Chapter Twelve

1975 Words
STONE felt his heart shattering to pieces once more as he watched Kisa speeding away. Wala siyang magawa upang pahupain ang galit nito. Gusto niyang protektahan ito na huwag masaktan uli pero tama ito, kung mayroon mang mananakit dito, siya iyon. Kaya nga sa umpisa pa lang ay umiwas na siya rito. Dahil alam niyang magkakasakitan lang sila sa bandang huli. Pero matigas ang ulo niya. Kasintigas iyon ng puso niya. Hindi niya nagawang lumayo rito. Dahil kung gaano kasakit isipin na siya ang dahilan ng kalungkutan nito, ganoon din kasakit ang paglayo rito. And how could he stay away from her if every fiber of his being ached to be with her? "Tama ka, Kisa, ito talaga ang gusto ko. And now, Miss Ugly Duckling won't chase me anymore." Ngumiti siya nang mapait. "Pero wala na ring Kisa na magmamahal sa akin. Nakakatawa, hindi ba? Tinanggihan ko ang pag-ibig mo no'ng una pa lang. So why do I feel like I can't live without your love now?" Mga bata pa lang sila ay kilala na niya si Kisa. Kilala niya ito dahil sa mga litrato at kuwento sa kanya ng stepfather niya. Kaya nang makita niya ito sa Sunray University isang taon na ang nakararaan, alam na niyang ito ang batang inagawan niya ng ama. Natakot siyang malaman nito ang katotohanan dahil natatakot siyang masaktan uli niya ito, kaya naman naging suplado siya rito at itinaboy ito. He didn't deserve her love. Pero hindi pa rin niya naiwasang maging masaya sa ipinaparamdam nitong pagmamahal sa kanya. Naisipan niyang maging mabait dito dahil hindi rin niya kinayang makita na nasasaktan niya ito tuwing itinataboy niya. But he never expected that he would fall in love with her. Gayunman, ginawa niya ang lahat para pigilan iyon. He didn't deserve her. Wala siyang karapatang mahalin ito. Kaya nga nitong huli, pati si Monique ay ginamit niya upang pasakitan si Kisa para tuluyan na siyang sukuan nito. Alam ni Monique ang plano niya dahil nagpaliwanag siya rito. But in the end, he just hurt himself because he had hurt Kisa. Pagbalik niya sa condo unit niya ay naabutan niya ang kanyang stepfather na nakaupo sa couch. Nakayuko ito at pisil-pisil ang pagitan ng mga mata nito. Umiiyak ito. Na naman. Walang pagkakataong hindi ito umiyak tuwing ikukuwento nito sa kanya kung gaano nito kamahal si Kisa at kung gaano ito nagsisising nasaktan ang prinsesa nito. "Ang laki-laki na ng anak ko, 'no?" sabi nito. Marahil ay naramdaman nito ang presensiya niya. "Ang ganda-ganda niya. Hindi ko akalaing mayayakap ko uli siya. Kahit sandali lang 'yon, nayakap ko pa rin ang prinsesa ko. Stone, matagal mo na ba siyang kilala?" "Opo. Mula nang lumipat ako sa Sunray University isang taon na ang nakalilipas." "Bakit hindi mo sinabi sa akin?" "Dahil naisip ko na kung lalayo tayo sa kanya, hindi na natin siya masasaktan uli. Do you know how bright her smile was the first day I met her? She looked so happy. Natakot akong mawala 'yon. Noon pa lang, nakapagdesisyon na ako na mas gusto ko ang nakangiti niyang mukha. To protect her heart, naisip kong hindi magpakilala sa kanya. Nagkamali ho ba ako ng ginawa? Galit ho ba kayo dahil hindi ko sinabi sa inyo na nakilala ko na ang anak n'yo?" "Son, no. Hindi ako galit." Tumayo ito at lumapit sa kanya. "Pero ano ang ibig sabihin nito?" May kung ano itong pinahid sa pisngi niya, pagkatapos ay ipinakita nito sa kanya ang basa nitong daliri. Pinunasan niya gamit ang likod ng kanyang palad ang magkabilang pisngi niya. Hindi niya namalayan na umiiyak na naman siya. "Alam n'yo ho ba kung gaano kasakit para sa akin ang pigilan ang pagmamahal ko sa kanya dahil sa kasalanan ng mga magulang ko? I want to hug her. I want to touch her. I want to make her feel that I love her more than she loves me. Dammit! All I want is to be with her!" Niyakap siya nito. "I'm sorry, Stone. Kasalanan ko ang lahat ng ito." Umiling siya. "Naiintindihan ko naman kayo, Daddy. Ang mas masakit lang, 'yong sa kabila ng lahat, kahit alam ko noon na may isang batang nasasaktan at nangungulila dahil inagaw ko ang kanyang ama, nagawa ko pa ring maging masaya dahil kayo ang naging stepfather ko. Na nagpapasalamat pa rin ako dahil mahal n'yo si Mommy at inaalagaan n'yo kami." Ngumiti siya nang mapait. "I'm very selfish, aren't I? That's why I don't deserve Kisa. I don't, even though I love her." *** HINDI mapakali si Stone habang naghihintay sa labas ng drama club. Napansin kasi niya na buong araw nang nagre-rehearse ang mga miyembro niyon. Buong araw siyang nagbabantay sa labas kaya alam niyang hindi pa lumalabas si Kisa. Alam niyang wala siya dapat doon. Pero isang linggo nang hindi nagpapakita si Kisa sa kanya. Hindi siya sanay na hindi ito nakikita. Hindi siya mapakali. He wanted to see her. He needed to be near her, or else he would go crazy. Tiningnan niya ang mga plastic bag ng pagkain na hawak niya sa magkabilang kamay. Naisipan niyang magdala ng pagkain sa drama club dahil lagpas lunchtime na ay wala pang lumalabas sa mga ito upang kumain. Baka mangayayat lalo si Kisa. And of course, he wanted to see her. Kahit alam niyang itataboy lang siya nito. What could he do? Gusto niyang makasama ito kaya magtitiis siya kahit na itaboy siya nito palayo. Akmang kakatok na siya nang may magsalita mula sa likuran niya. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nalingunan niya ang lalaking kasama ni Kisa na nagpunta sa condo niya. Hindi niya ito gaanong nabigyan ng pansin noon dahil abala siya sa problema nila ni Kisa. Pero ngayon ay napaisip siya kung sino ito. "Sino ka?" "I'm Oreo," sagot nito bago dinilaan ang malaking lollipop na hawak nito. "And if you're wondering why I was with Kisa last week, well, it's because I'm a freeloader at her house." "What?" "Yes, you heard me right." Bumaba ang namumungay na mga mata nito sa mga hawak niya, bago sinalubong uli ang tingin niya. "'Tingin mo, sapat na ang 'props' na 'yan para makalapit ka kay Kisa? Baka daig pa niya ang ma-food poison kapag kinain niya ang mga pagkain na 'yan. She hates you. She hates everything that's got anything to do with you. She even hates the fact that she's breathing the same air as you are—" "Sapakin mo na lang kaya ako, pare?" naiinis na putol niya sa sinasabi nito. Alam na niya iyon kaya hindi na nito kailangang ipamukha sa kanya. Masakit kasi. Nag-peace sign ito sa kanya. "Gusto mo bang samahan kita sa loob?" "Pagkatapos ng mga sinabi mo, nagbago na ang isip ko." Iniabot niya rito ang mga bitbit niya. "Puwede bang ikaw na lang ang magbigay ng mga ito sa kanya? Kung ikaw ang magbibigay nito sa kanya, siguradong kakainin niya ang mga ito. Baka kasi kapag ako ang nagbigay, hindi niya tanggapin." Tiningnan siya nito nang matagal bago nagsalita. "Okay. Pero kailangan mo akong ibili ng isang bag ng lollipop pagkatapos. 'Yong iba't ibang flavor." This boy is so childish. Muntik na niyang itirik ang mga mata rito. Pero dahil may hinihingi siyang pabor dito ay pinigilan niya ang sarili. "Fine." Isinubo nito ang lollipop at kinuha mula sa kanya ang mga plastic bag. Sinundan niya ito ng tingin nang pumasok ito sa silid. Mula sa nakaawang na pinto ay nakita niya ito na lumapit sa grupo ng kababaihan na nakaupo sa gilid ng stage. Finally, he saw Kisa. His heart almost leaped out of his chest at the sight of her. Sa wakas, pagkatapos ng isang linggong paghahanap ay nakita rin niya ang mukha nito. Masaya siyang makita ito na nakangiti. Ayaw niya itong nakikita na umiiyak, lalo na kung siya ang dahilan. Paalis na sana siya nang magtama ang mga mata nila ni Oreo. At sa pagkagulat niya, bigla na lang nitong niyakap si Kisa! Gusto niyang sugurin ito