"Anak, kumain ka na." tawag sa akin ni nanay pero hindi ako kumibo.
"Sige na anak, kumain ka na para makainom ka na ng gamot mo" pagpupumilit ni nanay.
Nakita ko ang pag-aalala ni Mama sa akin kaya naman pinilit kong kumain.
"Salamat po" sabi ko noong matapos kong kumain.
"Sige na, mahiga ka na ulit" sabi niya saka ako inalalayan na makahiga.
Hanggang ngayon, sinisisi ko pa rin ang sarili ko sa nangyari dalawang araw na ang nakalilipas.
Narinig kong may kumakatok sa aking kwarto kaya naman pinilit kong makatayo kahit medyo nahihirapan ako.
"Pasok po" sabi ko nang mabuksan ko ang pinto ng kwarto ko.
Inalalayan naman ako ni Mama na makabalik sa kama.
"Anak, uuwi muna ako. Tumawag ang tatay mo, pinatatawag daw kami sa school ng kapatid mo" pagpapaalam ni mama.
"Sige po, Ma. Kaya ko naman na po sarili ko." sabi ko naman.
"Siya sige anak, mag-aayos muna ako ng gamit ko" sabi ni mama saka siya lumabas ng kwarto.
"Anak, aalis na ako. Dito ka na lang ba sa kwarto mo o gusto mo sa baba" tanong ni mama.
"Sa baba na lang po ako" sagot ko saka naman lumapit si mama at inalalayan akong makatayo hanggang sa makababa ako ng hagdan.
"Hindi ko na po kayo maihahatid. Ingat po kayo" sabi ko saka tiningnan si mama maglakad palapit sa pintuan.
"Tita" bati ng isang pamilyar na boses nang mabuksan ni mama ang pinto
"Oh Kelly, anong ginagawa mo rito?" tanong ni mama.
"Kelly?" bulong ko naman. "Anong ginagawa niya rito?" sabi ko pa.
"Si ate Lia po?" tanong ni Kelly.
"B-Brent?" rinig kong sabi ni mama.
"B-Brent?" ulit ko naman. pinilit kong silipin kung sino ang nasa labas upang makumpirmang tama bang si Brent nga ang nasa labas.
Nagtama ang mata namin ni Brent, nang makita niya ako ay pumasok siya sa loob ng bahay at lumapit sa akin.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Brent. "Kelly, bakit mo siya kasama?" baling ko kay Kelly.
"Ate, sorry dinala ko si Mr. Perez dito ng walang paalam sa iyo. Gusto ka raw niya maka-usap" paghingi ng paumanhin ni Kelly sa akin.
"Huwag mong sisihin si Kelly, ako ang nagpumilit na samahan ako rito" sabat ni Brent.
"Julia, anak maiwan muna kita. Pasensya na anak. Brent, ikaw muna ang bahala kay Julia" paalala ni mama kay Brent.
"Opo" sagot ni Brent saka siya tumayo at tinawag si Clarence. "Clarence, pakihatid si mama" utos niya kay Clarence at agad naman itong sumunod.
"Ate Lia, Mr. Perez, mauna na po ako. Maiwan ko na po kayo." paalam rin ni Kelly, tumango naman si Brent saka umalis si Kelly.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko sa kanya pero hindi ako tumitingin sa gawi niya.
"Kumusta ang paa mo?" tanong niya pero hindi ako sumasagot.
"Anong ginagawa mo rito?" may diin sa bawat salita ko. "Kung wala kang kailangan, makaka-alis ka na" taboy ko sa kanya pero para siyang walang naririnig.
"Brent ano ba?!" sigaw ko. "Kung wala kang kailangan, makaka-alis ka na!" sigaw ko pa.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin?" tanong niya na nakapagpatingin sa akin sa gawi niya. "Bakit hindi mo sinabing nagka-anak tayo" nakita kong nangingilid na ang luha niya.
Nang marinig ko ang salitang anak, naalala ko bigla ang nangyari apat na taon na ang nakalilipas.
"Anak ko" mahina kong sabi at ramdam kong ano mang oras, papatak na ang luha ko.
"Anak ko" ulit ko pa at tuluyan nang pumatak ang luha ko.
