Chapter 3

1669 Words
Nakarating ako sa condo na tinutuluyan ni Brent. Hindi ko alam kung saan sa mga co do unit dito sa building kaya naman lumapit ako sa front desk. "Good day, Ma'am! What can I do for you?" masiglang bati ng babae. "May bibisitahin kasi ako kaso hindi ko alam saan dito ang condo unit nya" sabi ko sa babaeng nasa front desk. "Ma'am may I know the name ng pupuntahan niyo?" tanong nito sa akin habang nakatingin sa monitor at nagtatype sa keyboard. "Brent Perez" pagkasabi ko ay bakas sa mukha ng babae ang pagkagulat. "Sorry ma'am pero may notice po kasi kami na hindi po siya tumatanggap ng bisita" sagot niya sa akin. "Ma'am, may I know kung kaano-ano niyo po si Mr. Perez?" habol niya pa. "Kliyente namin sya and I need to talk to him" sagot ko at tumango naman ang babae. "Sorry ma'am but as what I've said earlier, hindi po siya tumatanggap ng bisita. Pasensya na po ma'am, ginagawa ko lang po ang trabaho ko" pagpapaumanhin niya kaya naman wala akong nagawa. "ok lang miss. Thank you!" sabi ko saka ako naglakad palapit sa upuan sa may entrance ng building. Balak ko na lang siyang hintayin na lumabas ng building para makausap siya. Panigurado namang lalabas at lalabas siya ng unit niya. Ilang oras ang lumipas pero walang Brent na lumalabas ng building. "Mukhang mahihirapan ako dito" sabi ko sa isipan ko. Habang naghihintay ako sinubukan kong hanapin ang social media accounts nya. Desperada na kung desperada, pero ito lang naiisip kong paraan para makausap ulit siya kahit napaka sakit at napaka hirap para sa akin. Nakita ko ang account na ginagamit nya noon pa. Hindi siya masyadong nag uupdate sa account na ito. Ang huling pictures pa ay ang pictures ng mga kamay namin. "Gosh, bakit di mo oa binubura" sabi ko sa isip ko kahit alam kong di naman ako maririnig ni Brent. "Sir Brent, ito po ang schedule mo for tomorrow and later after lunch wala na po kayong schedule" nang marinig ko ito mula sa tauhan ni Brent napatayo agad ako. "Mr. Perez" tawag ko na nakakuha ng atensyon ng ibang taong kasama niya at siya naman ay tumigil sa harap ko. "Yes?" walang emosyong tanong niya. "Can I talk to you?" diretso kong tanong. "I'm sorry, I'm busy" sagot niya saka siya naglakad ulit palayo sa akin pero patuloy akong sumusunod sa kanila "But Mr. Perez--" hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ng hinarangan ako ng security guard niya. "I'm sorry ma'am, hanggang dito na lang po kayo" suway sa akin. Wala akong nagawa kundi ang masdan syang makaalis. Ilang araw pa ang lumipas at sa bawat araw, walang bagong nangyayari. Palagi ko siyang naaabutang umaalis sa building ng condo unit niya pero palagi niya ring sinasabi na busy siya. Gustong-gusto ko nang sumuko pero iniisip ko ang pinagtatrabahuhan ko. Ngayon andito ulit ako sa building ng condo unit niya. "Ang daming tao" bulong ko sa sarili ko. Inilibot ko oa ang mata ko at siniyasat ang mga tao doon. May mga reporter, at mga camera man. Siksikan ang mga tao. "Excuse me, Miss" sabi ko at saka ako sumiksik sa napakaraming tao hanggang sa makarating ako sa pinaka unahan ng kumpulan ng tao. "Miss, excuse me" saka ko kinulbit ang babae sa tabi ko at tumingin naman ito sa akin. "Anong meron? Bakit ang daming reporter?" tanong ko. "Bali-balita kasing hindi na sya itutuloy ang partnership ng kompanya ni Mr. Perez sa kompanya ng mga Hermoso" ang kompanya ng Hermoso ay ang kompanya ng pamilya