CHAPTER THIRTY-SIX JAZZLENE AWARE ako sa mga nangyari after namin maligo nang sabay ni Adam. Nahiga kami sa kama matapos kong patuyuin ang buhok ko gamit ang hair dryer na kasama sa binili niyang gamit ko rito. Aware ako na makalipas ang halos isang oras ay maingat siyang bumangon sa kama para sagutin ang tawag sa phone niya dahil nag-ring iyon. Aware ako na umalis siya sa penthouse after niyang sagutin ang tawag. Umalis siya nang hindi nagpapaalam, siguro kasi ay dahil iniisip niyang tulog naman na ako. Pero hindi. Nakapikit lang ako, pero gising pa rin ang diwa ko kaya ramdam ko lahat. Halos isang oras siyang nawala. At dahil medyo hilo ako sa epekto ng alak, nanatili lang akong nakahiga sa kama kahit wala akong kasama. Pagbalik niya, tinabihan niya uli ako. Ramdam ko pa ang pagyakap

