Content Warning!!! Please note: The following chapter contains s****l scenes and is intended for mature audiences only! This material is not suitable for minors. Reader discretion is advised. CHAPTER THIRTY-FIVE JAZZLENE Tahimik kaming dumating sa Meadows Tower. Nakasimangot ako at hindi kinikibo si Adam dahil naiinis ako sa kaniya sa hindi ko siguradong dahilan. Basta ang alam ko, naiirita ako kapag hindi siya nagpaparamdam sa akin, tapos akala mo siya kung sinong magalit kapag ako na ang gumanti at hindi nagparamdam sa kaniya. Medyo nahihilo pa ako dahil sa epekto ng alak na nainom ko sa club, ganunpaman ay alam ko pa rin ang nangyayari sa paligid ko. Alam kong papunta kami sa elevator, but this time ay ako ang nauunang maglakad. Sinadya niya akong paunahin magmula pa kaninang pagpa

