Naramdaman kong may tumatamang liwanag sa mukha ko kaya naman unti-unti kong iminulat ang mata ko.
"umaga na pala" mahina kong sabi.
"good you're awake" nagulat ako ng may narinig akong nagsalita kaya naman napabalikwas ako sa pagkakahiga.
"here, kumain ka na ng umagahan after that we'll talk" sabi niya saka siya naglakad palapit sa pinto.
"wait" sabi ko saka siya tumigil sa paglalakad at humarap sa akin. "about what?" tanong ko ng makaharap na siya sa akin.
"about your work" sabi niya saka siya tumalikod muli sa akin at lumabas ng pinto.
Sinimulan ko nang kainin ang dinala niyang breakfast.
"in fairness masarap" sabi ko sa isipan ko habang kumakain.
Balak ko sanang maligo kaso narealize ko, wala akong damit sa condo unit niya. Nahihiya naman akong manghiram sa kanya baka isipin kasi niya tine-take advantage ko ang pagtigil ko rito kaya nagpalipas muna ako ng ilang minuto at nag-isip kung paano ako makakaligo.
Habang nag-iisip ako, narinig kong may kumakatok. Tatayo na sana ako ng biglang bumukas ang pinto. .
"here" tinaas niya ang kamay niyang may paper bag. "maliligo ka na ba?" tanong niya habang inilalapag ang mga paper bag na dala niya.
"s-sana kaso wala akong gamit" sagot ko naman.
"here, nandito ang mga pinabili kong damit for you. You can use all of it" sabi niya.
Naglakad siya palapit sa akin saka ako binuhat na parang bagong kasal.
"san mo ako dadalhin" nagtatakang tanong ko.
"you said you were about to take a bath." sagot niya sa akin at dinala nga niya ako sa CR.
"thank you" hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko dahil nakalabas na siya ng banyo.
Matapos kong maligo, agad naman akong nagpunas ng katawan at nagtabing ng towel.
"Are you done?" rinig kong sabi niya matapos niyang kumatok.
"Ahh yeah" sagot ko naman.
Biglang bumukas ang pinto ng banyo, buti na lang at nakapagtabing ako ng towel sa katawan ko.
"Bakit ka pumasok?" tanong ko.
"Sabi mo tapos ka na" sagot niya sa akin habang inilalapag ako sa kama. "Tawagin mo na lang ako kung tapos ka na then let's talk" sabi niya saka siya naglakad palabas ng kwarto.
Nang matapos na akong magbihis, nagdadalawang isip ako kung tatawagin ko ba siya o lalabas na lang ako. Sa totoo lang kaya ko naman maglakad, siya lang itong ayaw akong paglakarin.
"Makapag-alaga sa akin akala mo may pake pa siya" Bulong ko habang nagsusuklay ng buhok.
"Kaya ko naman maglakad" tila ba nagsusumbong ako sa hangin
Narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto at pagtingin ko sa gawi ng pinto, nakita kong naglalakad na siya palapit sa pwesto ko.
"Kumusta ang paa mo?" tanong niya habang sinusuri ang paa ko.
"Ok naman, kaya ko na makalakad. Pwede na akong umuwi" sagot ko habang patuloy na sinusuklay ang buhok ko.
"No!" may awtoridad niyang sabi saka siya tumingin sa akin. "Kahit nakakalakad ka na, dito ka pa rin tutuloy sa condo ko" sabi niya habang seryosong nakatingin sa akin. "Naiintindihan mo ba?" sa tono niya, nangibabaw ang takot na nararamdaman ko.
"After the other day, uuwi na ako" natatakot kong sabi
"No, dito ka titigil" pagmamatigas niya.
"Ang usapan lang naman natin ay hanggang sa gumaling ako diba? Nakakalakad na ako ngayon, bakit hindi pa rin ako pwedeng umuwi?" naiirita kong tanong.
"I said no" tipid niyang sabi.
"Ano ba Brent!" sigaw ko na siyang naging dahilan ng pagtingin niya sa akin. "Ang gulo mo naman! Sabi mo ayaw mo akong katrabaho! ni-reject mo ang pinagpaguran ng mga katrabaho ko! Tapos ngayon ayaw mo akong pauwiin? Ano bang gusto mo!" nararamdaman kong nangingilid na ang mga luha ko pero nagpatuloy lang ako. "Gusto mong mag resign ako doon? Fine! Kung galit ka sa akin, huwag mo naman idamay ang ibang tao!" sigaw ko pa bago ako tumayo at pinilit na makalakad palabas ng condo unit niya dala ang bag ko.
Naririnig kong tinatawag niya ako pero hindi ko siya pinansin. Dire-diretso lang akong naglakad kahit nararamdaman ko na ang sakit ng paa ko.
Pagdating ko sa bahay, bumagsak na ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan kaya pumunta na ako sa aking kwarto at doon namalagi hanggang sa nakatulog ako.
Kinabukasan, nagising akong pugtong-pugto ang aking mga mata dahil sa pag-iyak kahapon.
Pagtingin ko sa oras ay ala-sais na ng umaga kaya naman nag-ayos muna ako ng aking sarili bago ako pumunta sa opisina.
Nang makarating sa opisina, naabutan ko si Sir Kevin sa may table ko.
"Good morning, Sir" matamlay kong sabi. "Sir, ito po ang resignation letter ko. Pasensya na po, hindi ko nakumbinsi si Mr. Perez. Hindi ko na po hihintayin na pumayag kayo, aalis na rin po ako." sabi ko saka kinuha ang papel mula sa bag ko at inilapag ito sa lamesa.
"Salamat po sa pagtanggap sa akin" sabi ko bago ako tuluyang lumabas ng kumpanya.