CHAPTER TWENTY-NINE ADAM MEADOWS "Hi, anak!" Malapad ang ngiti sa 'kin ni mommy nang salubungin niya ako pagdating ko sa bahay namin. Yumakap pa siya sa 'kin. Bumalik sila sa Pilipinas nang hindi sinasabi sa 'kin dahil gusto nila akong surpresahin. Tumawag siya sa 'kin kanina noong kasalukuyan kaming papunta ni Jazz sa penthouse ko. Napagpasyahan kong ihatid muna si Jazz sa bahay nila. Ibinaba ko siya sa lugar na hindi abot ng CCTV at malapit lang sa bahay nila para hindi makahalata ang parents niya. "Kailan kayo dumating?" "Kanina lang. Hindi lang kita natawagan agad dahil na-busy kami ng daddy mo sa pag-aayos ng mga gamit. Gano'n din si Fritzie. Hindi pa nga tapos, e. Ang dami pang kailangan ayusin, pero siguro bukas na lang namin itutuloy at kailangan din namin ng pahinga." "You'

