"Good Morning ate Lia!" bati sa akin ng katrabaho kong si Kelly.
"Good Morning Kelly!" masigla kong bati sa kanya saka ako ngumiti.
"Lia, may meeting daw tayo mamayang 9 am" sabi ni Mirna, isa sa mga katrabaho ko.
"Ok, thank you" sagot ko saka ako tumango at ngumiti.
Inilapag ko na ang aking bag at naupo sa aking upuan. Sinimulan ko na rin ang mga naiwan kong trabaho kahapon.
Makalipas ang dalawang oras, pinatawag na kami sa conference room para sa meeting namin.
"Good morning!" bati ng manager namin.
Tumayo naman kaming mga empleyado at bumati rin sa kanya.
"Good Morning Sir Kevin!" sabay-sabay naming bati.
"So, pinatawag ko kayo ngayon dahil may bago tayong kliyente. Within five minutes, darating na sila. Ito na ang chance natin." panimula niya sa amin, nagsi-tango naman kaming mga empleyado, bakas din ang nguti sa aming mga labi.
Isang architecural company ang pinapasukan ko. Isa ako sa mga Architect dito sa kumapnya. Malapit na kasing ipasara ang company na ito. Sa pagkaka-alam ko ay nababankrupt na. Last chance na namin ang kliyenteng ito. Kapag nakuha namin ito, hindi na itutuloy ng may-ari na ipasara ang kumpanya.
Naghintay kami ng halos sampung minuto at maya-maya pa ay bumukas na ang pinto sa conference room.
Hindi ko kaagad nakita ang itsura ng bago naming kliyente dahil nakatalikod ako sa pintuan ng conference room. Nang makita ko ang bagong kliyente, hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko.
"S-siya?" sabi ko sa isipan ko.
Pilit ko sanang itatago ang aking mukha ngunit huli na ang lahat.
"Mr. Perez, this is Ms. Salvador, one of our designers here in our team" pagpapakilala sa akin ni Sir kevin kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang ngumiti ngunit wala siyang naging reaksyon.
Ipinakilala pa ni Sir kevin ang iba pang empleyado at saka nagsimula ang aming meeting.
Lumipas ang oras at tapos na agad ang aming meeting. Hindi ito ganoong nagtagal dahil nagbigay lang naman siya ng ideas niya at ganoon din ang aming team.
"So, I'll go ahead Mr. Mendoza. I'll be back after a week" paalam ni Brent kay Sir Kevin saka siya nakipag hand shake. Bago siya lumabas ng conference room, napansin kong tumingin siya sa gawi ko ngunit hindi ko mabasa ang reaksyon ng mukha nya.
Nang makalabas siya, napahinga naman ako ng malalim.
"Lalim noon ate Lia ah" sabi ni Kelly. "Anyway, ang gwapo niya!" halatang kinikilig siya kay Brent at interesado siya rito.
"Gwapo nga, masama naman ugali" pabulong kong sabi.
"Ano ate Lia? May sinasabi ka ba?" Tanong nito sa akin.
"A-ah s-sabi ko tama ka, g-gwapo nga siya" pagsisinungaling ko.
Tumayo na ako sa upuan at saka naglakad palabas kasama si Kelly.
"May asawa na kaya siya?" sabi ni Kelly habang nakatingin sa cellphone niya.
"Siguro?" pagkukunwari ko.
Sa totoo lang, kasal pa naman talaga kami ni Brent. Wala akong pinirmahang annulment papers. Iba na nga lang ginagamit kong apelyido, instead na Perez, Salvador ang ginamit ko.
"Ate Lia!" sigaw niya at nagkunwaring umiiyak.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"'Yong status niya, married na" sumbong niya. "Ang swerte ng asawa niya. Gwapo na, mayaman na at siguradong mabait, sana ako na lang asawa niya"
nang masabi niya iyon, nasabi ko na lang sa isip ko na kung alam mo lang
"Ikaw ate Lia, sabi mk married ka, bakit di ko la nakikita asawa mo?" tanong niya sa akin.
"H-hiwalay na kami" pagkasabi ko ay lumampas bigla si Brent sa amin ni Kelly.
"s**t" napamura ako.
"Hiwalay? Bakit? Ano bang itsura niya? Gwapo ba?" sunod-sunod na tanong niya.
"Long Story"tipid kong sagot saka ko tinanaw ang direksyong tinatahak ni Brent.
"Akala ko nakaalis na yon, bakit nasa likuran ko" Mahina kong tanong sa sarili ko.
"Ate Lia!" sigaw ni Kelly sa akin. Bigla kong narealize na nakalampas pala ako sa area namin.
"Hayst Julia! Ano ba?!" sermon ko sa sarili ko saka tinapik ang noo ko.
"Saan punta mo ate?" natatawang tanong niya. "Sinusundan mo si Mr. Perez noh? Yieee ikaw ha! May gusto ka sa kanya noh? Sir Perez!" panunukso niya sa akin pero umiling lang ako pero ng tawagin niya ito at lumingon bigla akong nataranta at di alam kung saan ako magtatago.
"Kelly! Ano ba?" suway ko sa kanya.
"Ingat po kayo!" sigaw niya at nakita kong ngumiti ito sa kanya.
nakahinga naman ako ng maluwag nang tumalikod na ulit ito at nagpatuloy sa paglalakad.
"Kelly, nababaliw ka na" sabi ko sa kanya saka ako umupo sa aking pwesto.
"Grabe ate, kung makikita mo itsura mo di ko alam kung ano gagawin mo" tumatawa niyang sabi.
"Ewan ko sayo!" sabi ko saka ako nagpatuloy sa naudlot kong gawain kanina.