“TITA RAVEN!” Kaagad na gumuhit ang isang masayang ngiti sa mga labi ni Raven pagpasok niya sa loob ng unit. Parang nawala ang lahat ng pagod na nadarama niya nang marinig ang boses ni Ethan. Narinig niya ang mabibilis nitong mga hakbang at hindi nagtagal ay lumabas ang bata mula sa kusina. Inihagis nito ang sarili sa kanya at niyakap siya nang napakahigpit. Gumanti ng yakap si Raven. Hinalikan niya ang sentido nito bago pa kumawala sa kanya ang bata. “Na-miss po kita!” sabi ni Ethan sa kanya bago kumalas. Tiningala siya ng bata at mababasa sa mga mata nito ang kaligayahan na makita at makasama siya uli. Parang may kung anong humaplos sa puso ni Raven. Puso na punong-puno ng pagmamahal para sa batang kaharap. “Na-miss din kita. Halos hindi kami makahinga ng daddy mo habang wala ka.” Ala

