NAABUTAN ni Andrew na nagbubuklat ng kung anong magazine sina Amy at Aaron pagpasok niya sa loob ng kanyang opisina. Maliit lang iyon pero perpekto para sa kanya dahil hindi naman siya doon madalas na naglalagi. Kapag may appointment lang o kapag kailangan niyang asikasuhin ang ilang administrative duties niya. Tanging sina Amy at Aaron ang mga surgical resident na pinapayagan niyang makapasok doon. May mahabang desk na pinagsasaluhan ang dalawa sa isang sulok. Halos wala sa loob na dinampot niya ang isang magazine. Nagsalubong ang kanyang mga kilay nang malaman na isa iyong wedding magazine. “Sino ang ikakasal sa inyong dalawa? Sa pagkakaalam ko ay pareho kayong walang love life,” sabi niya habang inilalapag ang magazine. Pumunta na siya sa sariling desk at binuksan ang computer. Naro

