Isang linggo na ang nakalilipas mula noong nagkita ulit kami ni Brent. Ngayon, babalik ulit siya dito sa aming kumpanya upang tingnan ang mga nagawa na namin.
Sa totoo lang, kinakabahan ako sa mangyayari ngayon. Hindi ko kasi alam kung paano ba ako haharap sa kanya. Although wala akong kasalanan sa kaniya, hindi ko lang talaga alam paano oa haharap dahil sa nangyari 4 years ago.
Nang maalala ko ang nangyari, napaiyak akong muli at di alam ano ang gagawin ko kaya naman tumayo ako sa upuan ko at naglakad.
Hindi ko namalayan saan ako dinala ng mga paa ko. Napansin ko na kang nasa parking area na ako at napaupo saka umiyak nang umiyak.
"Are you okay, Miss?" Rinig kong may lalaking nagsalita ngunit di ako sigurado kung ako nga ba ang kinakausap niya kaya naman tumunghay ako.
"Ms. Julia?" Sabi ng lalaki kaya naman pinahid ko ang aking mga luha upang maaninaw ko siya ng maayos.
"Clarence?" Siya ang secretary ni Brent, isa sa pinaka malapit sa amin.
"Kumusta po? Bakit po hindi ko na kayo nakikita? Bakit po kayo umiiyak?" Sunod-sunod niyang tanong pero ako, patuloy lang sa pag-iyak.
Nang hindi ako tumutugon sa kahit na anong tankng niya, agad siyang kumapa kapa sa kanyang bulsa na tila ba may hinahanap.
"Ito, Ms. Julia. Punasan niyo po mga luha nyo" sabi niya saka iniabot ang panyo sa akin. Agad ko naman itong kinuha at pinunasan ang aking mga luha.
"T-thank you" nauutal kong sabi habang pinupunasan ang aking mukha.
"Ano po bang nangyari?" Takang tanong nya pa rin pero umiling lang ako at hindi nagsasalita.
"Clarence!" Rinig kong may sumigaw mula sa kalayuan at ang boses niya ay pamilyar sa akin.
"Sige po, Ms. Julia. Mauna na po ako hinahanap na po ako ni Sir Brent" hindi na niya ako inintay sumagot at naglakad na siya papalayo sa akin.
Ilang segundo pa ang lumipas bago ako tumayo at pinilit na pakalmahin ang sarili ko. Bago ako bumalik sa table ko, pumunta muna ako sa comfort room at inayos ang sarili ko saka ako bumalik sa table ko
"Finally, andito ka na!" Pagkasabi ni Sir Kevin ay bumuntong hininga ito. "Saan ka ba nanggaling? Bakit pugto ang mata mo? Ayos ka lang ba?" Dire-diretso niyang tanong.
Nakita ko na lumapit sa akin si Kelly. "Anong nangyari ate? Umiyak ka ba?" Tanong niya nang makalapit na siya.
"Ayos lang po ako. Pasensya na po Sir Kevin" sagot ko sa kanila.
"Sigurado ka ba?" Paninigurado niya saka ako tumango. "o siya, tara na sa conference room. Within 5 minutes nandito na si Mr. Perez" sabi niya na siyang ikinagulat ko.
"W-wala pa sila rito?" Nagtatakang tanong ko kay Kelly. Umiling naman ito. "bakit?" Saka niya ito tinanong.
"W-wala naman" sagot ko na lang saka kami nagpatuloy sa conference room
Ilang minuto matapos namin makarating sa conference room ay bumakas itong muli.
"Good day, Mr. Perez!" Bati ni Sir Kevin kay Brent.
"Same with you Mr. Mendoza and also to your employees" sagot ni Brent.
"Ms. Julia?" Rinig kong sabi ni Clarence at bakas sa boses nito ang pagkagulat.
"You know her?" Tanong ni Sir Kevin.
Bago pa makasagot si Clarence,nakita kong tiningnan siya ng masama ni Brent.
"Ahh, nagkasalubong kasi kami kanina sa baba" palusot niya kaya naman napahinga ako ng maluwag.
"At Lia, di mo naman sinabi iyong secretary pala ang tipo mo" pang-aasar ni Kelly sa akin.
"Baliw, hindi!" Sagot ko naman pero itong si Kelly, patuloy pa ring nang-aasar pero di ko na lang siya pinansin hanggang sa magsimula na ang meeting.
Ilang oras na ang nakalipas at nakapagpresent na kami ng mga progress sa bawat part namin. Oras na para malaman namin kung nagustuhan niya ba ang mga nagawa namin.
"What you think Mr. Perez?" Confident na sabi ni Sir Kevin.
