MATIWASAY na nailagay katawan ni Ethan ang isang kidney ni Raven. Nagpasalamat si Andrew na walang bumulagang sorpresa sa kanya pagbukas niya uli ng katawan ng bata. Umaasa siya na magtutuloy-tuloy ang magandang progress. Nang masiguro na maayos na ang kalagayan ni Ethan ay nagpunta si Andrew sa recovery room na kinalalagyan ni Raven. Natagpuan niyang natutulog pa ang dalaga at abala naman sa pagsusulat sa chart si Aaron. Puwedeng isang intern na ang gumawa post-operative procedures pero hiniling niya kay Aaron na personal nitong bantayan si Raven. Si Amy naman ang nakatalaga kay Ethan. Pagdating sa mga pasyente na malapit sa kanyang puso, hindi niya basta-basta na lang ipinagkakatiwala ang mga ito sa intern o sa ibang mga residente. “Kumusta na siya?” tanong niya sa mahinang boses. “Sh

