JADEN
Halos hindi ako mapakali sa kinaroroonan ko, dahil sa nangyari kahapon.
Hanggang ngayon wala pa akong tulog dahil sa kakaisip kung paano ipapaliwanag kay Victoria na may asawa ako.
Bigla na lang tumunog yung phone ko, pagkakita ko si Tarria ang tumatawag.
"What do you need?" Saad ko pagkasagot ko sa tawag niya.
"Nalaman ko kay Aiko na may kasama ka daw babae? Iyon ba ang kabit mo?" Mapanuya na sabi niya.
Huminga ako ng malalim. "I don't have time to tell you, Terria."
"No, you have but you don't want to talk about your mistress. Always remember this, Jaden. I'm your wife."
"You're. Not. My. Wife. Anymore." Matigas na bawat saad ko.
Tumawa ito sa kabilang linya. "I'm your still wife, sa oras na makauwi ako dyan, Jaden. Sa bahay mo pa din ako uuwi, sisiguraduhin ko din na hindi na kayo magkikita pang muli."
Ngumisi ako. "Are you serious? Ikaw lang ang nag-iisip na mag-asawa pa tayo kahit na hindi na, ikaw ang unang nagloko di ba? Dati na lang kitang asawa, Terria. Mahal ko na siya."
Bago pa siya magsalita, pinatay ko na yung tawag, pero ilan sigundo lang nakatanggap ako ng text mula sa dati kong asawa.
From: Terria
You can't stop me for what I am doing when I go home, sisiguraduhin ko talaga na hindi na kayo magkikita pa at pag nakita ko yang kabit mo sisiguraduhin ko na ipapahamak ko yan.
Nagtangis ang bagang ko dahil sa message niya.
To: Terria
Don't you dare, Terria. You know me so much. Sa oras na ipahamak mo siya o saktan ako ang makakalaban mo. I'm deadly serous.
From: Terria
Oh.. I'm so scared, hubby.
Napailing na lang ako at hindi na siya nireplyan pa.
Damn that woman!
**
Nasa harapan ako ng bahay ni Victoria, ilan beses na akong kumatok sa pintuan ng bahay niya pero hindi niya ako pinagbubuksan ng pintuan.
Narinig ko na lang na bumukas yung gate, tumingin ako doon at nakita ko si Victoria na nakabihis. Mukhang kakauwi niya lang.
"What are you doing here?" Tanong niya.
Lumapit ako sa kanya pero umatraa siya dahilan para matigilan ako. "Vic, I'm sorry about yesterday. Matagal na kaming wala ng asawa ko, siya ang unang nagloko. Pero hindi ko na iniisip iyon mula ng dumating ka dito e." Paliwanag ko.
"So? Ano ngayon? Pwede ba umalis ka na? Sa totoo lang mag-asawa pa din naman kayo kahit anong gawin mo. Nagloko lang siya at pwede siyang bumalik sayo kahit anong oras o araw niya gusto. At kung iisipin na una siyang nagloko, para ka lang din gumanti sa asawa mo." Malamig na sabi niya bago pumasok sa bahay niya at malakas na isinarado ang pinto.
Para akong natahimik doon sa sinabi niya. Tama naman ang sinabi niya pero hindi ibig sabihin non tatanggapin ko pa din si Terria sa buhay ko, mahal ko na si Victoria.
I will do anything, para lang bumalik siya ulit sa akin. Kahit na wala naman talaga kaming relasyon pero sumasaya ako pag kasama ko siya yung tipo na parang ayoko na siyang umuwi sa bahay niya. Hindi ko to naramdaman noong magkasama pa kami ni Terria.