9

2190 Words

MAINGAT na pinili ni Raven ang isusuot para sa araw na iyon. Hindi niya sigurado kung bakit mas nag-abala siya sa pag-aayos ng kanyang sarili samantalang napakalaki ng posibilidad na hindi sila magkikita ni Andrew. At kahit pa siguradong magkikita sila, bakit gusto niyang maging napakaganda sa harap nito? Napapabuntong-hininga na inamin ni Raven na conscious siya. Inamin din niyang gusto talaga niyang maging napakaganda sa muli nilang pagkikita ni Andrew. Gusto niyang makita nito na hindi naman siya nagpabaya sa sarili. Pinagmasdan niya ang sarili sa full-length mirror. Alam niyang maganda pa rin siya. Makailang beses na niya iyong narinig mula sa iba. Nagmumukhang effortless ang gandang mayroon siya pero kailangan din niyang aminin na naglalaan pa rin siya ng effort para ma-enhance ang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD