NAGISING na lang ako na katabi ko si Jaden, wala sa sariling napahawak ako sa mukha niya.
Ang gwapo niya..
Napailing na lang ako, tumayo na ako at nagbihis. Lumabas na ako dala ang phone ko, pumunta ako sa may garden ng bahay ni Jaden.
Umupo ako doon sa may bench habang nakatingala. Gabi na kasi ng magising ako at napakadaming bituin. May nakita akong falling star. Pumikit ako.
I wish, hindi ito malaman ni Louie.
I betrayed him, again. Nakakaatempt kasi talaga si Jaden lalo na pag sobrang lapit niya sa akin. Nakakalimutan ko si Louie, nakakalimutan ko na may nobyo pala ako.
Itexted him pero wala pa akong nareceive na text mula sakanya, maybe he busy right now.
Naramdaman ko na lang na may umupo sa tabi ko, tumingin ako sakanya.
"Bakit hindi mo man lang ako ginising?" Bungad na tanong niya sa akin.
"Ang sarap kasi ng tulog mo, kaya hindi ko na ginawa pang gisingin ka." Paliwanag ko.
"But still, you should wake me up next time."
"So may next time pa?"
Tumingin ito sa akin. "Of course, many next time will do." Sabi nito.
Napailing na lang ako. "Ewan ko sayo."
"Victoria?"
"Hmm?"
"Can we stay like this, until you return to Greece?"
"Why?" Nagtatakang tanong ko.
"Nothing, can we?"
Tumango na lang ako. "Okay, it's that what you want. I'm okay with that." Sagot ko, kahit hanggang hindi pa uuwi dito si Louie.
***
KINABUKASAN maaga na naman akong nagising gaya ng nakasanayan ko.
Ngayon na kasi aalisin yung semento sa kamay ko, para makakilos na din ako ng maayos.
Hindi naman ako hinayaan umuwi ni Jaden kaya nagbaon na lang ako ng damit ko.
Nakaupo ako habang hinihintay si Jaden, nasa itaas pa kasi ito dahil may kausap siya.
Hindi ko naman alam kung sino iyon, pero sa narinig ko mukhang nagtatalo ito at ang kausap niya. Kaya hinayaan ko na lang siya.
Baka importante lang talaga kaya nakuha niyang makipagtalo.
Napatayo at ng mapansin ko na pababa na si Jaden. Tumingin ito sa akin. "Let's go." Sabi nito at naunang lumabas.
Sumunod naman ako at sumakay na din sa kotse. Habang nasa biyahe kami minsan tumitingin ako sakanya.
"Bakit ganyan ang mood mo?" Biglang tanong ko.
"Nothing." Tipid na sagot niya.9
Humarap ako sakanya kahit nagmamaneho siya. "I don't believe you. Naririnig pa nga kita na nakikipagtalo sa kausap mo e."
"It's nothing, okay? Just shut up." Giit nito.
Hindi na ako nagsalita hanggang makarating kami sa hospital kung saan siya nagtatrabaho.
Nauna na akong lumabas ng kotse at nauna na din akong pumasok sa loob ng hospital.
Pumunta ako sa nurse station, nang may humila sa kabilang kamay ko.
"Ano ba!" Pagpupumiglas ko.
"Let's go, ako ang mag-aalis ng semento sa braso mo."
"No need, sa iba ko na lang ipaalis." Masungit na sabi ko.
"Don't be hard headed, woman." Sabi nito.
Hindi na ako umimik at tahimik na nagmasid habang inaalis yung semento sa kanang kamay mo.
Ilan minuto pa ang hinintay ko bago talaga naalis sa braso ko, unti-unti kong ginalaw ang braso ko.
Buti na lang. Piping sabi ko sa isip ko.
Tumayo na ako at lalabas na sana ng pigilan na naman niya ako.
"What?"
"Look, I'm sorry about earlier. I'm just pissed off." Paliwanag nito.
Humarap ako sakanya. "Kaya nga tinanong kita, di ba? I want to know why you're like that but no need." Sabi ko bago tumalikod at iniwan siya sa clinic niya.