"Well, the other parts are good. They made their parts better than may expectations. However, this woman's part" saka niya ako tinuro na siyang ikinagulat ko "I really don't like it" seryoso niyang sabi at di mo makikitaan ng kahit anong emosyon sa mukha.
"W-what?" Napasigaw ako sa pagkakasabi at napatayo.
"Yes, I don't like it. You didn't even meet my expectations" sarkastikong sabi niya
"How? Nagawa ko po lahat ng suggestions niyo and ideas na napresent namin noong first meeting" sagot ko
"You can't blame me Ms. whatsoever your name is. I really don't like yours" sagot niya pa saka siya tumayo at lumapit kay Sir Kevin habang ako napaupo. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.
"I'm sorry Mr. Mendoza but I think I'm not gonna continue this project with you and your team. Sa simpleng instructions hindi nasunod ng empleyado mo!" Sabi niya na siyang naging dahilan ng pagluha ko.
"Mr. Perez, please give us another chance" habol ni Sir kevin kay Brent.
"I'm sorry'' yon na lang nasabi ko sa mga katrabaho ko.
Maya maya narinig kong may pumasok sa conference room.
"I'm sorry sir kevin" sabi ko ngunit hindi ako makatingin sa kahit na sino sa kanila.
"My god! Dahil lang sa isang pagkakamali mo, nawala ang malaking kliyente sa atin!" Sigaw ni sir kevin sa akin pero hindi ako makapagsalita at patuloy lang akong umiiyak.
"Nagkamali siguro akong kinuha kita. I thought your the best but your not" sigaw niya pa.
"Sir, ginawa ko naman po ang gusto niya, iyon po ang sinuggest niyang designs before" sagot ko.
"Kung ginawa mo ang gusto niya then bakit ganito ang nangyari!" Sermon niya pa.
"I'll try to convince him" nagitla na lang din ako sa sinabi ko at alam kong di ko na mababawi pa ito.
"Then I'll give you a week para makuha ulit ang tiwala niya" sabi ni Sir Kevin saka siya lumabas ng conference room. Lumabas na rin ang iba pa naming katrabaho at naiwan kami ni kelly sa loob.
"Sige na kelly, bumalik ka nam baka madamay ka pa" sabi ko
"Pero ate--" di ko na siya pinatapos saka ako tumayo at humarap sa kanya.
"Sige na kelly, lalabas na rin naman ako at hahanapin si Mr. Perez" sagot ko saka siya tumango at naglakad palabas ng conference room.
Napahinga ako ng malalim saka ako tumayo at naglakad palapit sa table ko at kinuha ang aking bag. Nang makuha ko ito, nagpunta ako sa parking area, nagbabakasakaling maaabutan ko pa siya pero si Clarence na ang naabutan ko.
"Clarence" tawag ko rito saka naman siya lumingon sa akin.
"Ayos lang po ba kayo?" Tanong niya sa akin saka ako tumango. "Ngayon ko lang nakita si Sir Brent na ganoon" sabi niya pa.
"This is the second time na nakita ko siyang sumigaw ng ganoon sa ibang tao." Sabi ko naman.
"Anyway, nasaan siya?" Pag-iiba ko.
"Nasa condo unit niya po" sagot niya sa akin.
"Pwede ko bang malaman kung saan iyon?" Tanong ko pa.
"I'm really sorry Ms. Julia, bilin niya po kasi sa akin na huwag ipaalam kahit kanino kung saan siya naka-stay ngayon" sagot niya sa akin.
"Please Clarence, I just need to talk to him" pagmamakaawa ko.
"About po ba sa relasyon niyo?" Ramdam kong curious siya. "Don't get me wrong Ms. Julia. Simula po kasi noong hindi ko na kayo nakikita, si Maam Cindy po ang napunta sa office ni Sir Brent. Marami po tuloy balita sa company na hiwalay na kayo" pagpapaliwanag niya.
"No, it's about my work" paglilinaw ko. "Please, I promise I won't tell him na ikaw nagbigay ng address niya" pagpupumilit ko.
"Hay nako Ms. Julia, kung hindi ka lang po malakas sa akin." Saka siya kumuha ng maliit na papel at ballpen sa kanyang bag at may isinulat. "Ito po Ms. Julia. Promise niyo po na hindi niyo ipapaalam kay Sir Brent na ako ang nagbigay ng address niya" paniniguro niya.
"Salamat clarence" sabi ko habang tumitingin sa nakasulat sa papel.
"Sige po Ms. Julia, mauna na po ako" paalam niya at saka siya kumaway at naglakad palayo kaya naman kumaway na rin ako sa kaniya bilang pagpapaalam.
Tiningnan kong muli ang papel na ibinigay niya saka ako pumara ng jeep at pumunta sa address na nakasulat dito