nila Cindy. "Mr. Perez! Totoo po bang hindi na matutuloy ang partnership sa pagitan ng kompanya niyo at kompanya ng pamilya Hermoso?" tanong ng isang reporter. "Yes, that's right" maikling sagot niya. Nang makasagot siya sa unang tanong mas nagsiksikan pa ang mga tao at nagpupumilit na makalapit sa kanya. Kahit ako ay naiipit na ng mga tao hanggang sa natutulak na rin ako. Sa hindi inaasahan, naitulak ako ng malakas ng mga nasa likuran ko kaya naman nawalan ako ng balanse at natumba malapit kay Brent pero di nya ako napansin at nasambot dahil busy sya sa pagsagot ng tanong ng mga reporters. "s**t!" napamura ako. "Ms. Julia!" sigaw ni Clarence na nakakuha ng atensyon ni Brent. Agad naman akong inalalayan ni Clarence na makatayo pero mas lalo lang akong napilayan at natumba. Naramdaman ko na lang na biglang may humawak sa bewang ko at ramdam ko ring may bumuhat sa akin. Pagtingin ko sa gawi ng taong bumuhat sa akin, nakita kong si Brent ito kaya naman nagulat ako at di alam kung ano ang gagawin. "I-ibaba mo ako" nauutal kong sabi pero di siya nag-react. "Clarence, cancel my schedule for today. Also, send a doctor sa unit ko" sabi niya kay Clarence saka siya naglakad papasok sa loob ng building. "Ibaba mo na ako" pagpupumilit ko. "Kung kaya mong maglakad, ibababa kita. Kaya mo ba" sagot niya habang diretsong nakatingin sa daan. Tiningnan ko ang paa ko at sinubukang ikilos. "Ahh" iling ko. "Then I won't let you walk. Let me carry you" wala na akong nagawa kundi ang sumang-ayon. Maya-maya pa ay nakarating na kami sa harap ng unit niya at binuksan ito. Nang makapasok, inilapag niya ako sa isang sofa saka niya tinanggal ang coat niya at umupo sa harapan ko. Tiningnan muna niya ang paa saka niya tinanggal ang suot kong heels. "Silly!" mahina niyang sabi pero alam kong pinaparinig niya iyon sa akin. "I'm not!" mataray kong sabi. "If not, bakit ka naka heels?" sabi niya pa "kasi parte iyon ng trabaho ko" sagot ko. Bigla niyang iginalaw ang paa kong napilayan. "aray!" sigaw ko. Ramdam kong ano mang oras, papatak ang luha ko dahil sa sakit. "working hours pero nasa tapat ka ng building ng condo unit ko at nakikipagsiksikan sa mga reporters" sarkastiko niyang sabi. "kasi trabaho kong makumbinsi ka" diretso kong sabi. "convince saan?" takang tanong niya. "na mabigyan ng chance ang team namin for the project" sagot ko. "ikaw ang pinakamalaking kliyenteng hinawakan namin pero umatras ka dahil sa akin. Ako ang dahilan diba?" nanginginig ako habang sinasabi iyon. "tskk" sabi niya lang. Narinig ko biglang may kumatok sa pinto at tumayo naman siya at lumapit sa pinto. Sinilip muna niya kung sino ito saka binuksan ang pinto. "Good day, Mr. Perez!" bati ng doctor sa kaniya. "She's the patient" saka ako itinuro ni Brent at lumapit naman sa akin ang doctor. Nang matapos akong asikasuhin ng doctor, kinausap naman niya si Brent pero hindi ko na ito narinig dahil masyadong mahina ang mga boses nila. Narinig ko na lang na nagpasalamat si Brent sa doctor. "U-uuwi na ako" sabi ko at sinubukang tumayo. "no, you'll stay here. Binilin ng doctor na huwag ka munang maglalakad or even wear heels para mas mabilis na gumaling ang paa mo." suway niya sa akin. "Wala naman akong mapapala dito diba. Hindi naman din kita macoconvince na bigyan kami ng second chance for the project!" sabi ko saka ko pinilit na tumayo pero sa pag tayo ko bumagsak agad ang katawan ko sa sofa at napaupong