Sa mga sumunod na araw ay hindi na siya nagulat na palagi nang nagti-text sa kanya si Clinton, bumabati at nangungumusta. Pero hindi niya ito nirereplyan. May mga pagkakataon din na tumatawag ito sa kanya pero minabuti niyang hindi na lang iyon pansinin. Mabuti na lang at alam naman nitong may pasok siya kaya may excuse na rin siya kung bakit di niya masagot ang mga tawag o text nito. Pwede rin niyang sabihin na tulog siya sa ibang pagkakataon na tumatawag o nagti-text ito sa kanya. Pagdating ng araw ng day-off niya ay nakipagkita na agad siya kay Liam nang tanghaling iyon pagkagaling pa lang sa trabaho. Nagkita sila sa isang restaurant at doon na rin kumain. "So, ano ba ang chika mo? Tungkol ba yan sa jowa mo?" atat niyang tanong kay Liam nang dumating na rin ito sa meeting place nila.

