Tumingin si Andrew sa babae na hindi pa rin niya alam kung ano ang pangalan. Mabilis nitong iniiwas ang mga mata sa kanya. Tumingin siya uli kay John Paul. Normally ay walang pakialam si Andrew sa mga ganoong bagay. Alam niya Andrew na dapat niyang itikom ang bibig kagaya noong naunang beses na makadiskubre siya ng ganoon. Masyado iyong sensitibo at hindi siya sangkot. Pero na-realize rin niyang itinuturing na pala niyang kaibigan si John Paul. He had been a good lawyer. Makailang beses na siya nitong ipinagtanggol sa korte at sa ilang judge. Alam niya na trabaho nitong ipagtanggol siya pero nakita ni Andrew ang sidhi nitong maipanalo ang bawat kaso na isinampa sa kanya hindi dahil trabaho nito iyon kundi dahil naniniwala ito na nasa tama siya. He deserved to know the truth. “Ang isang

