"Beck, sino ba 'yong gwapong lalaking sumundo sa'yo? Ikaw ha, naglilihim ka na! Sabi mo wala kang jowa!" ang sumbat kaagad sa kanya ni Elena nang magkita na ulit sila bago ang oras ng trabaho. Napailing na lang siya at napairap sa kawalan. Sinasabi na nga ba niya at uusisain siya ng mga ka-trabaho niya tungkol kay Clinton. "Oo nga naman! Sabi mo NBSB ka, no boyfriend since birth! Eh sino 'yon?" tanong din ni Val na bigla na lang sumulpot din sa harap niya. "Wala na palang pag-asa niyan si Krino sa'yo, Becka." sabi muli ni Elena. "Umamin ka na kasi! Isinisekreto mo pang may boyfriend ka na, porket gwapo ang jowa mo! Hindi naman namin aagawin." saad ulit ng baklang si Val. "Tss." Napailing na lang ulit siya sa mga ito. Wala naman siyang aaminin dahil hindi naman talaga niya boyfriend s

