“BRILLIANT.” Isinatinig ni Caleb ang nararamdamang pagkamangha ni Meripen habang nakatingin sa dalawang locations sa gamit na computer ng kaibigan. Ang dalawang locations na iyon ang posibleng kinaroroonan ni Sally, ang lugar na pinagdalhan nito kina Alana at Madame Bernadette. Wala pang kasiguruhan ang lahat pero nakakamangha pa rin. Halos sabay silang napatingin ni Caleb kay Nathaniel Perez III na abala sa hawak na tablet. Mas komportable ang lalaki sa tawag na “Tres.” “It’s a simple connect the dots. Inductive, reductive, and deductive logic, people. And mathematics. Not a big deal. Siguro naman lulubayan n’yo na ako ngayon?” sabi nito at nag-angat ng tingin. “I can go now? My job is done.” Hinayaan na ni Meripen si Tres na umalis ng bahay ng mga Tolentino. Totoong connect the dots a

