CHAPTER 12

815 Words
Pag bukas ko ng pintuan, natigilan ako ng makita ko kung sino ang nasa harapan ko. "What do you need?" Bungad na tanong ko. "I just missed you." Pagdadahilan nito. Napairap ako dahil sa sinabi niya. "Wala akong oras para makipaglokohan sayo." Masungit na sabi ko bago ko siya iniwan. Umakyat ako at dumeretso sa kwarto ko, kailangan ko kasing umalis ngayon para bumili ng gamit dito sa bahay. Tumagal ako ng 5 minutes dahil sa paghahanap ng damit na isusuot ko. Nagulat na lang ako ng bumukas yung pintuan ng kwarto ko. "Hanggang kailan mo ba ako hindi kakausapin? Please, Victorie, talk to me." "I don't have time for that." Sabi ko at nilagpasan siya. Bumaba na ako habang inaayos ko yung buhok ko. Paalis na sana ako ng makarinig ako ng sigaw, nagmumula sa taas. "VICTORIA!" Sigaw nito. Pababa ito mula sa hagdan, ng makapalit siya sakin tinitigan niya ako ng masama. "Ano ba?" Mainahon na tanong ko. "Magtanong ka pa! Palitan mo yung panloob mo. Masyadong malaki yang foam ng bra mo!" Pautos na sabi niya. Napairap naman ako. "Seriously tanda? Ano ka ba naman. Anong magagawa ko kung ganito yung foam ng bra ko." Sabi ko sakanya. Nagulat na lang ako ng hilahin niya ako papunta sa hagdan at pinipilit na pumunta sa taas. "MAGPALIT!" Galit na sabi nito. Huminga ako ng malalim, bago pumunta sa itaas. Yung matandang yon! Ang arte, ganito na kaya ako noo. Kainis! Napansin ko kasi kanina ng matapos akong magbihis na nakatingin siya sa hinaharap ko. Pervent old man.. "Arte naman ng matandang 'yon!" Naiinis na sabi ko habang nagpapalit ng panloob. Nang makapagpalit na ako ng panloob, bumaba na ako at napansin naman kaagad ako ni Jaden. Bumaba ang tingin nito sa dibdib ko. "Sigurado ka ba na nagpalit ka ng panloob?" Tanong nito. Lumapit ako sa kanya. "Oo naman, ano ba sa tingin mo hindi ako nagpalit? Saka baka nakakalimutan mo naiinis pa din ako sayo, hanggang ngayon." "I know that you are mad at me. Saka parang hindi ka naman nagpalit ng bra." Napairap ako. "Wala akong magagawa, kahit anong gawin ko ganito ito." Pagdadahilan ko. Napatawa ako ng sinamaan niya ng tingin ang dibdib ko. "Bakit naman kasi napakalaki ng dibdib mo? Kulang na lang hindi na kita palabasin dito sa bahay mo e." "Kasalanan ko ba na biniyayaan ako ng Diyos ng hinaharap?" "Hindi syempre. Subukan mo kaya na maluwang na damit ang isuot mo?" Napailing na lang ako. "Ewan ko sayo, Tanda." Sabi ko bago siya nilagpasan pero narinig ko pa din siyang nagtanong. "Where are you going?" "Grocery, bibili ako ng mga kailangan ko sa bahay." Sabi ko. "I'll come with you." Sabi nito. Buti na lang nga may sasakyan ito at hindi ko na kailangan pang gamitin ang motor ko. Habang nasa biyahe kami, nakahawak siya sa kamay ko. "Para naman mawawala ako sayo." Natatawa na sabi ko. Natawa din ito. "Hindi naman, hayaan mo na ako." Napangiti na lang ako at hinayaan siya na hawakan ako sa kamay. Minsan binibitawan niya yung kamay ko pero ibabalik niya din ang pagkakahawak. Nang makarating kami sa grocary, nauna na akong bumaba sa kanya. Hinayaan ko siya na magpark muna ng sasakyan bago pumasok sa loob. Kukuha na sana ako ng push cart ng naunahan ako ni Jaden. Hinayaan ko na lang siya. Kumuha ako ng sabon, shampoo, at conditioner. Kumuha din ako ng cerial, fresh milk at iba pa. Papunta na sana kami sa may counter ng may tumawag sa pangalan ni Jaden. Napatingin kami doon sa tumawag sa pangalan ni Jaden. "Aiko, ikaw pala iyan." Gulat na bulalas ni Jaden. Napatingin sa akin yung Aiko ang pangalan. Tinitigan ko siya, "Bakit hindi mo yata kasama si Terria? Nasaan ang asawa mo?" A–asawa? Parang binuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. Gulat akong napatingin kay Jaden, nag-iwas lang ito ng tingin sa akin. Kinuha ko yung push cart sakanya at linagay lahat ng kinuha ko sa may counter. Ibibigay ko na sana yung credit card ko ng may humawak sa kamay ko, pero inalis ko yung pagkakahawak niya. "Ako na ang magbabayad." Presinta na sabi niya. "No need." Malamig na sabi ko bago ibinigay yung credit card ko. Nang ibinalik na sa akin yung card ko, kinuha ko na lahat ng pinamili ko at naunang lumabas. Hindi ko na siya hinintay pa at kumuha ng taxi. Nang makasakay ako doon lang naglaglagan ang mga luha ko. "Okay lang po ba kayo, Ma'am?" Tanong ni Manong. Pinunasan ko yung luha ko. "Opo, Manong." Sagot ko. Nang makarating ako sa tapat ng bahay, binuksan ko kaagad yung pintuan tapos nilock yung pintuan para hindi makapasok si Jaden. Ayoko muna siyang makita ngayon. May nararamdaman na ako sa kanya na napakaspeciall kahit may nobyo ako, pero mas mabigat kasi ang ginawa ni Jaden. May Asawa siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD