“HANGGANG kailan ka ba talaga magiging dermatologist?” tanong ni Andrew kay Tawny habang nahihiga siya sa isang examination bed. Inihahanda ni Tawny ang machine na gagamitin para sa kanyang procedure. Diamond peel. Parang gustong magwala ni Andrew pero alam niyang hindi puwede dahil nasa isang klinika sila at kahit na siya lang ang “pasyente” sa kasalukuyan ay hindi naman sila exactly mag-isa. Kalapit ng procedure room ang opisina ni Dr. Artemia Guttierez, ang talagang dermatologist sa klinika na iyon. Dating nagtatrabaho si Dr. Guttierez sa DRMMH pero halos isang dekada na ang nakakaraan ay napagpasyahan nitong sa probinsiya na mag-practice. Nasa isang specialist hospital ang klinika nito sa Dagupan City. Nang mapagpasyahan ni Tawny na iwanan ang dating buhay ay kay Dr. Guttierez nagpun