at sapakin pero pinigilan niya ang sarili. "Kisa, bakit hindi ka pa nagla-lunch? Nag-aalala na 'ko sa 'yo kaya dinalhan ko na kayo ng pagkain," malakas na sabi ni Oreo. "Salamat, Oreo. Nag-abala ka pa." "I'm doing this because I love you." Nainis at nainggit siya dahil may kakayahan ang ibang lalaki na sabihin ang tatlong salitang iyon kay Kisa. Samantalang siya, tiyak na matinding sakit ang katumbas ng mga salitang iyon sa babae. Pero hindi rin iyon dahilan para tumunganga siya habang may karibal siya sa paligid. Nakakuyom ang mga kamay na naglakad siya papasok sa silid. Hindi niya pinansin ang nagtatakang tinging ipinupukol sa kanya ng mga miyembro ng drama club. Walang babalang hinila niya si Oreo palayo kay Kisa. Gulat na napalingon ito at ganoon din si Kisa sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo rito, Stone?" tanong ni Kisa. Inakbayan niya si Oreo. "Kailangan ko lang kausapin ang ugok na 'to." Hinila na niya palayo si Oreo. Pero nang may maalala ay binitawan niya ito at bumalik siya kay Kisa. "What?" nakataas ang isang kilay na tanong nito. He gently tucked the loose strands of hair from the messy bun behind her ear. "Kumain ka muna bago n'yo ipagpatuloy ang rehearsal. Sigurado akong gutom na kayong lahat kaya kumain muna kayo para mabawi n'yo ang lakas ninyo." "Wala kang pakialam—" "I know," putol niya sa pagtataray nito. Masuyo niyang pinunasan ang pawis sa noo nito gamit ang likod ng kanyang palad. "Pero pagdating sa kalusugan at kapakanan mo, makikialam at makikialam pa rin ako." Nang walang makuhang reaksiyon mula rito ay nagpaalam na siya rito. Hinawakan niya sa kuwelyo si Oreo at hinila ito palabas ng silid. Dumeretso siya sa unang tindahang nadaanan nila at ibinili ito ng dalawang balot ng lollipop. Pagkatapos ay dinala niya ito sa rooftop. "Ang unang balot na 'to ay pasasalamat ko sa 'yo sa pagdadala ng pagkain kay Kisa para sa akin." Iniabot niya rito ang isang balot ng lollipop. Nakasalampak sila ng upo sa sahig ng rooftop. "At ito namang isa pa—" "Kung may sasabihin ka, pakibilisan. May klase pa ako." "Ano ka ba ni Kisa?" "Manliligaw." There was that painful squeeze in his heart again. He should have known. Sa kabila ng peklat sa mukha ni Kisa, maganda pa rin ito. At kapag nakilala na ito nang husto ng isang lalaki, mare-realize nito na ang "ugly duckling" na babae ay isa palang "swan." Her kindness and her bright smile made her more beautiful. Nagpakawala siya ng hininga, nag-iwas ng tingin, saka nagkamot sa batok. "Ibibigay ko sa 'yo ang balot ng lollipop na ito kung mangangako kang aalagaan at poprotektahan si Kisa." "Ha?" "She may always be smiling, but she's actually a crybaby. She may appear confident, but she's a little insecure because of the scar on her face, so make sure to always make her feel beautiful, because she is. She may be loud and annoying sometimes, but she's actually very gentle. She's tough, but she's also vulnerable. "Siyanga pala, laging alas-otso ang uwi niya kaya parati mo siyang ihahatid sa bahay. Huwag mo siyang papayagang magmaneho pagkatapos ng rehearsals dahil siguradong pagod na siya." Natigilan siya nang maghikab si Oreo. Naiinis na hinila niya ang kuwelyo ng polo nito. "Nakikinig ka ba?" "Hindi." Kinutusan niya ito sa noo, na kagyat na inireklamo nito. "Kisa is the most beautiful, the sweetest girl with the biggest heart that I've ever met in my life, so I'll kill you if you hurt her, you lucky bastard." "You're in love with her, man." "Hell, yeah!" Napabuga siya ng hininga. "But I don't deserve her." "Why?" Umiling lang siya. Wala siyang balak ikuwento rito ang problema niya. He was a rival, after all. "Take care of her. I'll be watching you." "Okay. Just don't fall in love with me." "Die, bastard!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD