High school “MASARAP?” nakapamaywang na tanong ni Raven kay Andrew. Nakita niya ang kaklase sa isang bench sa ilalim ng malaking puno. Minsan ay gusto niyang kumain doon dahil presko. Paboritong tambayan din iyon ng mga estudyante. Pero walang gaanong estudyante sa paligid sa pagkakataon na iyon. Mukhang nangingilag ang karamihan sa presensiya ni Andrew. May reputasyon ang binata roon. He could easily intimidate anyone. He amused himself with pranks that were not amusing to most of the students. Si Raven lang ang naglakas ng loob na lumapit. Dahil sa wala siyang choice. Kinuha ni Andrew ang lunch box niya at kalahating oras na lang bago matapos ang lunch break. Mukhang hindi siya umabot sa tamang oras dahil paubos na ang kanyang pagkain. Halos wala nang laman ang kanyang mga baunan.

