Chapter One: Majhavialitus and the hologram-mail

2708 Words
Year 2243, Earth Calendar Sa paglipas ng dalawang siglo, tuluyan na ngang nabura sa isipan ng mga tao ang tungkol sa planetang “earth”. Ang pagkakakilanlan sa kanila ay nabago na rin. Samantala, sangkapat na bahagi ng Mars ang tinayuan ng nakapalaking “Force Field”, at sa loob niyon ay ang mga naglalakihang gusali. Ang naturang force field ay isang artificial na atmosphere nang sa gayon ay makatulong iyon upang makahinga ang mga naninirahan doon kahit hindi gumagamit ng ano mang suit. Ang lahat ng mga bagay roon ay likha sa tulong ng science at technology. Ang tawag sa sibilisasyon na naroon ay “Majhavialitus”, ang umusbong na unang henerasyon sa Mars, at “Majhavian” naman ang tawag sa mga naninirahan doon na siyang bagong pagkakakilanlan sa sangkatauhan. Amethyst Cullinane P.O.V. Kasabay ng pagtunog nang malakas na alarm na nasa tuktok ng gusali na matatagpuan sa sentro ng s’yudad, agad akong tumayo mula sa pagkakaupo sa malamig na simento. Pinagpag ko ang cahlkutie na suot ko. Ito ay isang uri ng tila na kakaiba ang yari; mula sa texture, harness at quality. Ito ay itim na may halong puti at may button ang harapan. Ang hem naman ng pang-itaas na kasuutan ay umaabot lamang sa hanggang tuhod. Nang makatayo ako, mabilis na buntong hininga ang pinakawalan ko saka muling sinulyapan ang dalawang ovrey(moon) sa itaas. Hindi ko alam kung papaano, pero tila nakahiligan kong pumunta at umakyat sa roof top ng gusaling ito para lang pagmasdan ang naglalakihang mga ovrey. Na para bang may kung anong pwersa ang nirerelease nito na naging dahilan para maimpluwens’yahan ako. Kamangha-mangha! Nanatili akong nakatayo nang muling tumunog ang napakalakas na alarm. Dahil do’n nakaramdam na ako ng kaba. Mabilis ang naging kilos ko habang dumadaan ako sa metal staircase pababa ng rooftop. Nang makababa na ako, lumapit ako sa sijhu (elevator) na gawa sa salamin at pinindot ang blue button. Nang bumukas na iyon ay siyang pasok ko agad sa loob. Tuwing gabi, sa pagsapit ng phafalox (quarter to ten p.m.), pinapatunog nang dalawang beses ang alarm. Ang unang tunog ay magsisilbing babala sa lahat ng Majhavian na nananatiling nasa labas pa. At ang ikalawang tunog ay hudyat naman para gumala ang mga officers sa hanay ng “Flechkor”, mga sundalong may karapatan na humuli at magpataw ng parusa sa mga mahuhuling Majhavian na lumalabag sa mga rules. Ang mga officers ay sakay sa mga aphox, isang may kalakihang sasakyan na ginagamit lang nila t’wing sumasapit ang phafalox. Iyon ay may mistulang metal na pakpak at sa bandang ilalim niyon ay may bilog na hugis kung saan ay lumalabas mula roon ang matinding init na nakakatulong para makalipad ang nasabing sasakyan. Bukod pa roon, pinapagana ang mga nasabing sasakyan sa pamamagitan ng paggamit nang matataas na boltahe ng kuryente. At kahit gaano pa kalaki ang isang aphox, kung masusupl’yan ng sapat na enerhiya, makakaya pa rin niyon ilipad ang isang aphox nang walang pagdududa. Kasabay ng pagbukas ng pinto, nakarinig ako ng pamilyar na tunog, tunog iyon ng isang aphox. That sound brings shiver in my both hands. Kahit pa manatili akong nasa loob ng gusali, maaari pa rin nila akong makita at hulihin at iyon ang kinatatakutan kong mangyari. Marahan ang ginagawa kong kilos. Nag-iingat na makagawa ng ingay na p’wedeng maka-attract sa kanila. Liliko na ako ng may masanggi akong gamit. Buti na lang at mabilis ang naging pagkilos ko. Nasambot ko agad iyon bago pa lang bumagsak. Pakiramdam ko bumilis ang t***k ng puso ko lalo pa‘t yari pala ang gamit na iyon sa glass. Dahil kung nagkataong hindi ko iyon nasambot agad— t’yak kaharap ko na sila. Dahil sa sitwas’yon, kailangan ko pang maghintay ng ilang xefho (oras) bago lumabas kaya mula pa kanina nakatayo lang ako malapit sa pinto ng exit. Mariin kong pinakikinggan kung may aphox pang nasa paligid. Nang wala na akong marinig ni isang tunog na nagagawa ng sasakyang iyon, binuksan ko na ang pinto. Naglakad lang ako pabalik sa gusali na aking tinitirhan, sampung palapag lang iyon at nasa ikawalong palapag naman ang aking quarter. Habang naglalakad ako palapit sa building na aking tinitirhan, nababatid kong walang ng Majhavian ang makikita sa paligid. Hindi ko sila masisi dahil maging ako’y natatakot rin na mahuli. Ang bawat hakbang na aking ginagawa ay lumilikha ng ingay sa sahig. Kaya napapatingin ako sa bawat direks’yon kung may nagkalat na mga officers ng Flechkor na maaaring makarinig at makita ako. Nang makalapit ako sa double glass door na doble ang taas kaysa sa akin saglit akong huminto, itinapat ko sa kulay orange identification bar ang aking rectangular in shape but thin glass I.D.. Nang magkulay green ang ilaw ng bar ay s’yang unti-unting pagbukas ng pinto. Hindi pa man tuluyang bumubukas iyon, pumasok na agad ako sa loob. Mas maigi nang nag-iingat kaysa mahuli. Pagkapasok ko sa loob, naka-turn off na ang ilang mga ilaw, ang nananatiling buhay na lamang ay mga iilang ilaw na naka-attached sa pader. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang marating ang sijhu. I clear my throat before I speak. “Open.” I heard a woman voice followed by the sounds of two metal door that detached to each other . “Jivhavien eshkoty, Ms. Cullinane.”(Good evening, Ms. Cullinane). The programme voice greet me in a informal way. I’ve no doubt, because of recognition voice, she know me already. Nang tuluyang magbukas ang pinto, agad akong pumasok. “Eight floor.” I say, tiredly. I let the woman programme voice speak, and not giving attention to it. When the sijhu stopped, I quickly get off from the inside. I keep on walking until I reached the front metal door of my quarter. Lumapit ako sa scanner device na naka attached sa wall. Inilapit ko ang kanang mata ko rito at hinintay na may lumabas na kulay green at sinimulang i-scan ang aking mata. I heard a woman soft voice again saying the words “Confirmation, activated.” She then mentioned my last name. Nakarinig rin ako ng mahinag tunog na nalilikha dulot ng dahan-dahang pagbukas ng metal door pa-left side, pagkatapos niyon ay bumulaga ang ambiance ng aking silid: one room, small sitting room, small kitchen with no items in it, a bathroom infront of my room and only the narrow passage separated them, another room for my interchangable phalus at sa dulo ng makitid na daan na pumapagitna sa bathroom at room ko, naroroon ang makapal at naka-curve na glass window at may isang upuan ang nakalagay roon. Nakaupo ako sa isang alloy-metallic chair na walang supporter, tanging ang gravity force na nasa mababang level ang nagpapalutang rito habang ang gilid nito ay nag-e-emit ng liwanag na nakatutulong upang mapanatili sa posisyon ang bagay na iyon. Nasa harap ko ang clear glass windows. Mula sa p’westo ko, tanaw ang south side ng s’yudad. Napakaliwanag. Walang bahagi ng siyudad ang napagdadamutan ng liwanag. My attention was distracted by the annoying sound, it was my alarm. I stood up and went to my room. Before I enter my room, hindi na ako nag-aksayang pumasok sa interchangable Phalus para magpalit ng damit. Ito ay isang mala-silid na gawa sa machine, na kapag binuhay ang switch, may lalabas na radiant light of red lines sa bawat direks’yon na mag-i-scan sa buong katawan pagkatapos niyon ay unti-unting magkakaroon ng artificial but real clothes. Without reluctance, I quickly jumped off and lie proned on my bed. And my vision turned into blur then black. Maybe because of tiredness kaya mabilis akong makatulog. Nagising ako nang may kumakatok sa pinto ng aking quarter. Kahit gusto ko pang matulog wala akong choice kung ‘di ang tumayo. Pupunta na sana ako sa pinto para pagbuksan ang kung sino mang Majhaviang iyon when I heard my reflefhone rang, ito ay manipis na bagay na ginagamit pangkomunikasyon. Tanging ang magkabilang dulo lang niyon ang yari sa highly metal na may halong iron na nagsisilbing powercell ng reflefhone at ang screen ay isang thin-clear glass na nag-aabsorb ng energy from its powercell and then, it emits an energy that will result for having a pattern of interference producing by a split coherent beam of radiation and after that, it produce three dimensional image. Hinanap ko ang aking reflephone at ng makita ko, binuhay ko ito at isang holographic image ang lumitaw. Mula rito nakikita ko ang isang lalaki na may kulay green na mga mata. Ang kaniyang magulong buhok na nagpapakita na bagong gising lang din ito. He’s Vandall Mauleay, wearing his usual smile. Minsan naiisip ko, sa dinami-raming babaeng Majhavian, bakit ako ang napili n’ya? Bakit ako pa na walang maibubuga, walang maipagmamalaki, at isang simpleng Majhavian lamang. Siguro nga kapag nahanap na ng kanilang mga mata ang taong para sa kanila, hindi na ito lilingon pa sa iba. Naipilig ko na lamang ang aking ulo sa isiping iyon. Hindi ko na dapat pinagkakaabalahang isipin ang mga tanong na wala namang kabuluhan. Itinuon ko nalamang ang buong atensiyon ko sa aking nobyo na kumakain sa oras na ito. “Heay, pupunta ka ba talaga sa Pentagon para samahan ako?” tanong ko sa nobyo ko. Sa totoo lang, napag-usapan na namin iyon apat na araw na ang nakakaraan. Sinabihan ko siya na ‘wag na lamang niya akong samahan total may dapat pa siyang asikasuhin dahil may trabaho pa ito. Kaso lagi niyang ipinipilit ang gusto niya. Tumigil siya sa pagkain, marahang tumango at kapagdaka'y nagsalita kahit may laman ang bibig. “‘Di ba napag-usapan na natin ito? Na sasamahan kita. O baka pagtatalunan na naman natin ito?” saad niya at mababakas ang pagkadisgusto sa tono ng kan'yang pananalita. Tiningnan ko siya sa mata. “Oo nga‘t napag-usapan na natin iyon pero. . . Vandall naman, sa araw na ‘yon, alam mong may trabaho ka at ayaw ko na ako ‘yong maging dahilan para matagal ka doon. At isa pa, hayaan mo naman ako sa unang pagkakataon na gumawa ng hakbang na walang nagsasabi kung anong dapat kong gawin.” Pagpapaliwanag ko. Nahilamos ko na lamang ang aking mukha gamit ang dalawang palad. Tinapos ko na ang pag-uusap namin kahit alam kong may sasabihin pa siya. Basta ko na lamang ibinato ang reflefhone sa ibabaw ng aking higaan. Minsan, ang lalaking ‘yon ang hirap pakiusapan. Because of asphyxiation, nakalimutan kong pagbuksan ang kumakatok. Halos liparin ko ang kinatatayuan ko para lang makalapit sa pinto. Akmang bubuksan ko iyon ng may isang square flat device ang inilusot sa ilalim ng pinto kaya napahinto ako. Kinuha ko iyon at naglakad ako palapit sa upuan. Naupo ako at saka pinindot ang red button. Nagulat pa ako ng mabuhay ito, at sa gitna ay mayroong bilog na nagagawa ng ilaw at mula roon ay may lumabas na green light pataas. Kasunod niyon ay ang unti-unting pagkakaroon ng mga letra sa aking harapan. Nakaramdam naman ako ng kaba nang makita ko ang simbolong iyon sa pinaka-itaas na bahagi ng hologram. Iyon ay magkasag-op na crescent ovrey na nagliliwanag at ang paligid nito ay napapalibutan ng bituin na nagmimistulang korona. Makikita naman sa pinakagitna ng dalawang ovrey ang isa sa pinakamahalagang bato sa Majhavialitus na tanging isang tao lamang ang may kakayahang humawak at pangalagaan iyon, siya ang nakakasakop sa buong Majhavialitus at hawak niya sa kaniyang mga kamay ang kapangyarihang pakilusin ang buong batalyon sa iba‘t ibang ranggo at faction. Siya ang Highly Supreme Commander-in-Chief ng Majhavialitus. Ang nakapagtataka ay kung bakit pinadalhan ako ng ganitong holographic mail? Hindi kaya may nakakita sa akin kagabi? Napa ngiwi na lamang ako sa isiping iyon at mabilis na itinuon na lamang ang aking isip sa liham. “Greetings to all Majhavian, jivhavien amnidos (good day)! I am very very frolicsome and I was that c**k-a-hoop to announce that all Majhavian, men and women under of factionless—that are now ready to be part of their skill, mental capacity, capability and aptitude's chosen function, are expected to attend in one of the most important event in Majhavialitus, the Bivhiusa Amnada, where you can see and know which job, unit or faction you belong to. This is the right time to prove yourself throughout the Majhavialitus that you have something to be proud of. And by the way, I would like to announce also that the said event will be held at Pentagon Coliseum but the dates that given, one month had passed, are quite changed from two weeks into three days starting today. We all know the policy and bylaw written in writ. Once that you'll not there and we knew it. You’ll compulsory oust in the City of Majhavialitus. Again, jivhavien amnidos! —Speaker of the Khalcous, Gterkhi Parsqui” Matapos kong mabasa ang liham na may signature pa ng spokesperson, isang katanungan ang ngayon ay nagpapagulo sa aking isip . Bakit napaaga naman ata ang Bivhiusa Amnada? Paano ‘yon? Dahil sa buong akala ko na gaganapin iyon dalawang Linggo mula ngayon pero bakit ginawa nilang tatlong araw mula ngayon? Anong gagawin ko? Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa pagkairita. Kailangan ko ng maghanda para roon. Kung ‘di, baka bumagsak ako, at iyon ang ayaw kong mangyari. Nakakainis! Tumayo ako at naglakad palapit sa glass table. Ipinatong ko sa ibabaw nito ang device na naka-turn off na uli. Samantala, nagtungo naman ako sa kusina para maghanda ng makakain. Kaso wala akong makita kaya ininit ko lang ang pagkain na kinain ko kagabi dahil naubos na pala ang stock ko at hindi pa uli ako nakakapamili sa Mishju, isang sikat na pamilihan dito sa Majhavialitus. Dala ang pagkain ko na nakalagay sa may kalakihang bowl at isang glass ng liquid drink nang magtungo uli ako sa glass table at naupo sa nag-iisang upuan na nandito. Nagsimula na akong kumain total ako lang naman mag-isa rito sa aking quarter kaya wala na akong hihintayin pa. Nang matapos ako sa pagkain, inilagay ko ang mga pinaggamitan ko sa autowamachine para mahugasan ang mga iyon, kaagad naman akong nagtungo sa bathroom at mabilis na naligo. After a couple of minutes, walang saplot akong lumabas sa bathroom at nagtungo sa enterchangable phalus. Akma akong papasok sa loob ng mahagilap ng aking paningin ang isang maliit na remote na nakasabit lang sa dingding. Kinuha ko iyon at pinindot ang button. Mula sa simpleng pader, unti-unti itong umiikot from left to right. At sa huli, isang wardrobe ang bumungad sa akin. Napakunot ako ng kilay dahil dito. All along may wardrobe pala ako? Bakit ngayon ko lang ito nakita o baka sad’yang hindi ko lang napagtutuunan ng pansin ang remote. Muli kong pinindot ang button at kagyat na bumalik sa dating ayos ang lahat. Inilagay ko uli ang remote sa lalagyan nito at pumasok na ako sa interchangable phalus. Pinindot ko ang hugis tatsulok na pindutan at naramdam ko ang kakaibang liwanag na tumama sa aking balat at ini-scan nito ang buo kong katawan. Nang matapos ang lahat, lumabas na ako sa interchangable phalus at nagderetso sa aking silid para kuhanin ang reflefhone na nasa ibabaw ng aking kama. Nang madaanan ko ang malaking salamin na malapit sa bintana ng aking silid, saglit akong nanalamin doon. Katamtamang kulay cerulean na mata, wavy brunette long hair, and dark v-cleton raiment na binagayan ng isang dark jithus smooth pant and pair of qertou kind of shoes. Everytime I look at the mirror, hindi ko maiwasang mamangha at mapatanong sa sarili kung totoo ang nakikita ko mula rito. Ako ba ito? Pero kahit magsuot ako ng mga magagarang damit, wala pa rin akong pakinabang. Iwinaksi ko na lamang ang ideyang iyon dahil kung ‘di baka dumating ang panahon na tuluyan ko nang ikahiya ang sarili ko. Lumabas ako ng aking quarter at nagtungo sa sijhu. Ngayong araw, sisimulan ko nang magbasa-basa ng mga mahahalagang impormasyon na maaaring gamitin sa examination. Kaya ngayon, naisipan kong pumunta sa Public Impormative Building na nasa east side ng s'yudad para magconduct ng research. Nang marating ko ang harapan ng sijhu, huminga muna ako ng malalim. “Kaya ko ito!” Pagpapalakas ko sa aking sarili bago sabihin ang salitang “Open” . Nang bumukas na ang pinto, pumasok na ako sa loob niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD