CHAPTER 8

405 Words
VICTORIA Nagising na lang ako na madilim na sa labas, umupo ako nang mapansin ko na nasa sariling kwarto ako. Binuhat ba ako ni Jaden papunta dito? Bumangon na ako at nagbihis ng panibagong damit. Pakiramdam ko nanlalambot ako sa nangyari at masakit ang ibabang parte ng katawan ko. Narinig ko na lang na tumutunog yung phone ko, kinuha ko sa side table at napakagat labi ng makita ko kung sino ang caller. Si Louie Ngayon lang ulit sumagi sa isip ko yung tungkol sa nangyari kanina. Nangingilid yung luha ko. s**t! What I have done. Sinagot ko na yung tawag. "Hello Baby." "Hey Mi Amor, how are you?" Pagkukumusta nito. Pasimpleng pinunasan ko yung luha ko. "I'm fine. How about you, Baby?" "I'm fine, Mi Amor. You don't look okay." "I'm okay. I just want to say sorry." "For what?" Nagtatakang tanong nito. Natawa ako ng mahina, "Basta. I just want to say sorry." In advance. "Mi Amor, it's okay. Don't say sorry. By the way next next week I'll be there." "For what?" Nagtatakang tanong ko. "I just want to stay with you before we return here." Tumango na lang ako na para bang nakikita niya ako. "Okay it's fine with me. I need to hung up now baby." Pagpaalam ko bago pinatay yung tawag. Binuksan ko yung pintuan ng kwarto ko, nang makita ko si Jaden na sobrang dilim ng expresyon. "Who's the caller?" "It's nothing." It's my fiancèe. "Liar." Matigas na sabi nito. "Why are you acting like that? Diba we're fine? Don't be jelous like you're my boyfriend." Tinignan niya lang ako ng napakalamig. "You give yourself to me." "So? It's just normal." Sinungaling! Ngumisi ito. "You're mine already. Remember that." Malamig pa din na sabi niya bago ako iniwan. Napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi niya. Umiling na lang ako at bumaba. "Ang hirap intindihin ng matandang yon." Mahinang bulong ko sa sarili ko at napapailing na lang. Pagkababa ko hindi ko na nadatnan pa si Jaden, mukhang umuwi na sakanila. Dumeretso ako sa kusina at may nakita akong nakaprepare na Carbonara. "Did he cooked for me?" Tanong ko sa sarili ko. Napailing na lang ako. Baka mapagkamalan akong baliw nyan dahil kinakausap ko yung sarili ko. Wala sa sariling umupo ako at kumain. Napapikit na lang ako dahil sa nalasahan ko. So creamy and so much delicious. Hindi ko akalain na marunong palang magluto ang matandang 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD