pasensiya na po," ani Beverly.
"Do you wanna know why I'm happy and acting so weird now, huh?" Muling bumalik ang sigla sa mukha ni Sir Kean.. Nagtataka ako dahil saglit itong sumulyap sa akin.
"Bakit nga po, Sir?" balik tanong ng may kakulitan na babae. "Bakit po ang saya-saya niyo magmula pa no'ng umalis tayo sa mansyon hanggang ngayon?"
"Hmm.. Maybe because.. I finally found my happiness now," taas noong sagot ni Sir Kean habang napakalawak ng ngiti.
"Sino po?" muling tanong ni Beverly. Dumukwang pa ito sa gitna namin ni Sir Kean para marinig ang isasagot nito.
"Secret! Tsk! Go back to your seat, Beverly. Baka masubsob ka pa diyan, eh. Imbes pabalik na tayo sa mansyon ay baka dumiretso pa tayo sa hospital!" natatawang sabi ni Sir Kean.
"Ay! Ang daya naman ni Sir! Di pa kasi sabihin, eh.. Pero, sige.. Ayaw ko din naman kay Miss Gale, eh. Ang sama ng ugali no'n! Napakasungit at grabe pa kung makapagutos.. Talo pa niya sina Miss Amirah at Miss Althea, eh.." bubulong-bulong ni Beverly sa upuan.
Tanging halakhak lang ang tugon ni Sir Kean habang napapailing pa.
"Ikaw talaga, Beverly! Ang bibig mo, naku! Kaya lagi kang nasasabunutan ni Miss Gale, eh. Dahil tinitira mo din siya patalikod," ani Tiya Sonia.
Hindi ko alam kung anong ginawa ni Tiya kaya bigla ring natawa si Beverly.
"Hahaha! Hay naku, Manang Sonia.. Subukan niya lang galawin 'yan.. Mukhang di niya kakayanin ang taong magtatanggol diyan," ani Beverly.
Hindi ko alam kung sino ang tinutukoy nito kaya binalewala ko na lamang. Nanatili akong tahimik at hindi ko inaalis ang tingin sa labas ng bintana. Hindi ko magawang ituon ang paningin sa harapan dahil baka mapansin ko na naman ang pasulyap-sulyap ni Sir Kean sa akin. Lalo akong nahihiya.
"Nandito na tayo," ani Sir Kean habang minamaniobra ang sasakyan papasok sa napakalaking gate na mukhang kusang gumagalaw dahil ni wala akong makitang taong nagbubukas ng mga iyon.
Pagkapasok sa gate ay mahaba pang daan ang dinaanan namin kaya inabala ko muna ang sarili ko at napapaawang na lang ang bibig sa nakikita kong tanawin. Napakalaking bahay! Parang palasyo.. Napakaganda ng pagkakadisenyo ng bahay at mukhang pinakamagagaling na arkitekto at inhenyero ang gumawa nito. Napapadako rin ang paningin ko sa dinadaanan naming garden na punong-puno ng mga mamahaling bulaklak. Ni hindi ko alam ang mga pangalan ng mga iyon. Mayroon din silang pine tree na sa baguio lang din makikita.
Nahinto ako sa pagmamasid ng mga nadadaanan namin dahil pumasok na sa may kadiliman na parking lot ang sasakyan. Nang huminto ito ay agad ko nang inalis ang seatbelt ko ngunit nahihirapan akong tanggalin ito. Nagkabuhol-buhol ito sa katawan ko kaya hindi ako makaalis.
"Paano 'to?" mahina kong bulong.
Nagulat na lamang ako ng dumukwang si Sir Kean para alisin ang pagkakabuhol ng seatbelt ko. Napigilan ko tuloy ang hininga ko. Napapalunok ako habang tinitingnan ng malapitan ang mukha nito na seryosong nakatutok ang paningin sa pagaalis ng seatbelt ko. Nang maramdaman kong nakalas na nito ang seatbelt ay napalingon ito sa akin kaya muntikan pang dumikit ang mga labi namin. Mabuti na lamang ay matatangos ang mga ilong namin kaya iyon lang ang nagkaumpugan. Pero, bulta-bultahing kuryente na ang dumaloy sa katawan ko nang saglit na dumikit ang mga ilong namin. Nagkatitigan kami.. ngunit hindi ko kayang makipagtitigan dito kaya ako ang kusang umiwas ng tingin.
Hindi ko na hinintay pang pagbuksan ako ng kung sinuman dahil sa kabang nararamdaman. Pakiramdam ko ay lumulutang ako sa ere. Marahil ay pulang pula din ang mukha ko ngayon dahil maging ang katawan ko ay umiinit.
Lumapit na ako kay Tiya Sonia at agad na kinalma ang sarili. Ayaw kong pahalata dito na apektado ako sa karisma ng lalaking ngayon ko lamang nakita.
"Halika na, Leigh," yaya sa akin ni Tiya Sonia at hinila na ang braso ko.
"Tiya Sonia, 'yong mga bagahe po natin?"
"Nauna na sa atin. Dinala na ni Angelito."
Napatango ako. "Ah, okay po." Magkapanabay na kaming pumasok sa pinto kung saan may nakapaskil na 'Imployees Intrance'.
'Parang mall lang, ah?' Sa isip ko saka lihim na humagikhik.
Sabagay, sa laki ba naman ng bahay na ito na parang singlaki lang din ng mall ay posibleng may ganito dito. Siguro ay napakadami ng mga tauhan at mga katulong rito..
Pagkarating sa loob ay agad kaming pinaupo ng kasing-tanda ni Tiya Sonia sa upuang nara doon. Ilang sandali rin ay inabutan kami nito ng maiinom. Agad ko itong tinikman dahil nauuhaw na rin ako. Apple juice iyon, sobrang sarap.
"Salamat, Solidad," ani Tiya Sonia.
"Magpahinga muna kayo diyan at tatawagin ko si Don Armiendo para sabihing nakabalik ka na at kasama ang magiging tagapangalaga ni Miss Adriana," anito at tumingin sa akin saka ngumiti. Kaya ginantihan ko din ito ng ngiti.
"O, sige. Salamat." tugon ni Tiya.
Ilang minuto pa nang marinig ko na ang mga yabag ng sapatos at tunog ng sandalyas kaya't bigla akong kinabahan. Napaayos ako ng pagkakaupo at huminga ng malalim.
"Is she my new nanny?"