Ilang beses ko pang inulit sabihin ito hanggang sa nagdilim ang paningin ko.
Sa pagmulat ko, ramdam kong may nakahawak sa kamay ko kaya tiningnan ko kung sino ito.
"Mabuti naman at gising ka na" mahinahon niyang sabi. "Gusto mo bang kumain?" tanong niya.
"Saan mo nalaman?" agad kong tanong pero di siya sumasgaot. "Saan mo nalaman?!" pasigaw kong tanong.
"Kay Kelly ko nalamang nabuntis ka" sagot niya. "Huwag kang magalit sa kanya. Hindi niya naman sinasadya na mabanggit sa akin" depensa niya.
Nagsimula muling mangilid ang luha ko. Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakaka-move on sa nangyari sa anak namin.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin? Bakit hindi mo ipinaalam?" mahinahon niyang taning habang hawak-hawak ang kamay ko.
"Paano ko sasabihin sa iyo? Hindi ba sinabi ko sayo noong pinaalis mo ako na kakalimutan kita!" sagot ko sa kaniya.
"Ama pa rin ako ng bata!" umiiyak niyang sabi.
"Simula noong pinaalis mo ako, kinalimutan kong ikaw ang ama ng bata" sagot ko.
"Nasaan ang bata?" taning niya na nagpa-iyak sa akin ng malala.
"W-wala na ang b-bata" hagul-gol kong sabi.
"W-wala n-na?" paninigurado niya kaya naman tumango ako.
"B-bakit? A-anong nangyari?" taning niya pa.
"Naaksidente ako" sagot ko. "Sorry" umiiyak kong sabi. "Sorry hindi ko naalagaan ang bata" sabi ko nang bigla siyang tumayo.
"Kilala mo kung sino?" Tanong niya kaya tumango ako. "Sino?" sabi niya pa.
"S-si Ella" sagot ko.
"Ella Hermoso?" tanong niya.
"Oo" saka ako tumango.
"Kasalanan ko ito!" bulong niya pero sapat na para marinig ko.
Napabangon ako sa kinahihigaan ko nang makita kong sinasampal niya ang sarili niya.
"Brent!" tawag ko sa kanya pero hindi niya ako nililingon.
"Brent, stop" pigil ko sa kanya habang iika-ika akong naglalakad palapit sa kanya.
"Brent stop" ulit ko noong nakalapit na ako sa kanya saka ko siya niyakap.
"Stop hurting yourself" sabi ko habang inaalo at pilit na hinahawakan ang kamay niya upang hindi na niya masaktan oa ang sarili niya.
"I'm sorry" bulong niya saka niya ako niyakap pabalik. "I'm sorry because of me, we lost our child. I'm sorry, wala ako noong nagluluksa kang mag-isa" habang sinasabi niya ito, mas humihigpit ang pagkaka-yakap niya at ramdam kong unti-unting nababasa ang aking damit.
"shh" alo ko sa kanya.
"I know masakit para sa iyo na malamang wala na ang baby natin. Masakit pa rin para sa akin. Pero mas masakit na hindi ko nakamit ang hustisya para sa bata" sabi ko habang tumutulo ang aking mga luha at tina-tap ang likod ni Brent.
"I'm sorry" hingi niya ng tawad. "I'm sorry for everything, Julia" sabi niya pa.
"Aaminin ko nasaktan ako. Pero mas nasaktan ako noong nawala ang baby natin" sabi ko.
Kumalas na ako sa pagkaka-yapak sa kanya at pinunasan ang aking mga luha, siya naman ay lumabas ng bahay. Umupo na ako sa upuan habang inaantay siya kahit hindi ko sigurado kung babalik pa siya.
Aaminin ko, umaasa pa rin akong magkakabalikan kami. Siguro nagalit ako noon noong hindi. niya ako pinakinggan pero alam kong nasaktan siya noong hindi ko sinabi ang tungkol sa bata. Kahit paano, mag-asawa pa rin kami. Kahit ano ang gawin ko, ama pa rin siya noong bata.
Malapit nang sumapit ang gabi ngunit hindi pa rin siya bumabalik. Hindi ko alam kung bakit inaantay ko siya kahit hindi ako siguradong babalik pa siya.