Tumango si Garrett. “Understandable naman ang mga nararamdaman niya. Sa totoo lang ay most of the time wala naman talaga siyang pakialam. Umiikot ang mundo niya sa mga pasyente niya, sa department niya.” “`Buti naman nagkasundo rin kayong dalawa.” “I was once a mess, you know. Andrew was there for me. Hindi niya ako iniwan at binitiwan. Siya ang pinakahuling tao na inasahan ko na dadamay sa akin. Naging close kaming dalawa sa med school.” “I’m glad to know. Kahit na noong high school tayo ay pinoprotektahan ka na niya. Hindi mo lang siguro alam.” “Alam ko. Hindi lang namin alam noon kung paano tatanggapin ang isa’t isa. Hindi namin alam kung paano magiging magkapatid. Siguro ay ikinagulat mo rin ang pagiging doktor niya.” “Well, hindi gaano.” She had always believed in Andrew. May mat

