CHAPTER TWELVE ADAM MEADOWS HINDI puwedeng makita ni Jazzlene ang kalagayan sa loob ng sarli nilang pamamahay, lalo na at nagkalat ang dugo sa sahig dahil sa dalawang tama sa binti ng anak ni Bueno. Wala na itong malay ngayon dahil nanghina na sa dami ng dugong nawala. "Adam!" Narinig ko uli ang boses ni Jazz na medyo nagpa-panic. Ayoko rin na maabutan niya ako rito kaya agad akong nagtago sa ilalim ng hagdan para doon siya abangan. Inihanda ko na ang panyo sa bulsa ko, in-spray-an ko 'yon para gamitin sa kaniya. Noong nakababa na siya at tumama ang tingin sa lalaking nakahandusay sa sahig, agad siyang napasigaw. "Aaaachk!" Maingat akong lumabas sa pinagtataguan ko at dahan-dahang pumuwesto sa likuran niya. Ginamit ko ang panyo ko para itakip sa ilong niya. Nagawa niya pang magpumigl

