Hindi alam ni Becka kung bakit bigla siyang kinabahan nang sabihin ni Clinton sa kanya na may bisita sila. SILA. Gusto man niyang isiping isa lang marahil sa mga kaibigan nila ang bisita nila kagaya halimbawa kina Axell at Rona ay kakaiba pa rin ang pintig ng puso niya. Hindi naman daw ang Mommy ni Clinton iyon pero sa pakiramdam niya ay isa iyong taong mahalaga kay Clinton base sa kislap ng mga mata nito habang sinasabi iyon sa kanya. Hindi kaya iyong Hailey ang bisita nila? Pumili siya ng isang simpleng bestida. Sinuklay din ulit niya ang buhok niya at sinigurado niyang maayos ang hitsura niya. Nang matapos na siya ay eksaktong bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Clinton. "Ready?" tanong nito sa kanya habang may munting ngiti. "Oo... Pero sino ba talaga ang bisita natin? Sabihi

