CHAPTER THIRTEEN JAZZLENE HINDI ko mapigilang singhutin ang mabangong naaamoy ko. It's like spice and heat and bath soap. Iminulat ko unti-unti ang mga mata para alamin kung ano ang naaamoy ko. Ngunit agad namilog ang mga mata ko nang makita ko si Adam. Sh*t. Tulala ako habang pinagmamasdan siya. Nakatingin din siya sa 'kin at para akong nahipnotismo dahil hindi ko magawang kumilos. Pero gumagana ang utak ko. Alam ko kung bakit ako narito sa kuwarto niya. Binangungot kasi ako kagabi at may nakitang lalaking duguan na nakahandusay sa sala kaya noong nagising ako bandang madaling araw ay natakot ako. Hindi na ako makabalik sa pagtulog mag-isa. Dati-rati kapag may masama akong napapaginipan, kuwarto ni Mom at Dad ang takbuhan ko para sa kanila tumabi. Pero dahil wala sila, nawalan ako ng

