Kagaya ng sabi ni Clinton ay minadali nga nito ang pagpapa schedule ng kasal nila. Hindi kinabukasan, pero sumunod na linggo din kaagad! Tsk! At sa tuwing magkokomento siya na masyado pa rin iyong mabilis ay paulit-ulit nitong ibinabalik na almost 10 years itong naghintay sa kanya! Para bang kinokonsensiya siya para pumayag na lang siya kaya iyon na nga ang nangyayari, natatahimik lang siya. Isa pang dahilan kaya nito minamadali ang kasal nila ay dahil nga sa Mommy nito. Hindi niya alam pero parang may iba pang nanyari kaya ipinipilit ni Clinton na makasal agad sila at patago pa. Ang tanging sinabihan lang din nito bukod sa Daddy nito ay ang mga kaibigan nito kagaya ni Axell at asawa nitong si Rona na matalik ding kaibigan niya. "Becka! Oh my God! Totoo ba?" Ilang araw bago ang nakatak

