NANG mga sumunod na araw, halos hindi mawalan ng kasama si Alana sa ospital. Napakarami niyang naging bisita. Muli niyang naramdaman ang pagmamahal at pagmamalasakit ng maraming tao para sa kanya. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang maayos si Ma’am Bernadette. Alam niya na nasindak ang ginang sa nangyari at kailangan ng panahon para ganap nitong makalimutan ang pangyayari. Hindi siya gaanong nag-aalala dahil alam niyang matapang at matatag na babae si Ma’am Bernadette. Idinetalye ni Ma’am Bernadette sa kanya ang nangyari sa pagkamatay ni Sally. Sobra pa rin niyang ikinagulat ang mga bagay-bagay kahit may maliit na bahagi sa kanya ang naniniwala na hindi kailanman nawala ang pagmamahal ni Sir Ernest kay Ma’am Bernadette. “Bibigyan n’yo po ba siya ng pagkakataon o buo na ang desisyo