muli. "ang tigas ng ulo mo!" sabi niya saka ako nilapitan at iniayos ang paa ko. "i told you, dito ka muna. You'll stay here hanggang sa gumaling paa mo. You want another chance for your team? Then stay here, magpagaling ka!" ramdam kong galit siya base sa boses niya pero ang gentle ng pagkakahawak niya sa paa ko habang inaayos ang pwesto nito para maging komportable ako. "then tell me, bakit ka umatras sa project between you and our company?" tanong ko sa kanya. Hindi ko na pinansin kung nandoon si Clarence ang mahalaga sa akin makumbinsi siya at malaman ang totoo. "you're right. It's because of you!" sagot niya saka siya lumapit kay clarence at may sinabi, si Clarence naman ay nakikinig lang at ng sabihin ni Brent na makakaalis na ito ay agad naman itong sumunod. Naglakad na siya papunta sa kitchen area at may kinuhang kung ano ano. Nang satisfied na siya sa mga nakuha niya, bumalik ulit siya sa kinauupuan ko at ipinatong sa lamesa ang mga pagkaing kinuha niya. "Here, kumain ka. Di ko alam kung ano ang gusto mo basta kumain ka, don't you dare stand up at umalis sa unit na to wala kang makukuhang second chance para sa team niyo" banta niya saka siya pumasok sa isang kwarto sa unit niya. Nagmatigas ako at hindi kinibo ang kahit na anong pagkaing inihain niya sa akin kahit pa nakakaramdam na ako ng gutom. Ilang oras ang lumipas at ala una na ng hapon. Maya maya pa ay "hanggang ngayon hindi mo pa rin kinakain? My god, Julia! Ginugutom mo ba ang sarili mo! Ala una na!" sermon niya sa akin pero ako nagmatigas na tila ba walang naririnig na nagsasalita. "tell me what you want para magkalaman ang tiyan mo?" naiirita niyang tanong saka kinuha ang cellphone at may tinatawagan na kung sino. "Clarence, come here" pagkasabi niya ay ibinaba na ulit niya ang tawag. "tell me Julia. What do you want?" ulit niya pa nang humarap siya sa akin. "gusto kong umuwi" sagot ko. "no. Dito ka titigil hanggang sa maging ok na ang paa mo" pagmamatigas niya. Hindi ko napigilan sarili ko at sumigaw ako dahil sa inis. "kung ayaw mo kumain bahala ka" sabi niya saka siya bumalik sa kwarto niya. Maya maya ay may narinig akong sigaw na ikinagulat ko. Gusto ko nang maiyak. Mali ata ang pinasok ko. Nakarinig ako ng door bell kaya naman sinubukan kong tumayo upang pagbuksan ito. Nang malapit na ako sa may pintuan narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ni Brent. "what the heck julia!" sigaw ni brent saka nagmadaling lumapit sa akin at binuhat ako. "ano bang ginagawa mo! Ang tigas ng ulo mo!" sermon niya sa akin. Ngayon, ramdam kong concern na siya. "Gusto ko lang naman buksan ang pinto, may nagdoor bell kasi" sagot ko naman. "tinawag mo dapat ako. What if lumala pa yang pilay mo?" ramdam ko ang sinseridad sa boses at mukha niya. Ibinaba niya ako sa upuan saka siya bumalik sa may pintuan at binuksan ito. "buy something na makakain" utos niya saka iniabot ang perang hawak niya. nang makarating ang pinabili niyang pagkain, napilitan na rin akong kumain. pagod na rin akong makipag talo kay Brent. lumipas ang oras at pareho na kaming nagpahinga. dito niya ako pinatulog sa loob ng kwarto niya. noong una hindi pa ako sang-ayon dahil kwarto niya ito pero pinilit niyang dito na ako sa kwarto niya matulog at doon na lang siya sa sofa sa labas. humiga na ako at maya maya naramdaman kong dinadalaw na ako ng antok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD