Pero hindi pa man siya tuluyang nakakaupo sa loob ng kotse ni Clinton ay bahagya siyang natapilok kaya nawalan siya ng balanse at muntik na siyang mahulog! Mabuti na lang ay alerto si Clinton at kaagad siyang nasalo! "Be careful! Lasing ka na talaga. Tss. You can't handle your alcohol pretty well." Sermon na naman nito sa kanya at tiningnan pa siya ng masama. Pero hindi siya titiklop kaya tiningnan din niya ito ng masama. "Natapilok lang, lasing na?" "Ano pa nga ba?" Hindi na siya nakasagot dahil nakaupo na siya nang maayos at agad nang isinara ni Clinton ang pinto. Umikot na rin ito at umupo sa driver's seat. Saglit lang ay bigla itong dumukwang sa kanya. Bigla na naman tuloy bumilis at lumakas ang t***k ng puso niya dahil sa pagkakalapit ng mukha ni Clinton sa mukha niya. Parang..

