"Alam mo mahal, I'm planning to put up another business here in the Philippines. Kapag sinagot mo na ako tapos nagpakasal na tayo, mas gusto kong dito na lang tayo sa Pilipinas tumira. Then we can just go outside the country for vacation. What do you think?" Napatingin siya kay Clinton. Ang dami na agad nitong pangarap para sa kanilang dalawa samantalang ni hindi pa nga niya nakikilala ang Mommy nito at ang iba pa nitong kamag-anak. Nag-aalala siya na paano kung hindi siya magustuhan ng mga ito para kay Clinton? Paano kung gaya sa mga napapanuod niyang teleserye ay o-offeran siya ng pamilya nito ng malaking halaga ng pera para lang layuan si Clinton? Sa totoo lang, gusto na niyang sagutin si Clinton para maging opisyal na ang relasyon nila. Halos isang taon na rin naman mula nang umamin

