NAPATULALA na lang si Raven sa pinag-iwanan ni Andrew sa kanya. Pagkatapos ay napakurap-kurap siya. Hindi niya gaanong mapaniwalaan ang itinakbo ng kanilang usapan. Para pa rin siyang nahihilo sa mga nangyayari. May pakiramdam pa nga siya na baka panaginip lang ang lahat at magigising na siya anumang sandali. Ang dami niyang kailangang isipin at alalahanin. Ang kalagayan ni Ethan. Ang nalaman niya tungkol sa pagkakaiba ng blood type ng mag-ama. Ang galit niya kay Rebecca. Pero inookupa ni Andrew ang buong isip niya. Hindi sa ganoong paraan ang inisip niyang paraan ng pagkikita nilang dalawa, pero wala na siyang ibang choice sa ngayon. Siguro ay ganoon talaga minsan ang buhay. Totoo sa kanyang loob ang sinabing masaya siya na makita uli si Andrew. Masaya siya na makita na isang matagump

