NGINITIAN ni Alana si Andres nang tumabi ang binata sa kanya sa wooden bench. Nasa magandang hardin siya ng ospital. Mamayang hapon ay puwede na siyang i-discharge. Gaya noong unang beses silang nagkausap sa magandang lugar na iyon, suot ni Andres ang doctor’s coat. Hindi niya napigilang humanga habang pinagmamasdan ang kabuuan nito. He must be the hottest doctor in that hospital. “Nakangiti ka na naman,” puna ni Andres. Mukhang ikinatutuwa nito ang bagay na iyon. Walang mabakas na pagtataka o pagtatanong sa ekspresyon ng mukha nito. “Hindi na kunwari ngayon. Hindi na rin nakakapagod,” sagot ni Alana. “I feel so much lighter. Safer. Happier.” “I’m glad. How’re you feeling?” “Akala ko nasagot ko na ang tanong na `yan? I’m happy.” “I meant physically.” “Maayos ang recovery ko both phys
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


