"That I like you! Gusto kita, Becka, matagal na! Hindi mo ba iyon maramdaman?" Natulala siya habang nakatitig kay Clinton matapos ang ipinagtapat nito sa kanya. Gusto siya ni Clinton? Matagal na? Kung ganoon ay tama ang sinasabi ng mga tao sa kanya? Tama rin ang obserbasyon ni Liam una pa lang... Hindi niya alam ang sasabihin niya. Bumuka ang bibig niya pero wala siyang makapang mga salita. B-Bakit.. Hindi agad sinabi ni Clinton sa kanya? At bakit parang lumundag ang puso niya sa tuwa? Pero... bakit siya? Karapat-dapat ba siya? Sa huli ay iniwas lang niya ang paningin niya kay Clinton. "B-Baka nagkakamali ka lang, Clinton." ang lumabas sa bibig niya. Ano naman ang magugustuhan ni Clinton sa kanya? Hindi naman siya masyadong kagandahan. Maganda ang balat niya, sexy rin naman siya, pe

