Chapter Eight

1347 Words
"GO, STONE!" Napansin ni Kisa na nakakunot-noong napatingin sa kanya ang mga katabi niya sa bleachers. Marahil ay nalakasan ang mga ito sa boses niya kaya ganoon na langang pagkakakunot ng noo ng mga ito. Well, wala siyang pakialam sa mga ito. Friendly match nang araw na iyon ng Sunray at Empire University kaya kailangan niyang ibigay ang buong suporta niya kay Stone na sa unang pagkakataon ay maglalaro bilang miyembro ng starting line ng Sunray. "Kisa, mukhang maayos na talaga ang lagay mo, ha?" nakangising sabi ni Cloudie na katabi niya sa bleachers. "Oo naman. Maayos na si Mama at ngayon naman, nararamdaman kong lalo kaming napalapit ni Stone sa isa't isa," nakangiting sabi niya na hindi inaalis ang tingin sa court. Napatayo siya nang maagaw ni Stone ang bola mula sa kalaban. "Fighting, Stone!" buong lakas na sigaw niya. Dumako ang paningin niya sa orasan. Dalawang minuto na lang ang natitira sa game. Dalawang puntos pa rin ang langng Empire sa Sunray. Kailangang makatatlong puntos pa ang Sunray. Pinagdaop niya ang kanyang mga kamay. Kumakabog ang dibdib niya. Gusto niyang manalo ang Sunray dahil iyon ang unang laro ni Stone bilang miyembro ng starting line, kahit pa unofficial iyon dahil friendly match lang naman ang magaganap. Nakikita niyang nagsisikap nang husto si Stone. Ayaw niyang panghinaan ito ng loob. Go, Stone! Kaya mo 'yan! And there were only thirty seconds left! Sobrang bilis ng t***k ng puso niya. Halos pigilan na rin niya ang paghinga dala ng matinding antisipasyon. Napapaligiran si Snap ng dalawang naglalakihang players mula sa kabilang team. Mabilis na gumalaw ito at ipinasa ang bola kay Stone. Napasinghap siya. Walang nagbabantay kay Stone dahil halos lahat ng player ng kalabang team ay kay Snap nakatutok ang tingin dahil ito ang pinakamagaling na manlalaro. Then when there were only ten seconds left, Stone jumped and swiftly made a three-point shot. Napatayo at napasigaw silang mga taga-Sunray nang pumasok ang bola, kasabay ng pagtunog ng buzzer na senyales na tapos na ang laban. langang Sunray nang isang puntos sa kalaban. "We won!" sigaw niya. Nagkagulo na bigla sa court. Nagyakapan ang mga miyembro ng SBT at binuhat ng mga ito si Stone, dahil ang huling tira nito ang nagpanalo sa team. Hindi na nag-isip na nilundag niya ang metal railing na naghihiwalay sa court at bleachers. Inihanda na niya ang best smile niya para sana i-congratulate si Stone, pero bago pa siya makalapit dito ay kumapal na nang kumapal ang mga tao sa palibot nito. Halos mabunggo na nga siya sa dami ng mga estudyanteng lumapit dito. Ni hindi nga rin siya nito tinatapunan ng tingin. He was happy. Too happy to notice her. Parang ba binuhusan siya ng nagyeyelong tubig habang pinapanood ito. A painful realization suddenly struck her. Ngayong miyembro na ito ng special five at ito pa ang nagpanalo sa team sa match ngayon, hindi na ito si "Mister Bangko." Samantalang siya, nananatiling si "Miss Ugly Duckling." *** "KISA, ngayon ang interview ng classmates ko kay Stone, ha?" paalala ni Cloudie sa kanya. Nasa cafeteria sila noon kung saan hinihintay nila ang live broadcast ng interview ng Broadcasting Club sa mga miyembro ng SBT, partikular na kay Stone na siyang nagpapanalo ng laban. Dapat ay si Cloudie ang mag-i-interview sa SBT dahil ito ang pinakamatalinong Broadcasting student pero tumanggi ito dahil guwapo ang lahat ng miyembro ng SBT. Allergic si Cloudie sa mga guwapo. "Hindi ka ba masaya, Kisa?" nag-aalalang tanong ni Cloudie. Pilit siyang ngumiti. "Masaya. May iniisip lang ako." "Si Tita Klaris ba? Nagkasakit ba uli siya?" nag-aalalang tanong nito. Nakangiting umiling siya. "No, my mama's okay. Wala 'to. Huwag mo na lang akong pansinin." Hindi nabura ang pag-aalala sa mga mata nito, pero ngumiti ito. "Okay. Siguro naman gaganda na ang pakiramdam mo kapag napanood mo na si Stone." Isang pilit na ngiti lang ang isinagot niya rito. Napansin niya ang hawak nitong maliit na sobre na baby blue ang kulay. "Ano 'yang hawak mo, Cloud?" tanong niya. Biglang namula ang buong mukha nito. "Ahm..." Napasinghap siya. "OMG! Don't tell me, may nagbigay sa 'yo ng love letter?" Lalong namula ang magandang mukha nito. Kinilig siya para sa kaibigan. "So, sinagot mo na ba 'yong sumulat niyan?" Umiling ito. "Sino ba'ng nagbigay niyang sulat?" tanong niya. "Si A-Ashton." Kumunot ang noo niya. "Ashton who?" "'Yong nagsusuot ng mascot ng SBT." Naalala niya ang matabang lalaki na nasa loob ng mascot suit. Hindi ito bagay sa kagandahan ni Cloudie pero wala siyang balak na sabihin iyon sa kaibigan. Hindi rin kasi siya kagandahan at nakikita niyang masaya ang kaibigan niya. Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ni Cloudie. "Masaya ako para sa 'yo." Nginitian din siya nito. "Thank you, Kisa." "And now, let's have a little chat with SBT's new hero!" Sabay sila ni Cloudie na napalingon sa flat-screen TV sa cafeteria. On air na pala ang interview ng Broadcasting Club sa SBT, at si Monique pa ang nag-i-interview kay Stone. Sa gym lang ang setting ng interview. Nainis siya dahil magkatabi sina Monique at Stone. Nakakainis dahil bagay ang mga ito. Masakit sa puso habang pinapanood niya ang interview. Halos wala nga siyang maintindihan dahil sa matinding selos. "So, puwede ba naming malaman kung sino 'tong babae na tumulong sa 'yo na mapagbuti ang paglalaro mo at naging inspirasyon mo?" nang-iintrigang tanong ni Monique. Siniko siya ni Cloudie. "Kisa, ikaw 'yon, 'di ba? Ikaw ang tumulong sa kanya at ikaw rin ang inspirasyon niya," bulong nito sa kanya. Napangiti siya. Bigla ay nakalimutan niya ang nadaramang selos at napalitan iyon ng antipasyon. Pinasalamatan na siya ni Stone at sinabi na rin nito sa kanya na siya ang inspirasyon nito. It made her happy. Pero ngayong sasabihin nito iyon sa harap ng maraming tao, parang gusto niyang mag-cartwheel sa sobrang saya. Humarap si Stone sa camera. Hindi siya sigurado pero parang sumeryoso ang anyo nito sa kabila ng matipid na ngiting nakapaskil sa mga labi nito. "Iisang babae lang naman ang naging inspirasyon ko sa paglalaro at dahilan kung bakit napasama ako sa special five. Kung hindi dahil sa kanya, malamang na hanggang ngayon ay bangko pa rin ako." Napangiti siya. Ganoon din ang mga sinabi nito sa kanya noon. Tumingin si Stone kay Monique. "It's you, Monique. Ikaw ang naging inspirasyon ko para paghusayin ang paglalaro ko. Thank you. Thank you for coming into my life." Parang may tumarak sa puso niya kasabay ng panlalamig ng buong katawan niya. Pakiramdam nga rin niya ay nabingi siya sa mga narinig. A chorus of "Aww" erupted from the female students. Halatang kinikilig ang mga ito. Parang katumbas na rin kasi ng pagtatapat ang sinabi ni Stone. Halatang nagulat nang labis si Monique pero nagawa nitong makabawi agad at tumawa. "Kisa..." Hinawakan ni Cloudie ang kamay niya. Mukhang hindi nito alam ang sasabihin para aluin siya. Ngumiti lang siya at marahang binawi ang kamay niya mula rito. Tumayo siya at wala sa sariling lumabas ng cafeteria. "Kisa," tawag ni Cloudie sa kanya. Hindi na niya nakayang kontrolin ang emosyon. Tumakbo na siya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Masyadong masakit ang mga narinig niya. Hindi pala siya kundi si Monique ang inspirasyon ni Stone. Dinala siya ng mga paa niya sa parke ng unibersidad. Umupo siya sa lilim ng isang puno. Niyakap niya ang mga tuhod niya. Masyadong masakit ang ginawa ni Stone. "'Found you at last, Kisa." Napahinto siya sa pag-e-emote nang marinig ang pangalan niya. Tumingin siya sa nagsalita. Hindi kasi pamilyar sa kanya ang boses nito. "S-sino ka?" tanong niya habang pinupunasan ang mga luha niya. "I'm Oreo." Napaisip siya habang nakatitig sa itim na itim nitong buhok. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya na-realize na nakita na niya ito. "Ikaw 'yong nagtanong sa akin noon." "Yeah. And you congratulated me. You're weird." Sa pagkagulat niya ay tumayo ito at hinila siya patayo. "Uwi na tayo." Tinangka niyang bawiin ang kamay niya pero hinigpitan nito ang pagkakahawak doon. "Teka, sino ka ba talaga?" "I told you, I'm Oreo. And I'll be staying at your house." "What?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD